Chapter 19

2.1K 46 13
                                    

Jho
"Are you okay, baby?"
Napalingon agad ako sa likod sa nagtatanong na pamilyar na boses at saka ko pinatay ang phone ko.

"H-hey." Nasabi ko.

Hinalikan agad ako ni Bea sa pisngi at saka tumabi sa'kin.

"May problema ka ba? Pinagalitan ka ba ng mga seniors?" Kunot-noong tanong nya.

"Wala. Hayaan mo na." Sabi ko para matapos na pagtatanong nya.

"Sabihan mo ko kung sino, papagalitan ko talaga!"

"Sira! Wag kang makialam sa trabaho ko. Alam mo na kung saan ka lulugar Bea." Pagbabanta ko.

Last na yong basta na lang sya magdecide ng bakasyon ng hindi nagpapaalam sakin bago nya gawin yon.

"Oo na. Di na nga mangingialam." Napayuko nyang sabi.

"Uwi na ako. Wag mo na akong ihatid. May duty ka ngayong gabi."

Nasa bo's coffee lang kami ng hospital. Gusto nya kasing magtambay ng ilang oras dito bago sya bumalik ng hospital.

Ngumuso naman itong parang bata.

"Ano?"

"Hatid na muna kita please."

Heto na naman kami. Pinapairal na naman ang pagiging brat nya.

"Hindi. Kaya ko namang magdrive. Magduty kang matino dun. Minsan ka na nga lang duty di mo pa kayang magstay dun sa loob."

"Eh di naman busy.."

"Hindi nga. Wag kang makulit."

"Ngayon lang naman!" Nag-aasal bata na naman ang damulag.

"Palagi! Gusto mo masunod lahat ng gusto mo eh. Di ka papapigil."

"Ngayon nga lang. Sige na kasi, love."

"Hindi na nga. Tatawagan na lang kita pagkadating kong bahay."

"Pleaseee.."

"Sige, ipilit mo pa. Malapit na akong mainis sayo Bea, ha."

"Pleasee, baby. Mamimiss kita agad. Hayaan mo na lang kasi akong ihatid ka."

"Ang kulit mo! Naiinis na ako sayo! Hindi nga pwede! Magduty ka ngayon!"

Sasagot pa sana sya kaya inunahan ko.

"Sige sumagot ka pa't di kita kakausapin talaga!"

Natahimik naman bigla. Takot nya pala eh.

"Oo na. Hatid na lang kita sa labas."
Tinignan ko lang sya ng masama.

"What? Pati sa labas di ka pwedeng ihatid?"

"Napakatigas ng bungo talaga." I chuckled.

Kinuha nya ang bag ko at saka naglakad na palabas. Awtomatikong hinawakan nya ang kamay ko. Ngayon ko lang narealize na gustong gusto nyang hinahawakan ang kamay ko lalo na pagnaglalakad kami. Hindi naman sya ganito dati.

Sweet RejectionWhere stories live. Discover now