Big Difference

241 16 28
                                    

Mula sa compartment ay walang ibang nagawa si Lil Saint kung 'di makinig kung anong nangyayari sa labas. Bago pa man yata siya makarinig ng boses ay isang malakas na sampla na agad ang bumungad sa kanyang pandinig. Hindi siya agad nakakilos upang sana'y tulungan ang taong sinampal, ni hindi niya nga kilala ang taong nanampal at mismong sinampal. Kung kailan niya naisipang kumilos ay saka lang siya nakarinig ng boses, boses ng babae.

"How dare you, Christian! Anong karapatan mong magreklamo sa pinapagawa ko?"

Hindi lubos maisip ni Lil Saint na si Christian ang sinampal ng kung sino mang babaeng 'yon. Walang siyang narinig ni anumang tugon mula sa binata kaya nanatili na lamang siyang tahimik.

"Malapit ka ng matapos, Christian, alam mo ba 'yon? Pagkatapos niyan magiging malaya ka na mula sa akin. Makukuha mo na ang gusto mo. Makukuha mo na ang nawala sa iyo noon."

Nawala sa kanya noon?, tanong ni Lil Saint sa isipan. Magpapatuloy pa sana siya sa pakikinig nang maramdaman mababahing siya. Uh-oh.

"Think before you act, Christian. Kung ayaw mong mawala na nga ng tuluyan sa 'yo ang babaeng mahal mo."

"I don't know what you're talking about. Wala na akong planong bawiin pa siya, kung may gusto man akong bawiin ay iyon ang katotohanan."

"Whatever you say. Alam kong isa rin ito sa motibo mo kung bakit mo pilit na hinahanap ang katotohanan."

Hawak-hawak ni Lil Saint ngayon ang kanyang ilong, pilit na pinipigil ang sarili na mabahing.

"I'll go ahead. Keep in mind what I said, Christian. Good bye."

Nakahinga nang maluwag si Christian nang tuluyan nang makalabas ang kanyang bisita. Mabilis niyang tinungo ang compartment at binuksan ito, nagtataka sa ginagawa ng babaeng si Lil Saint. "What are you doing?"

"I'm..." Binitawan na ni Lil Saint angpagkakahawak sa kanyang ilong. "I'm—achoo!"

"What the hell. Lil Saint!" daing ng binata nang direktang bumahing ang dalaga sa kanyang mukha. Agad siyang tumungo sa lababo at naghilamos ng mukha.

"Ho-ho! Sorry," tanging sabi ni Lil Saint habang nilalapitan sa may sink si Christian.

"That's a major turn-off, you know?" natatawa na ring pahayag ng binata habang nagpupunas ng mukha.

Lil Saint crossed her arms then said, "Duh. I'm not here to impress you, mister."

Ngumit si Christian at tumango. "Right, miss."

"Thanks. Christian, can you please tell me what's happening?"

"Maliban sa naturn-off ako sa iyo?" may himig pang-aasar ng binata.

"Tsk. I'm serious here. Look what that bitch did to you." Huli na upang pigilan ni Lil Saint ang sarili na hawakan ang pulang pisngi ng binata.

The familar bolt is still there. Aminin man ng binata o hindi, nang hawakan siya ng dalaga. Kinuha niya ang kamay nito na nakahawak sa kanyang pisngi at ibinaba saka nakangiti itong binitawan. Yes, he still love the woman, pero hindi ito ang tamang panahon para sa kanilang dalawa. He even doubted if is there really a time for the both of them. Noon, naniniwala siyang magkakaroon din sila ng panahon, ngunit ngayon napakalabo na. Gaya ng sinabi niya sa kanyang bisita kanina, wala na siyang planong bawiin pa ito. Kung may gusto man siyang bawiin ay iyon ay ang katotohanan lamang.

"Sorry." Hindi alam ng dalaga kung bakit siya humihingi ng tawad. Ngunit inaamin niya na nasaktan siya nang ibinaba ng binata ang kamay. Nonetheless, she still smiled then asked, "What was that again? Anong nawala sa 'yo?"

The Philosopher Stones (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon