Chapter 20

21.7K 500 29
                                    

A/N: 3rd update for today. Woot woot! Pero medyo hindi ako sure sa chapter na to dahil medyo nasstress ako sa pinapanood ng nanay ko. Ang arte lang ni Kris Aquino! Medyo distracted ako sa tawa at boses nya. nakakaloka!  Hahaha!

Enjoy! Iloveyouall. CIAO!

===========================================================================

JUSTINE'S POV:

Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Bakit kailangang si Kuya pa?! Kamusta naman na inamin nya mismo sakin na mahal nya si Kuya? Kung alam lang nya na halos isang taon akong naghintay at nagpabalik-balik sa park na yon para sa kanya. Tapos ano? Malalaman ko na lang na inlove sya sa kakambal ko? Na si Kuya Jordan yung gusto nyang makasama habambuhay? At ako? Sister-in-law nya lang? No way! Hindi ko kakayaning tumira sa isang bahay na kasama sila ni Kuya no! Ugh! Bakit ba kasi naging babae ako eh? Siguro kung naging lalaki ako baka ako yung nagustuhan nya at hindi si Kuya!

At kamusta naman na dalawang beses syang hinimatay sa harap ni Kuya! Patay na patay lang?!

"Hey, kawawa naman yung steak sayo, durug-durog na o" narinig kong sabi ni Kuya.

Inirapan ko lang sya. Galit ako sa kanya. Ayoko syang kausapin! Inagaw nya sakin yung babaeng mahal ko!

"Huy! Kanina mo pa ko hindi pinapansin ah. Galit ka ba sakin?" tanong pa nya.

Tiningnan ko lang sya ng masama. Bakit ba kasi kailangang sya pa yung mahalin ni Klarisse eh! Sa dinami-dami naman ng magiging kaagaw ko, bakit eto pang si Kuya! At ako naman si tanga kanina, binigyan ko pa sya ng pag-asa kanina. Sana pala sinabi ko na lang na girlfriend na ni Kuya si Kath para hindi na sya umasa.

"Justine..Justine.." tawag pa ni Kuya.

"Ano ba?!" inis na sabi ko dito.

"Bakit ba hindi mo ko pinapansin?"

"Wala!!"

"Wala? Saka bakit ba nakabusangot ka dyan? Diba dapat masaya ka kase naiwan kayong dalawa ni Klarisse sa kwarto nya?"

Naiwan nga kami pero ikaw naman yung pinag-usapan namin! And I had to pretend na nakasmile at masaya ako habang pinag-uusapan ka namin!

Pero bakit nga ba ko galit kay Kuya? Wala naman syang kasalanan diba? Hindi naman nya ginusto na mahalin sya ng babaeng mahal ko.

"Wag mo na lang akong intindihin" malungkot na sabi ko dito.

"No, tell me Justine, anong problema? Okay ka pa naman kanina eh, nagkaganyan ka lang after nating pumunta kila Klarisse. Nagtapat ka na ba kanina and binasted ka nya?"

Nagtapat? Binasted? Papano ko makakapagtapat eh pagpasok ko pa lang sa kwarto nya, nawalan na ko ng pag-asa. Pagpasok ko pa lang pinamukha na nya sakin na si Kuya Jordan yung mahal nya.

"No and Yes!" sagot ko sa kanya.

"Huh?" takang tanong nito.

"No dahil hindi naman ako nagtapat sa kanya kanina. And yes, nabasted ako ng hindi nya alam na binasted nya ko"

"Sorry, hindi kita maintindihan."

"Hindi ko nasabi sa kanya kung ano yung nararamdaman ko dahil may iba na syang mahal"

"Oh! Sino yon? Gusto mo upakan ko? Patambangan ko sa mga tambay dyan sa kanto?"

Natawa naman ako sa sinabi nya. Tingnan lang natin kung masabi pa nya yan pag nalaman nya kung sino talaga yung mahal ni Klarisse.

"O kanina lang galit ka sakin, tapos lumungkot yung mukha mo, tapos ngayon biglang tumatawa ka na. Yung totoo JT, takas ka sa mental no?" natatawang sabi nito.

Under my spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon