Chapter 35 Oh no..

57.2K 1K 101
                                    

"Alam mo ba kung gaano ako nalungkot nung hindi mo ako pinapansin? Nakakainis ka!" sabay pout. Nandito kami sa third floor ng J.S. building.

"Para matuto ka. Hindi mo kasi iniingatan. Dapat lagi mo 'yang suot."

"Ehhh! Over naman! Syempre kapag matutulog at maliligo ako, hinuhubad ko ito."

"Kapag nawala uli 'yan, patay ka na talaga sa 'kin."

"Ikaw ang patay sa 'kin kapag ikaw ang nawala sa 'kin!" sigaw ko sa kanya. "Akala mo ha! Nakakainis ka talaga! Alam mo bang ang lungkot ko talaga? *huk* Nang dahil sa nawala ko ito, hindi mo na ako kinausap at hindi mo na rin ako pinapansin. Para mo na rin akong iniwan. Paano na lang kung hindi ko na talaga ito nakita? Edi hindi mo na talaga ako kakausapin? Iiwan mo na ako?"

Ayan na... napaiyak na ako. Pero sa kabila ng pagdadrama ko, pinitik lang niya ako sa noo. Medyo malakas ang pitik na 'yun kumpara sa dati.

"Ouch!"

"Idiot."

"Oo na! Ako na! Ako na ang idiot! Ganyan ka naman eh!"

"Idiot girl! Sa tingin mo ba iiwan kita nang dahil dun? Tanga ka rin talaga, ano? Nagtampo lang ako. Alam mo ba nung nawala mo 'yun, sobrang nalungkot din ako."

"Weh?! Eh parang galit ka lang naman eh, hindi nalungkot!"

"Nalulungkot ako. Kaya hindi kita pinapansin kasi nakakainis ka! That's the first time I gave a gift to a girl tapos iwinala mo pa!"

"Akala ko ba okay na tayo? Eh bakit parang nagagalit ka na naman dyan?!"

"I am not mad! Sinasabi ko lang para alam mo!"

"Pero sinisigawan mo ako eh!"

Todo sigawan kami. Pareho kaming nakaupo sa sofa at parehong hingal na hingal sa lakas ng boses.

"Aish! Ikaw kasi eh!"

"Anong ako? Ikaw kaya!"

Matapos ang sigawan ay biglang kaming natahimik.

"Hmm... Kung first time mong magbigay ng gift sa isang girl, at sa akin iyon... ako rin ba ang first kiss mo?"

"You're not my first kiss."

"Ano?!"

Akala ko pa naman ako na 'yung doon! Sinong babae ang nang-rape sa labi ni Nathan ko?!

"Ugh!"

"Waaa! Sino 'yun?!"

"Honey Faye. My stupid cousin. Sh*t! My first kiss was supposed to be yours! Natutulog ako sa couch ng bahay namin nang bigla niya akong hinalikan!"

Langya talaga 'yung Honey Faye na iyon! Epal! Ako dapat ang first kiss! Ako dapat! Gggr!

"Anong iniisip mo?" tanong niya nang mapansing tumahimik ako.

"Iniisip ko kung anong torture ang gagawin ko sa pinsan mo kapag bumalik siya dito sa Pilipinas!"

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil. Inilagay niya ito sa mukha niya at dinadama ang kamay ko. Mayamaya ay hinalikan niya ito.

"Hindi man ikaw ang first kiss, ikaw naman ang unang babaeng nagpatibok sa puso ko nang ganito. At ikaw lang ang magpapatibok sa puso ko nang ganito. Because you're my first and last girl, Moo."

Bigla naman akong natigilan kaya nagtaka siya.

"Why?"

"Grabe Moo, iyan na ata ang pinakamahabang linya na nasabi mo sa buong buhay mo!" Kinurot naman niya ako sa tagiliran. "Aray!!"

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon