Chapter 18

2.6K 32 6
                                    

Ara
Nakita ko si Jho sa ER. Masayang nagtatrabaho na parang umaliwalas ang kanyang mukha ngayon. Hindi na katulad ng dati na pilit ang ngiti ang binibigay nya sa mga tao.

Naglakad ako palapit sa kanya para kumustahin sya since ilang araw na din kaming di nagkakausap.

Namimiss ko syang kausap. Totoo. Walang halong biro. Eh sana nga biro na lang ang lahat noh para mabilis na lang yong pagback out kapag naaattach ka sa isang tao. Pero talagang namimiss ko sya. Haayy.

"You're okay?"

Napahinto ako nang makita kong si Bea yong nagsasalita sa likod nya habang hinahawakan ng mga braso nya ang baywang ni Jho at nilalapit nya ang ulo nya sa tenga ni Jho.

Napabuntong hininga na lang ako. Naisip kong wala akong lugar dun kaya bumalik na lang ako sa direksyon ko.
———-
At OR
Patient was already prep. Nabigyan na din ng anesthesia. Vital signs are stable. Andun na din ang mag-aassist sa'kin.

Si Bea pala ang first assist ko. Magfififth year na ako while sya kaka-fourth year palang nya dahil sa pagkahospitalized nya kaya nabehind syang konti.

Kahit nakasurgical mask alam kong sya yon. Kahit na di namin gusto ang isa't-isa professionalism is important para sa kaligtasan ng pasyente namin.

Nagdasal muna kami bago kami magstart.

"Scalpel." I said to the OR nurse.
Mabilis kong hiniwa ang right lower area ng tyan ng pasyente. Simple lang yong procedure na appendectomy. Kahit 2nd year pwede ng sila ang mag-opera pero private patient kasi kung baga vip.

Ito din yong first time na sya ang nag-assist sa'kin after ng pagkahospitalized nya. Di nawawala yong natural na galing nya sa OR. Mabilis pa din ang mga kamay ni Bea bilang assistant ko di ako nahihirapan sa pag-oopera.

"Signing out at 11:45am." Sabi ng nurse at nagcounting na din sa mga instruments na ginamit namin.

Hinubad ko na ang gown at gloves ko. May sinulat ako sa chart at pinirmahan.

"Bey, pakisulatan mo na lang ang surgical technique at ikaw na magsulat ng order. Salamat." Sabi ko sa kanya.

"Sige po doc." Sagot naman nya.

Umalis na ako pagkatapos. Nung may tumawag sa phone ko agad ko naman itong kinuha sa bulsa ko.

"Oh?" Sabi ko sa kabilang linya.
"Nasa hospital ka? Andito ako sa may garden nyo. Puntahan mo ko dito. May dala ako food galing kay Jerome."

"Tsss. Bakit? Di mo kayang ubusin kaya ibibigay mo sakin tira?" Pagpapamilosopa ko.

Ganun naman kami ni Mika. Palaging nagbabarahan.

Pinuntahan ko sya. Nakaupo sya sa labas ng coffee shop habang inamoy nya ang kape nya. Parang baliw. Ba't na lang di kaya inumin nya.

Sa garden kasi namin sa hospital may coffee shop sa gitna. Medyo tago sya. Pwede ka pang magrelax dun. Yon nga lang andaming makakilala sayo kung dun ka magtatambay kaya halos lahat ng kilala kong doc iniiwasang magtambay dito dahil baka machismis na naman.

"Baliw ka ba?" I chuckled while she smiled at me.

"Hindi. Baka ikaw?" Sagot nya.

Napakapilosopa talaga nya.

"Anong ginagawa mo dito Ye?" Pag-iiba ko.

"Binibigyan kang pagkain kasi broken hearted ka na naman." Sabi nya. Nakikita ko sa mga mata nya yong halong pag-aalala sa'kin. Si Ye kasi nakaalam ng lahat. Sya lang ang sinasabihan ko. Sya lang ang pinagkakatiwalaan ko. Kaya nung nagkaboypren sya matagal kong tinanggap si Jerome for her kasi ayaw kong masaktan ang bestfriend ko. Lalo na mahina sya mga guys. Nadadala agad.

Sweet RejectionWhere stories live. Discover now