Chap 11: _______

3.6K 68 25
                                    

Jho

I waved goodbye to Jia before I headed to ate Ells clinic. As I walked toward her office, my head was full of thoughts about food. The thought of it made me even more starved.

I got inside her office and saw a few of patients were waiting. Her secretary was busy so I decided not to intervene and sit down together with the patients and wait ate Ells till she's finished.

It's already 5:15 P.M. and she's still inside. When I'm about to stand to get inside, her door opened and saw her. She then signaled me to come inside and I followed. I waited her for about 10 mins till she's finished with her last patient.

"Dahil hinintay mo talaga ako ngayon Jhow ay ako na lang ang manlilibre ngayon." sabi niya nang palabas na kami sa office.

Hinarap ko sya "Ikaw naman talaga ang manlilibre ngayon, eh. Ikaw naman ang mayaman sa'ting dalawa."

"Eh, di ako ng mayaman! Daming sinasabi. Pwede namang magthank you na lang noh?" pilosopa nya.

"Thank you po!" tipid kong sagot.

Napahinto naman sya sa paglalakad at tiningnan ako ng maigi.

"Anong problema mo? Hindi ka pa nakakain, ganyan ka na?"

"Anong problema sa'kin? Ganito naman talaga ako, ah." sagot ko.

"Ikaw ba talaga si Jhoana? Hoy, kung sino ka man. Ilabas mo ang totoong Jhoana!!"

Natatawa na lang ako sa reaction niya.

"Baliw ka ata ate Ells. Ako nga to."

"Hindi ka na baliw kay Bea?" diretsahang tanong niya.

Nawala ang ngiti sa mga labi dahil sa binanggit niya. Akala ko ba may closure na pero ba't affected na naman sa pangalan ni Bea.

Ramdam naman ni ate Ells kaya pinili niyang manahimik pagkatapos niyang humingi ng sorry.

Nakayuko lang akong naglakad pero napaangat bigla ang mukha ko. Nakita ko na naman sya. Parang nanghihina ang tuhod ko at gustong tumakbo ng mga paa ko palayo sa kanya. Nawala na yong confidence kong makipag-usap sa kanya kahapon. Nalimutan ko na namang gusto kong magmove-on. At kailangan ko ulit magreremind sa sarili kong kaya ko to at stay put ka lang.

Patuloy lang kami sa paglalakad.

"Where are you two going?" tanong niya nang nagkalapitan na kami.

"Kakain Bei. Mauna na kami." sagot ni ate Ells.

"Sige, B-Bea. Mauna na kami." pilit ngiti kong sabi.

"You're not gonna invite me?" she smiled.

"Beadel, wag na. Hindi yan mabubusog pag kasama ka." sagot ni ate Ells para sa'kin.

Tiningnan ko ng masama si ate Ells kahit na totoo din naman ang sinasabi niya.

"Hoy, sa'n punta nyo!?"

Napalingon kami sa sumisigaw.

"Ba't ba sumusulpot kayo pag kasama ko si Jho ha?"

"San nga punta nyo ate Ells?" pag-uulit ni Maki.

"Wala ka ng paki dun! Hindi kayo pwedeng sumama!"

"Jhoooooo!!!!!" may ibang boses naman ang sumisigaw.

Alam ko na kung sino to eh.

"Anooo?" tanong ko pagkalapit niya.

"I called you!! You didn't answer!!"

Hay naku, panigurado sasama to eh.

"Ate Ells, can I go with you?" she asked.

"Of course Ju! Halika na!" she answered and dragged Jia with her.

Sweet RejectionWhere stories live. Discover now