MTBB - 37

2.8K 92 70
                                    

=sorry kung ngayun lang nakaupdate

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

=sorry kung ngayun lang nakaupdate. Maraming salamat sa paghihintay. Don't forget your vote and comment =

SOMEONE'S POV

Nauna nagising si Leo kay Amalia. Maaga pa masyado 5:45 palang ng umaga. Tumagilid siya paharap kay Amalia na nahihimbing ang pagtulog nito. Napangiti siya ng titigan niya ang asawa niya. Hinawi niya ang buhok ni Amalia patagilid sa likod ng tenga niya.

Hindi niya inakala na makakasama naman niya muli ang asawa niya. Nilapit niya ang ulo niya sa noo ni Amalia at hinalikan.

"Morning babae"  bati niya sa asawa niyang mahimbing pa natutulog. Bumangun na siya at tinungo ang banyo para maghilamos. Pagkatapos bumaba siya at tinungo ang kusina.

"Magandang umaga sir Leo"  bati sa kanya ng isang katulong niya. Ngumiti siya at tumango. "Magandang umaga din Rosalia"  sabi niya rito.

Tiningnan niya ang pinaghahanda ng isang katulong niya. "Anu ang lulutuin mo manang?"  Tanung niya sa matandang babae nasa edad singkwenta na ito. Inangat ng babae ang mata niya kay Leo.

"Magandang umaga sir Leo. Anu kasi para sa almusal niyo. Sandali kakain na ba kayo? Ipagluto muna kita, hindi mo naman sinabi maaga ka gumising ngayun"  natataranta na sabi ng babae kay Leo. Ngumiti lang si Leo at tinapik sa balikat ang matandang babae.

"Okay lang ho manang, ako nalang ang magluluto para sa breakfast namin ng asawa ko"  sabi niya na kinakunot ng noo ng matandang babae. Siya si Delaida mahigit dalawang taon na siya sa puder ni Leo pero ng makita niya ang asawa ni Leo kumulo na ang dugo niya kay Amalia. Pakiramdam niya masamang babae si Amalia sa tingin palang niya. Kaya nga ng minsan na siya umuwi sa kanilang lugar nireto niya si sir Leo sa anak niyang babae.

At hindi naman siya naniniwala na asawa ni Leo si Amalia.

Walang nagawa si Delaida sa sinabi ni Leo kaya tumabi nalang siya at pinanunuod ang amo niyang lalaki sa pagluluto nito na may ngiti sa labi.

"Rosalia?"  Tawag niya sa isang katulong niya nasa likod niya lang ito naghihintay sa pag uutos niya.

"Pakikuha ng isang malaking tray lalagyan ko ng pagkain"  habang busy siya sa pagluluto ng breakfast nila. Pagkatapos sa pagluluto niya inakyat na niya sa taas ang dalang pagkain na niluluto niya. Ng makarating sila sa kwarto niya. Dahan dahan niya nilapag sa lamesita ang pagkain na dala niya at lumabas na si Rosalia.

Nilapitan niya si Amalia na mahimbing pa ang tulog nito. Maaga pa siya masyado kaya tinabihan niya itong humiga sa kama. Kinuha niya ang ulo ng asawa niya at nilagay sa braso niya para gawing unan ng asawa niya at niyakap niya ng mahigpit.

Nagising si Amalia sa amoy ng pagkain at sa katawan nasa harapan niya. Dinilat niya ang mata niya at inangat ang tingin niya na sinalubong ang tingin ni Leo.

"Good morning babe"  bati sa kanya ni Leo. Ngumiti lang si Amalia at bumangun. Pero napahiga ulit siya sa braso ni Leo ng hinila siya pabalik sa paghiga sa kama.

"Mamaya kana bumangun dito ka muna"  paglalambing ni Leo sa asawa niya.

Tiningnan siya ni Amalia na nakakunot ang dalawang kilay. "Seryoso ka sir? Sige bahala ka, mangangamoy wewe talaga itong kwarto mo"  sabay kibit balikat ni Amalia sa kaharap niya.

"Okay lang, galing lang din naman sayo yan. Mabango naman"  sabi nitong nakangisi sa kanya.

Kanina pa siya nawewe dahil sa pagpigil niya dahil sa tulog niya. Kaya sinimangutan niya si Leo. "Kiss muna"  sabay nguso ni Leo sa labi niya.

