Chap 4: Wide Awake

3.7K 54 0
                                    

Jho POV

"Jho, you're a mess. Go home. Kami na muna ni Maki dito."

Tiningnan ko sya sa napupungay kong dalawang mata dahil sa kulang sa tulog at saka ibinalik ang tingin ko kay Bea.

"Come on, Jho. Alam kong nag-aalala ka ng sobra kay Bea pero isipin mo din ang sarili mo. Kung ganyan ka lang palagi, papano mo maaalagaan si Bea?"

"Ate Ells, I'm fine. Thank you." tipid kong sagot sa kanya.

"Jho, hear us. I'm sure Bea won't like it kung pinapabayaan mo na ang sarili mo."dagdag na sabi ni Maki.

She's right. Hindi ito magugustuhan ni Bea 'pag nakita nya akong ganito.

Tumayo na ako at saka nagligpit ng gamit. Alam kong nakatingin lang sila sa akin at alam kong nagmumukha na akong zombie sa paningin nila.

"Maligo ka at kumain ng madami at matulog ka. Wag mong alalahanin si Bea, nandito lang kami nakabantay sa kanya." paalala ni ate Ells.

Nilapitan ako ni Maki at saka niyakap ng mahigpit.

"Don't worry about her. We'll call you right away if she wakes up." she said.

Namumugto na ang luha ko sa kakaiyak, pero heto pa din ako naiiyak na naman, parang walang kapagurang pag-iyak.

"Shhh.. She'll be alright Jho. Matapang si Bea at masamang damo din kaya naman magigising din yon." pagbibiro nya sabay hagod sa likod ko.

I know she's joking, I should respond but have no more energy to it.

"And tita Det told us on our way here to get your car key. Manong is already outside para maghatid-sundo sa'yo."

Napabuntong hininga na lang ako at nagnod sa kanila. Bago ako umalis ay nilapitan ko muna si Bea na nakahiga sa kama.

"I'll be right back, babe. Maliligo lang muna ako para paggising mo, fresh na fresh ang dating ko sa'yo. I love you." I whispered to her ear and kissed her forehead.

"Alis ka na Jhoana. Mamaya na ang paglalandi." asar ni ate Ells.

I smirked at them as Maki also laughed. I'm thankful at nandito sila na matalik na kaibigan namin pareho ni Bea.

"Alis na ako. Tawagan nyo agad ako 'pag nagkamalay na si Bea." sabi ko at saka nagbeso sa kanila.

Pagkalabas ko ng hospital, agad na bumungad ang asul na sasakyan sa harap ko. Ibinaba ni manong ang isang bintana ng sasakyan para malaman kong sya ang nagmamaneho. Akmang lalabas sya para pagbuksan ako ng pinto.

"Wag na po kayong bumaba manong. Ako na po ang bahalang magbukas ng pinto." sabi ko at saka ngumiti sa kanya.

Pumwesto na ako sa likod at inihilig ko ang aking ulo sa upuan. Ipinikit ko ang dalawang mata ko pagkatapos. Pagod na pagod na ang katawan ko at kulang na lang ay humiga na ako dito.

"Ma'am Jho.. Gising na po. Nandito na tayo." sabi ni manong na tinatapik ang balikat ko.

Napamulat agad ako at saka lumabas ng sasakyan at nagpasalamat sa kanya.

Pagdating ko sa loob ay agad akong dumiretso sa banyo at naligo. Pagkatapos nun ay nag-order na ako ng pagkain. Wala akong ganang magluto sa kusina, mas naaalala ko lang ang nangyari bago nahospital si Bea.

Dumiretso na ako sa kwarto pagkatapos kumain. As I smelled the bedsheet, napangiti ako dahil may amoy Bea pa din. This is why, I didn't change the bedsheet because I want her smell lingered in here. Mas napapanatag ang loob ko kapag ganito dahil feeling ko hindi ako nag-iisa.

Sweet RejectionWhere stories live. Discover now