Chap 7 : Spare me

2.8K 50 12
                                    

Jho

"Ang sarap mo talagang magluto, Jho! Patirahin mo na lang kasi ako dito!"

Nasa mesa si ate Ells, nagsasalita habang kumakain. Expected naman yon sa kanya kaya di na nakapagtataka.

"Sige pero dalhin mo muna si Bea dito, papayag ako." sagot ko habang kumukuha ng strawberries sa ref at saka hinugasan.

"Ayaw na nga sa'yo. Pinipilit mo pa!"

Pagkatapos kung maghugas ay nilapitan ko agad sya at sinamaan ng tingin.

"Alam mo ate Ells, para lang yang pagkain. Babalik-balikan mo pa rin." hugot ko sa kanya at saka tinangkaang kuhanin ang pagkain niya.

"Ito naman di mabiro. Pag-usapan natin yan mamaya Jho ha pagkatapos nating kumain." sabi niya sabay peace sign sa'kin.

"Pag-usapan natin pagkatapos mong hugasan ang mga pinggan, ate Ells."

Magrereklamo pa sana sya pero tumahimik na lang matapos nyang makitang kinuha ko ang natitirang pagkain sa mesa.

Food is life nga naman para sa kanya kaya ang dali nyang mapasunod. Kung ganun nga lang siguro si Bea katulad ng patay gutom kong kaibigan, nasa bahay na sana sya ngayon kasama ko.

"Natahimik ka dyan? Mamaya mo muna isipin si Bea pagkatapos mong kumain Jho. Galit ako sa kanya Jho, gusto kong tirisin ang babaeng yon pero it can wait. Mas importante ang pagkain sa ngayon. So please lang Maraguinot, kahit ngayon lang hindi ka iiyak habang kumkain ka."

Tina-try ko naman ate Ells pero sadyang mas mababa lang talaga ang mga luha ko pagdating sa kanya.

Pinunasan ko na ang mga luhang tumulo sa dalawang mata ko.

"D-dalian mo ng kumain ate Ells. Banyo lang ako."

Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang isang braso ko at saka niyakap ako ng mahigpit.

"Leche ka Maraguinot.. Nakakawala ka ng ganang kumain, eh."

It's her way of comforting me. I cried again in her arms and lost counting how many.

"Ang sakit-sakit ate Ells. Sobrang sakit na dito."

"Iyak mo lang yan Jho hanggang sa maubusan ka ng luha, baka kinabukasan di ka na makaiyak at baka din bukas makakain ako ng matiwasay."

Nagawa nya pa talagang magbiro. Thankful enough I have a bestest friend like her.

Pagkatapos ng ilang minuto ay kumawala na ako sa pagkakayakap.
Tinulungan naman nya akong magligpit sa mesa. Pinaupo na nya ako sa sala pagkatapos at saka sya naghugas ng pinggan.

***
"Jhow, simulan mo ng magkwento."

Lumapit na si ate Ells sa'kin na may dalang dalawang bote ng mudshake at saka naupo sa tabi ko.

Kinuha ko ang isang bote sa kamay niya at ininom. Sinabi ko sa kanya ang lahat, bawat detalye, pabalik-balik na at pabalik-balik na din syang nakikinig sa'kin.

"Alam mo Jhow, ayokong magbigay ng advice sa'yo. Pero ito lang ah, kung ikasasaya ng iyong loob ang gagawin mo, then go for it."

Nakatingin lang ako sa ceiling habang nakikinig sa kanya. Ang maganda kay ate Ells ay hindi sya nagger, kahit na sobrang daldal at pg nya, marunong din syang makinig kagaya ngayon.

"Ate Ells, kahit na mas masasaktan ako?"

"Oo, Jhow. Kahit naman sabihin kong tama na ay hindi ka din naman makikinig sa sasabihin ko. Kaya Jho, patayin mo na lang puso mo kakadikit kay Beatriz."

Sweet RejectionWhere stories live. Discover now