Chapter 32

24.9K 542 69
                                    

A/N: Hello guys! Hindi ko po sure kung magugustuhan nyo tong chapter na to kase medyo hindi maganda yung ending eh. Ah basta basahin nyo na lang. hahahaha!

Enjoy guys! Labyu all!

===========================================================================

KLARISSE'S POV:

"So kayo na nga?" tanong sakin ni parrot matapos ko syang sabunutan ng bonggang-bongga!

Inirapan ko lang sya at hindi sinagot.

Tse! Dahil sa kanya umalis si Justine , may taping daw, pero feeling ko, nagdahilan lang sya. At dahil sa parrot na to, hindi natuloy yung first kiss ko! Kung hindi ko lang napigilan yung sarili ko kanina, baka hindi lang sabunot yung inabot nya sakin.

"Asus naman Klang! Kanina ko pa pinapaliwanag sayo na hindi ko naman sinasadya na istorbohin kayo kanina. Saka malay ko bang nandito si JT! At isa pa, bakit kasi hindi kayo marunong maglock?!"

"Tse! Ang sabihin mo, lagi ka lang wrong timing!"

"Asus! So ano nga, kayo na?" kulit pa nito.

"Mukha bang kami na? Eh diba nga nang-istorbo ka!"

"Hindi pa kayo pero magpapahalik ka kaagad?"

"Kebs mo ba? Eh uso naman ngayon yon!"

"Eh bakit daw sya pumunta dito? Saka bakit ka ba umalis na lang bigla-bigla kagabi? Dahil ba nalaman mo na ex ni JT si Charity?" tanong pa nito.

Oo nga pala, hindi ko pa nga pala nasasabi sa parrot na to na si Justine at yung babae sa park ay iisa lang.

"Bago ko sagutin yan, ikwento mo muna kung anong nangyari sa dinner kagabi."

"Hmmm, after mo umalis, pumasok na din si JT sa kwarto nya. Tinry syang tawagin ni Jordan pero hindi na sya lumabas, wala na daw syang ganang kumain. Kaya yun, tatlo lang kaming nagdinner, at kamusta naman ang tahimik naming tatlo habang kumakain."

"So ibig mong sabihin, hindi na nag-usap si Justine and Charity after ko umalis?"

"Ahuh! Sabay kaming umuwi ni Cha eh"

"Wow Cha! Ano to, nickname basis na kayo? Close na agad kayo?"

"Eh sabi nya kase yun na lang daw yung itawag ko sa kanya eh."

"Oh eh dun ka na sa bago mong friend!"

"Naku naku naku!" OA na sabi nito. "Wag ka nga dyan Klang! Ang arte mo ha! O ngayon, baka pwede mo nang sagutin yung tanong ko"

"Ano nga bang tanong mo?"

"Ay parrot? Parrot lang? Gusto paulit-ulit?!" sabi nito.

"Tse! Ikaw yun! Eh sa nakalimutan ko nga yung tanong mo."

"Sabi ko bakit pumunta si JT dito?"

"Ah, nagpaliwanag dun sa nangyari kagabi."

"Tungkol sa naging relasyon nila ni Charity?"

"Yeah, pero hindi lang yon. Pinaliwanag nya din sakin kung bakit hindi nya sinabing sya yung babae na nakilala ko sa park nung isang taon." Okay, 1-2-3.

"What???!!!!!!!!!!!" Sabi ko na, gaya ng inaasahan ko, magpapaka-OA na naman tong parrot na to.

"Ang OA ng reaction parrot. Mas OA pa yang reaction mo kesa sa naging reaction ko kagabi"

"Seryoso ba yan Klang? Si JT yung girl na kinwento mo sakin na nagpaconfuse sayo?"

Tumango naman ako sa kanya.

Under my spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon