MTBB - 16

1.7K 53 5
                                    

Amalia pov

Huminto ang yate sa isang isla kumbaga island. Hindi ko alam kung saan ito na lugar medyo parang malayo kasi ang byahe namin.

"Bilis" 

Sigaw ni sir Leo sakin kaya binilisan ko ang paglakad. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at bakit kami pumunta dito.

Napapikit ako ng bigla akong nadulas ng nararamdaman ko may nakahawak sa beywang ko. Pagmulat ko si sir Leo.

"Ang tanga tanga mo. Bilisan mo ang paglakad"  hinawakan niya ang pulso ko hila hila ang kamay ko habang nagmadali kaming naglakad. Medyo malayo na ang nadaanan namin. 

Pilit ko tinatanggal yung kamay niya sa pagkahawak sa pulso ko ang medyo masakit na kasi. Huminto kami sa isang bahay hindi masyado gaano kalaki at hindi masyado kaliit tama lang.

Binuksan ng mga bantay niya ang gate. At pumasok sila sumunod naman ako. Pero sa unahan nakikita ko ang magandang tanawin na dagat. "Hindi ka pa ba papasok?" 

Pumasok na ako sa loob.

"Pwede na kayong umalis"  kumunot yung noo ko.

"Sige boss kung may kailangan ka tawagin mo lang kami"  saka umalis na ang mga lalaki.

Tiningnan ko si sir Leo busy sa cellphone niya. Sino kaya katext niya.

"Kung nauuhaw ka may punta ka sa kusina"  sabi niya na hindi nakatingin sakin.

Napabuntung hininga nalang ako at napatingin sa  labas. Naisip ko yung inutus sakin ng teacher ko. Pero dahil andito ako baka hindi na ako makakapasa sa exam namin. Dapat sana hindi nalang ako sumama dito. Nilingun ko ulit si sir Leo.

"Si-sir, Mr. Hidalgo ma-mga ilang araw tayo dito?" 

Gusto ko lang malaman dahil ang pag aaral ko hindi ko pa inasikaso. Inangat niya ang tingin niya sakin.

"Nagmadali ka? Pwede ka ng makaalis. Lumanguy ka pabalik sa bahay" 

Pabalang na sabi niya. "Ang dami mong tanung"  napabuntung hininga nalang ako.

Inikot ko nalang ang buong bahay. Maganda kahit maliit completo ang gamit dito sa kusina. Binuksan ko ang fridge puno ng laman. Kumuha ako ng isang bote ng tubig pagkatapos sinara ko ang pinto. Bumalik ulit ako sa sala. Nakaupo parin siya.

"Amalia magluto ka nagugutum ako"  napahinto ako sa sinabi niya. Inangat niya ulit ang tingin niya sakin sabay kuha sa mineral water nasa kamay ko na nabuksan ko na. Agad niya itong ininom.

"Anung tingin tingin mo diyan magluto ka na" 

Bumalik ulit ako sa kusina para maghanap ng pwede mailuto ko. Nagsaing muna ako ng kanin sa rice cooker pagkatapos nilisan ko ang isda. Yun lang kasi pwede dali linisan. Ng nararamdaman kung mahapdi yung kamay ko. Pagtingin ko may sugat pala ako na hindi ko alam.  Pinadaanan ko lang ng tubig pagkatapos tinuloy ko ang paghugas ng isda. Agad ako nag init ng tubig. Mabuti nalang marunong ako magluto kahit papano.

Pagkabalik ko sa sala wala si sir Leo baka nasa kwarto nagpapahinga. Kinatok ko ang pinto walang sumagut. Dahan dahan ko pinihit ang siradura. Nakita ko si sir nakahiga sa kama. Yung ulo ko lang pinasok ko sa kwarto.

"Mr. Hidalgo sir, ka-kain na po kayo. Nakahanda na ang mesa" 

Hindi parin siya sumasagut. Siguro tulog nga siya mamaya nalang siguro tawagin ko siya ulit pero baka pagalitan niya ako kung bakit hindi ko siya ginising. Ayaw niya kasi malamig ang pagkain niya.

"Sir,?"

Hindi parin siya gumalaw. Sinara ko nalang ang pinto at pumunta sa kusina para ligpitin at hugasan yung mga ginamit ko ng may nakabangga ako pag angat ko ng tingin.

MEET THE BAD BOY✔✔ ( Amalia's LIFE )Where stories live. Discover now