Chapter 15

3.1K 63 19
                                    

Bea
"Bae, nakikinig ka ba sakin?" Iritableng tanong ni kiana.
Tinignan ko lang sya nagtatanong ang aking dalawang mata kung may sinasabi ba sya.

"Suuusss! Nakita mo lang si Jho may kasamang iba nagiging lutang na yang utak mo!" Pang-aasar nya sa'kin.

Kunot-noo lang akong tinignan sya.

"Alam mo tanga ka kasi at sobrang sagad pa sa O.A feeling mo mahal mo ko pero si Jho pa din mahal mo."

"Pinagsasabi mo dyan." Sagot ko lang.

Napabuntong hininga na lang sya.

"Hoy, Saan ka pupunta?" Agad na tanong nya nung bigla akong tumayo.

"May pupuntahan lang. Mauna ka na lang. Di na kita mahahatid sa office mo." Sagot ko at agad ng naglakad palabas ng cafeteria.

Binilisan kong maglakad para maabutan ko si Jho at kukuhanin sya kay Ara.

Nakita ko syang nakatayo at nakasandal sa isang wall ng nakacrossed arm na waring may hinihintay.

I wondered why she was wating infront of the comfort room. Her face looked sad and hurt and knew I was the cause. I slowly walked toward her unsure if I should come near her or walked backward.

Then suddenly in my peripheral vision where someone came out of the cr door I already knew who that figure was.

When I turned my head to glared at her, she was already staring at me at saka naglakad papalapit habang nakatitig pa din sya sakin. Binilisan ko din ang aking paglalakad papunta kay Jho. Akala mo ha!

"Success ba?" Narinig kong tanong ni Jho sa kanya.

Palapit kami sa kanya. Pero mas malapit si Ara sa kanya kaya sya ang naunang nakalapit sa kanya.

"Power hug!" Sabi ng gago.

Kumulo ang dugo ko sa katawan nang makita kong niyakap nya ng mahigpit si Jho. Nakakuyom ang aking mga palad sa inis.

Agad akong umalis pagkatapos. Palakad-lakad lang ako hanggang sa nakarating akong parking lot. Dun pumasok ako sa sasakyan ko. Aalis na sana ako nung nakita ko ang sasakyan ni Jho. Agad akong lumabas at nilapitan ko ang sasakyan ni Jho.

Jho loved cars so much. May collection sya dun sa condo namin. Palagi nya yong tinatawag na babies. Kaya para mainis sya at mahatid ko sya pauwi, gagawin ko na lang kung anong pwede kong gawin ngayon. Bahala na kung magagalit yon.

Sakto namang may guard malapit sa parking lot agad ko itong tinawag para magpatulong sa kanya. Sinabi ko sa kanya yong gagawin namin pero tinanggihan nya ako.

"Sige na kuya guard, pangako walang makakaalam at hinding hindi ka masisante sa trabaho mo. Kung masisante ka man, ihihire kita sa'min. Doble pa ang sweldo." Pakiusap ko.

Effective naman kasi tinutulungan na ako. Binutasan namin ni kuya guard ang mga gulong ng sasakyan ni Jho. Ang gusto ko sanang tanggalin lahat ng gulong pero tumanggi na si kuya guard kasi parang sobrang obvious na daw kung gagawin pa.

Sumang-ayon na lang din ako sa kanya at saka binigyan ko syang 1k para sa cooperasyon nya.

Never in my life ginawa ko to nung kami pa ni Jho. Pagsasakyan na pag-uusapan, hands off na ako dun sa kanya.

Imbis na bumalik akong office ay nagdecide na lang akong magtambay ng coffee shop malapit sa hospital hanggang sa matapos ang duty ni Jho.

I smiled sheepishly thinking how she would react at it. I ain't gonna lose her. Wait. What the hell I'm talking about?!  Sinigway ko na lang kung anuman yong sinasabi ng utak ko.

Sweet RejectionWhere stories live. Discover now