Chapter 36

24.3K 599 100
                                    

A/N: Kk, UMS muna, later na o tomorrow na yung FFMMM. Kailangang bongga yung update don eh. malapit na kasing matapos. mga 3 or 4 na chapters na lang yung natitira don eh.

I love you guys! Enjoy!

===================================================================

KLARISSE'S POV:

"Matapos mo kong saktan kanina, magpapatulong ka ngayong magluto! Ibang klase ka rin eh no Klarisse!" inis na inis na sabi sakin ni Maybelle.

Nandito kami ngayon sa kusina, matapos ko syang poksahin kanina at muntik nang ihulog sa bintana, nagpatulong ako sa kanyang magluto para sa dinner mamaya. Diba nga ininvite ko si Justine at si Jordan.

"Kasalanan mo naman kung bakit ka nasaktan diba?"

"Nagsuggest lang ako" pangangatwiran nito.

"Hindi ka nagsuggest. Dinumihan mo yung malinis kong pag-iisip"

"Kelan ba naging malinis yang isip mo? Puro kasamaan naman yung laman nya."

"Sayo lang parrot!"

"Sus sakin lang daw, kay JT ganyan ka din kasadista eh. Ikaw din, pag nagsawa yun sa pananakit mo, baka bumalik yun kay---"

Hindi na nya naituloy yung sasabihin nya dahil hinawakan ko bigla yung kutsilyo.

"May sinasabi ka parrot?"

Sinamaan lang nya ko ng tingin at nagpatuloy na sa ginagawa nya.

Hay nako, kahit kelan, hinding-hindi ko babaguhin yung sarili ko para lang sa isang tao, kung minahal nya ko nang ganito na yung ugali ko, pwes magdusa sya dahil hanggang huli, ganito ako. Hindi ako tulad ng ibang babae dyan na pag sinabi ng jowa na gawin to o gawin yan, eh sunud-sunuran agad. Ibahin nyo ko mga tol! Dehins to nagpapaagrabyado sa jowa.

"Nasabi mo na ba kay Tita?" tanong nya ulit sakin.

Umiling naman ako. Papano ko masasabi eh nasa bakeshop pa yung nanay ko. Tapos iniwan pa yung phone nya dito sa bahay. Galing din ng nanay ko eh no? Nagcellphone pa, iiwan din naman sa bahay.

"Sigurado ka na bang sasabihin mo na yung tungkol sa inyo ni JT?"

Tumango-tango naman ako.

"Ayokong sa iba pa malaman ni Mama, baka lalo pa kaming hindi matanggap non."

"Sabagay."

"Pero kinakabahan pa rin ako eh. Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaction ni Mama. Ang hirap kasi nyang tantyahin eh"

"Ang alam ko, bet na bet ni Tita si Jordan para sayo"

"Yun na nga eh tapos mamaya si Justine yung ipapakilala ko. Ang awkward lang eh."

"Hmm, pero feeling ko naman magugustuhan ni Tita si JT. Close din naman sila diba? Diba nakwento pa sayo ni JT non na niyakap sya ni Tita noon"

"Oo, nung napilit ako ni Justine na lumabas. Nung time na nagluluksa ako dahil na-friendzone ako ni Jordan"

"Yeah so tingin ko naman, matatanggap kayo ni Tita"

"Alam mo kung magdidilang-anghel ka, hinding-hindi na kita sasaktan" nakangiting sabi ko sa kanya.

Para namang biglang nagliwanag yung mukha nya at nagningning yung mga mata nya.

"Talaga Klang? Promise?"

Bigla naman akong tumawa nang malakas.

"Joke lang parrot. Maraming malulungkot kung hindi na kita sasaktan"

Under my spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon