Chapter 17

2.4K 46 24
                                    

Jho
"Bwisit."
Ang tanging nasabi ko na lang. Nagising ako sa isang tawag na naman. Palagi na lang tawag ang gumagambala sa'kin.

Dinampot ko agad ang cellphone ko't di na tinitignan kung sino ang tumawag.
"Hello?"

"I'm at your place. Can we talk?"

Lalong kumunot ang noo ko pagkarinig sa kanyang boses.

"Ngayon na ba?"
Paninigurado ko.

"Yes. Please. I'm waiting outside the door."

Nakaakyat na pala syang elevator.

"Okay." Sagot ko at pinatay ko na ang tawag.

Nagsuot muna akong bra at nagpalit ng damit. Di na ako nagtoothbrush since kakain pa din naman ako mamaya.

"Come in." I shortly said after I saw her standing at the door.

"Thanks."

Pagkaupo nya sa sala agad ko syang tinanong kung anong gusto nya.

"May gusto ka bang inumin at kainin?"

She asked for coffee and I make two
for us.

"Anong gusto mong pag-usapan, Bea?"
Diretsang tanong ko sa kanya.

"Can we go back just like before?" Diretsahang sagot naman nya.

Napakuyom ako sa kamao ko sa sinagot nya. Parang kay dali lang tanggapin sya ulit pagkatapos nyang ina-upside down nya ang nararamdaman ko.

Kung kelan pabangon ka na dun naman sya babalik.

Sumikip na naman ang dibdib ko sa sakit. Palagi na lang ba masakit ibibigay nya sa'kin?

"I'm sorry.." nasambit nya.

Di ko na namalayan na nakalapit na pala si Bea sakin at nakayakap na sya sakin ng mahigpit.

Di ko din namalayang tumulo na ang mga luha ko nung pinunasan nya ang mga ito sa kamay nya.

Narinig ko na lang na paulit-ulit syang nagsosorry sa'kin. Na di na nya ako sasaktan ulit pagtinanggap ko ulit sya.

Nanlalambot ang mga tuhod ko. Ni di ko kayang kumawala sa mga bisig nya dahil namimiss ko ng sobra ang yakapin nya ako ng ganito kahigpit. Ang amoy nya at lalo na yong paghahalik nya sakin sa noo. All the walls I built were easily wreked by her. Tinalo lang iyon ng isang punas lang sa mga luha ko, yakap nya at halik sa noo.

Tanga. Nagpakatanga na naman ulit ako. Kahit ayaw ng isip kong paniwalaan ang mga sinasabi nya, ang bobo ko namang puso ang walang pagdududa sa pinagsasabi nya.

"Gusto mo bang matulog ulit?" Tanong nya sa'kin nung nahimasmasan na ako sa pag-iiyak.

Nakakandong na pala ako sa kanyang parang bata. How I miss this so much. Ayoko ng umalis pa sa ganitong position.

"Mag-oorder akong pagkain natin para makakain kang breakfast, okay?"
Sabi nya nung di ako sumagot.

"I promise I won't leave your side."
She promised.

Takot na ako sa mga promises nya.

Di pa din ako sumagot. She then carried me on her arms and brought me to my room. She put me to my bed and Bea lied beside me.

Nakaunan ako sa isang kamay nya while she stroke my hair. Iyan ang palaging ginagawa nya hanggang sa makatulog ako nung kami pa.

I then wrapped my arm to her waist and drew her closer to me.
————
Ara
I called Jho for a 10th time but she's not picking up. Kahit replies sa mga text ko wala.

Sweet RejectionWhere stories live. Discover now