Chapter 25

1.2K 35 58
                                    

Bea

I am still keeping my fingers crossed that Jho would change her mind and that she'd allow us to have a talk about it.

I knew Jho. She would never leave me because I know she still loves me. Love would never fade that easy.

I hurriedly got out of my car and ran towards the elevator. Luckily, I did not wait a minute for it to open automatically.

As I arrived home, I kept my hopes up that Jho is still here. I roamed my eyes to our home, her things are still there and that made me smile a bit. I went to our room thinking she's sleeping or probably taking a bath.

But I did not see her. Jho really left. Her clothes are gone. My knees wobbled making me sit on our bed.

My face was drenched by tears. I couldn't make a sound as my heart felt heavy.

Jho's gone. Nangyari na ang kinakatakutan ko.

*****
Nagising akong 4 am ng umaga at agad kong naisip na iniwan na pala ako ni Jho.

Pumunta akong kitchen para kumuha ng tubig pagkatapos ay umupo ako sa sofa. Tulala. At nagsimula na namang dumaloy ang mga luha sa aking mga mata. Naiisip ko lang si Jho nagiging balat-sibuyas na naman ako.

Nang makita ko ang phone ko sa mesa agad ko itong kinuha. Pinunasan ko muna ang mukha ko saka inayos ang boses ko bago ko syang tawagan..

I badly miss her. Nagsimula na naman akong makakita ng pag-asa nang magring ang phone ni Jho at sinagot nya ito.

"Helloo?.."  Si Jho. Halatang galing sya sa tulog. Ang ganda ng boses nya kahit sa phone lang. 

"I mmiss youuu.." Sabi ko. Pilit na pinipigilan kong maiyak.

"B-Beaa.."

"Please come back, Jho. Hindi ko kaya."

Jho was silent.

"Baby, pleaseee." Naiyak na ako habang napasabunot ako sa buhok ko.

"Matulog ka na Bea, anong oras na."

"Noooo!. Unless you tell me you won't leave me.." Napasigaw kong sabi. Hinayaan ko na ang sarili kong maiyak.

"Hindi na 'yon magbabago, Bea. Buo na ang decision ko. Please, wag mo na akong tawagan ulit. I'm so sorry." Sagot ng kabilang linya sabay patay ng tawag.

Agad kong ni re-dial ulit pero pinatay nya ito hanggang sa di na magring ang phone ni Jho.

I felt so helpless and torn. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko ngayong iniwan na ako ni Jho ng tuluyan.

****
"Okay ka lang?" Si kianna.

Nasa bo's ako ng hospital para bumili ng kape.

"Namumugto yang mga mata mo. Lalong nawala yang dalawa mong mata." komento nya.

Nakasuot akong sunglasses para di mahalata ng mga tao pero si Kianna ay kakaibang nilalang.

Pagkatapos kong kinuha ang order ko ay agad na akong umalis.

"Mauna na ako sayo, Kians. See you, later." Kalmadong sagot ko.

"Napakabastos mo talaga, Beadel! Tinatanong kita, hoy!" Sigaw nyang sagot.

Hindi ko na sya pinansin at dali-dali akong pumuntang office.

Pagdating ko dun ay nadatnan ko si Jho na may binibigay na nakatuping na papel sa chief namin. Ilang araw na ding nag-leave si Ara from work.

Napansin ako ni Jho. Hindi tuloy ako makakilos sa tinatayuan ko. Hindi ko alam kung papano ko sya pakisamahan.

Casual lang na nag-good morning si Jho sakin at ako naman ay naiwang nakatingin lang sa kanya.

Sweet RejectionWo Geschichten leben. Entdecke jetzt