Chapter 1

20.1K 253 20
                                    

Ako si Maria Sophia Schaudt Alvarez. Panganay sa apat na magkakapatid. Simula noong humito ako sa pag-aaral, ako na ang nagtataguyod sa aming anim. Sila Mommy at Daddy ay senior citizen na. Hindi na din sapat ang buwanang sweldo nila galing sa gobyerno. Kaya nagtratrabaho na lang ako.

"Ate! Bumangon ka na nga diyan! Wala pa tayong almusal. Alam mo naman na ikaw ang magluluto ngayon!" Gising sakin ng magaling kong kapatid na si Travis. "Puyat ka kasi ng puyat diyan. Tignan mo an eyebags mo maleta na! Pwede ng ibenta." Nakatayo siya sa gilid ng kama ko habang salubong ang kilay.

"Anong oras na ba, Travis?" Tanong ko habang nag-iinat. Hindi kasi nila alam na naghohome based call center agent ako sa gabi. Ang alam lang nilang trabaho ko ay nagtututor online.

"6:30AM na ate. 8AM pasok namin." Sabi ni Anastacia at nasa likod niya si Matteo nakasilip sa pinto na pupungas pungas pa. Mukhang kagigising pa lang nila.

"Sige na. Maligo na kayo sa kanya kanya niyong kwarto. Maghihilamos lang ako tapos prepare ko na breakfast natin. Okay?" Nginitian ko sila. Kapag nakikita nila akong masaya, masaya na din sila. Kaming magkakapatid ang nagkukuhanan ng saya ng isa't isa. Kahit na minsan nag-aaway.

Chineck ko phone ko habang papunta sa banyo ng kwarto ko. Hay naku! Ano na naman ba to? Dami na namang message ng bwisit kong ex. Ibinulsa ko ang phone ko at naghilamos na.

Matapos kong maghilamos at magtoothbrush bumaba na ako at pumunta sa kusina para magluto ng breakfast. Fried rice, omelette at bacon ang niluto ko para mabilis lutuin.

"Breakfast is ready! Kain na tayo baka lumamig pa ito." At narinig ko ang mga yapak na naguunahan pababa ng hagdan. "Careful! Baka madulas kayo!" Ipimagtimpla ko na din ng kape si Mommy at Daddy. Nang makarating ang tatlong naguunahan sa pagbaba ay piningot ko isa-isa. "Napakahaharot niyo!"

"Hi Mom and Dad!" Sabay sabay naming bati nung pumasok sila sa dinning area. Pawis na pawis silang dalawa. Nagjogging na naman siguro. "Kain na po tayo. Nagluto na po ako." Nagsimula na kaming kumain ng tahimik ng simulang basagin ni Mommy ang katahimikan.

"Sofie. Anak, gusto mo bang mag-aral ulit?" Nasamid ako sa sinabi ni Mommy. "Sayang naman kasi, nak. Mag-aral ka na lang ulit. May pascholarship ang University of Sta. Elena. Sayang naman iyon! Limited lang at ito nga binigay sakin yung form."

Lumapad ang ngiti ko. "Talaga? Gusto ko yan Mommy! Kukuha ako ng Education. BSED Major in English." Masiglang sabi ko. "May ipon naman na ko, mom. Naipon ko sa pagtututor ko at sa pagcacall center agent ko."

"Sige. Ayusin mo ang mga dapat ayusin ha? Tutulungan ka din naman namin sa gastos." Hanggang sa matapos pagkain ay nakangiti ako.

"Bye Mommy! Bye Daddy! Bye Ate!"  Sabay sabay nilang sabi habang kumakaway. Ngumiti ako at sinara nila ang gate pagkasakay nila sa tricycle ni Mang Kanor. Pumasok ako ng bahay ng masigla at hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko.

Kinuha ko phone ko at tinawagan si Arisha at Sydney

"Hello bes." Sabi ni Sydney "Kumusta ka na? Tagal mong hindi tumawag." Pasunod pa niya.

"Ayos naman ako bes. Mamakapag aral na nga pala ulit ako!" Sabay tili ko sa sobrang saya. Wala ng intro pa!

"TALAGA BES?!" Sabay nilang sabi ni Arisha. Nabingi ako don. Nagtandem pa talaga silang dalawa. Ang tinis pa naman ng boses nila!

"Oo. Mag-Education ako. BSED Major in English!" Sabi ko. Natatawa ako kasi takot ako sa madaming tao tapos gusto ko pang magturo.

Mabilis akong tumakbo papasok ng kwarto at naligo.  Pagkatapos kong maligo ay namili ako ng susuotin kong damit. Napili kong mag high waist pants tapos oversized shirt. Naglugay lang ako tapos naglagay ng konting make up. After 1 hour na pagaayos, umalis na ako ng bahay at pumunta na ako sa dati kong pinag-aralan.

You're Still The One [BOOK 1 & BOOK 2]Where stories live. Discover now