Chap 6: She's Mine

3K 62 1
                                    

Bea

"Good morning, mom and dad!!" masiglang bati ko sa kanila.

"Oh nak, upo ka na at nang makakain na ng almusal." si dad.

Naupo na ako sa bakanteng upuan at nakisalo sa kanila. Nagtaka ako dahil may dagdag na plato sa isang bakanteng upuan sa tabi ko.

"May bisita tayo, mom?" tanong ko.

"Hindi lang basta bisita, nak. Tinawagan ko si bunso na dito na kumain ng almusal."

Kumunot ang noo ko at napabuntong hininga na lang, saka ipinagpatuloy ang pagkain.

"You're okay, nak? Ba't parang hindi ka masaya?" diretsahang tanong ni dad.

"It's not like that, dad."

Hindi na nila ako tinanong pa ulit pagkatapos nun.

A few minutes later..

"Hi, tita! Hi, tito!" bati niya sa kanila.

Masaya ang mga magulang kong nakita nila si Jho. Hindi na ako nag-abala pang tingnan sya pero naramdaman kong nakatingin ito sa'kin.

"Hi, babe.." bati niya.

Tumingala ako sa nakangiti niyang mukha. Lumapit sya sa'kin at saka niyakap ako sa likuran.

"I miss you.." sambit nya.

Wala akong maisagot sa kanya.

"Hmmmn." yon lang ang tanging naisambit ko sa kanya.

Kinuha ko ang mga braso nyang nakapulopot sa leeg ko. Nabibigatan na ako. Naramdaman niyang hindi ko nagustuhan ang pangyayakap niya basta-basta, medyo naguilty ako at hihingi sana ng sorry pero pagtingin ko sa mukha nya ay pilit na nakangiti pa din sya sa'kin kaya hinayaan ko na lang.

"Upo ka na." sabi ko.

Naupo naman ito sa tabi ko. Nagkukwentuhan silang tatlo habang ako ay nakikinig lang. Gusto ko ng umalis dahil tapos na akong kumain at para manuod ng tv pero pinili kong manatili na lang bilang respeto sa kanya.

Jho automatically held my hands under the table. I pretended to eat again to avoid of holding. Tiningnan nya ako na parang nagtatanong kung bakit. Napayuko na lang akong nakatitig sa plato dahil ayoko na munang kino-confront ako.

Nang umalis na sila mom at dad sa kusina ay agad naman akong tumayo para pumunta sa living room at manuod ng tv.

"Bea, can we talk?" garalgal na sabi niya.

"Wag muna ngayon, Jho. Gusto ko ng magpahinga."

Akmang lalakad na ako at umakyat na lang sa taas pero mabilis ang kamay niya't hinablot ang braso ko.

"Kailan mo pa gustong makipag-usap sa'kin? Bukas? Sa susunod na bukas? Hanggang sa umabot na naman ng dalawang linggong pag-iwas sa'kin?

Napataas na ang boses niya.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Do you want us to talk here or to my room?" tanong ko.

"To your room." sabi niya.

Nakarating na kami sa kwarto at isinara ang pinto.

"Ba't mo ko iniiwasan?"

"I.. I don't know."

"Bea, hindi ako tanga. I know you have your reason and I want to hear it from you. Pagod na din akong mag-isip kung bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko, kung bakit pinagtataguan mo ko everytime na pumupunta ako dito. Ang dami kong tanong Bea.." nagpipigil ang galit niya sa kanyang mata.

Sweet RejectionWhere stories live. Discover now