"Bahala ka diyan."  Sabay tayo ni Amalia at tumakbo papunta sa banyo ng dali dali. Napangiti lang si Leo sa ginawa ng asawa niya.

Ilang minuto niya hinintay si Amalia para kumain na sila. Pero hindi pa ito nakalabas sa banyo kaya agad agad siyang tumayo at tinungo ang banyo ng tumunog ang cellphone niya kaya agad niya itong sinagut.

"Boss, ayaw talaga magsalita kung sino nag uutos sa kanya"   sabi ng nasa kabilang linya ang tauhan niya. Ang tinutukoy nito na ayaw magsalita si Hilarry.

"Ako na ang bahala diyan. Basta wag kayong magtanga tangahan diyan naiintindihan niyo?"  Maawtoridad na utos niya sa tauhan niya.

"Boss paano kung? Masarap pa naman"  sabay ngisi ng sa kabilang linya.

"Bahala kayo basta siguruhin niyo hindi yan makatakas"  sabay baba niya sa phone. Napalingun siya sa banyo ng bumukas ito.

Napangisi siya sa nakita niya at napalunok ng laway wala sa oras. Paano kasi nakatuwalya lang sa katawan si Amalia at may tuwalya din sa buhok niya nakalagay.

"Hindi mo naman sinabi babe na maliligo ka, dapat sabay tayo" nakangising sabi ni Leo sa asawa niya. Sayang nga lang hindi niya nasaksihan paano nagbago ang katawan ni Amalia sa limang taon nawala siya. Or sasabihin nalang natin na umalis na talaga siya sa limang taon na walang paalam. At sa limang taon niya siguro malaki na yung anak nila kung nabubuhay pa ito ngayun. Sa kabilang banda siguro nga mas maganda kung wala pa silang anak ngayun para hindi madadamay sa mga pangyayari na dumating.

Tumayo siya at niyakap si Amalia. Nakakunot noo naman si Amalia na naguguluhan sa ginawa ni Leo.

"Sorry"  yun lang ang sinabi ni Leo sa kanya. At humiwalay ng yakap.

"Babe, kailan ka makipaghiwalay kay Ivan?"  Kumuha si Leo ng damit at binigay kay Amalia. Naalala kasi niya ito na walang damit na dala kagabi.

"Kung magkikita kami sir"  sagut niya. Nagbihis narin si Amalia at umupo sa gilid ng kama.

"I love you"  biglaang sabi ni Leo sa kanya. Na napapangiti sa kanya. At niyakap siya mula sa likod nito at nagsimulang inamoy ang likod ni Amalia.

"Kain na tayo gutum na ako"  reklamo ni Amalia. Kanina pa siya nagugutum dahil sa kakulitan ni Leo.

"Kaya nga e, ako nalang kasi ang kainin mo masarap naman ako"  pinanlakihan ni Amalia ng mata i Leo. Mabuti nalang nasa loob sila ng kwarto kung hindi at nagkataon nasa labas sila. Malamang nagpakain na siya sa lupa sa kahihiyan sa pinagsabi ng lalaki nasa harapan niyang nakangiti halos abut ng tenga ang ngiti.

"Okay. Okay babe pero seryoso ito. Pwede ba magpractice ka paano humawak ng baril at karate?" Nilalagyan na ni Leo ang pinggan.

Napatitig si Amalia sa kanya. Oo nga pala hindi pala normal isang tao ang nasa harapan niya. Nakalimutan niyang muntik na siya nadisgrasya dahil sa lalaking ito. At hanggang ngayun hindi niya pa alam kung anung ginagawa ni Leo talaga.

"Ayoko mahirap yan"  sabay subo ng pagkain. Sumubo narin si Leo. Magkarap sila umupo sa kama na naka indian seat at nasa gitna nila ang tray na malaki.

Narining niyang bumuntung hininga si Leo. "Please babe, alam ko madali ka lang matuto niyan. Kailangan mo yan para sa potection ng sarili mo. Kay Nanay at sa kapatid mo. Hindi kasi lahat ng oras may protectionan kita. Ako ang magtuturo sayo.? Anu? Pumayag ka?" 

Napaisip si Amalia sa sinabi Leo. "Okay. Susubukan ko"  sagut niya. Kaya napangiti si Leo. At kampante na siya.

MEET THE BAD BOY✔✔ ( Amalia's LIFE )Where stories live. Discover now