MTBB- 6

1.8K 54 4
                                    

Chapter 6

Amalia pov 

Nagising ako dahil sa subrang lamig halos nanginginig na ako sa lamig. Hindi ko alam kung bakit nilalamig ako. Bumangun ako - kinuha ko ang mga damit na malalaki ko at sinuot ko baka kasi mawala na ang lamig nararamdaman ko. Mas lalo ko nararamdaman ang lamig. Yung kumot ko pinagksaya ko sa katawan at paanan ko para hindi malalamigan.

Ng nararamdaman ko na medyo hindi ko na ramdam ang lamig nakatulog na ako ng maayus.

Kinabukasan  nagising ako dahil sa subrang init nararamdaman ko. Dumiretso akong naligo baka mawalan lang ito pagkatapos ko naligo nagbihis ako at lumabas sa kwarto ko. Pagkalabas ko nakita ko sila manang nasa sala busy sa paglilinis.

"Amalia mabuti gising ka na" nakangiting pansin sakin ni Manang saka lumapit siya sakin.

"Wala ka bang klase hija?" 

Napahawak ako sa sintido ng ulo ko parang umiikot ang nasa paligid ko.

"Meron ho, teka anung oras na ba?"

Pinikit ko ang mata ko baka sakaling mawala ito.

"Nako hija, huli ka na mag alas nuebe na ng umaga" 

"Amalia okay ka lang bakit namumutla ka?"  Namumutla ba ako.

"Oo nga Amalia. Wag ka nalang kaya pumasok" dagdag ni Delia.

Ng bigla akong napahawak ng mahigpit sa likod ng upuan.

"Manang, saan ang kape ko"?  

Isang boses ang narinig ko mula sa likuran ko.

Ng bigla akong natumba. "Amalia!"  Yun lang ang huling narinig ko.

Pagkagising ko ang sakit ng ulo ko at parang nasusuka ako. Napatingin ako sa buong paligid nasa isang kwarto ako. Kaninong kwarto ito?. Hindi naman ito ang kwarto ko. Napatingin ako sa may pinto dahan dahan bumukas.

Si Manang pumasok may dalang isang pagkain.

"Amalia mabuti gising ka na" nilagay ni Delia sa maliit na lamesa yung dala niya.

"Manang saan ako? Hindi naman ito ang kwarto ko" ng may napansin akong basang towel nasa noo ko.

"Nako Amalia hinimatay ka kanina, mabuti nasalo ka ni sir Leo"  nakangiting sagut ni Delia.

"Ho!? Nakakahiya naman pero bakit?" 

Tumingin si Manang kay Delia. "Papasok ka na kanina sana sa paaralan ng bigla kang hinimatay. Hindi mo man lang sinabi may lagnat ka. Inaapoy ka kanina sa lagnat mo" 

Kinuha ni Manang yung basang towel nasa noo ko.

"Ganun ho ba, nako okay lang yun sakin manang nasasanay na ako. Tsaka mawawala din ito pag ininom ko ng tubig"

"Tubig?"

Tumango ako sa tanung ni Delia.

"Hindi kayo bumibili ng gamot?"

Umiling ako. "Hindi ho kasi yung pangpibili ko ng gamot dagdag gastusin ko yun. Kaya ang dapat pangbili ng gamot ko sa lagnat ibibigay ko nalang sa kapatid ko"

Nagkatingin si manang at si Delia.

Ng maalala ko. "Oo nga pala maraming salamat dito. Pero kaya ko na ang sarili ko. Dapat nasa coffee shop na ako ngayun. Teka anung oras na ba?" 

Tumingin si Delia kay manang.

"Mag ala syite na ng gabi Amalia. Teka hindi ka ba nagtaka kung bakit napunta ka dito"?

Gabi na pala. Umiling ako sabay baba ko sa dalawang paa ko.

"Bakit naman ako magtaka Delia,? Alam ko naman kayo nagdala sakin dito" 

Ang sakit ng katawan ko. "Oh Amalia bakit ka tumayo? Bawal sayo yan hindi ka pa okay"  hinawakan ni Manang ang braso ko.

"Papasok po sa trabaho ko. Sayang kasi yun. Pang baon sa mga kapatid ko" 

Mas lalo hinigpitan ni Manang ang pagkawak sa braso ko.

"Nako bata ka gusto mo talaga mag alala sayo ang mga magulang mo sayo? Hindi ka pwede papasok ilang minuto nalang magsasara na yun"

Napaupo ako sa gilid. "Tama si Manang Amalia. Isa pa walang katawan binibenta sa palengke para palitan ang katawan mo. Maiintindihan din yan ng mga magulang mo"

"Hindi pwede na abusuhin mo ang sarili mo. Dapat ipahinga mo din kahit paminsan minsan lang"

Maya maya may ubo na ako.

"Okay lang kung magkasakit ako manang para sa kanila din naman ito"

Tumayo ulit ako ng may kumatok sa pinto. Tumayo si Delia para tingnan kung sino kumatok.

Maya maya sinara narin niya ang pinto at may dala siyang isang selophane.

"Delia anu yan? At bakit ganyan ang ngiti mo?" 

Tumingin sakin si Delia na nakangiti. "Huy!" 

Binatukan siya ni Manang sa ulo dahil hindi nakikinig. Binigay niya kay manang ang isang selophane.

"Yung nakasalo kasi kanina sayo Am yung nahimatay ka si Sir Leo yun hindi kami." 

Kumunot yung noo ko sa sinabi ni Delia tiningnan ko si manang.

"Nagkataon lang yun Delia na dumating si sir Leo sa likod niya kaya nasalo siya nito" 

Ganun ba. Kaya pala.

"At itong prutas galing din kay sir Leo pinabigay sayo"  dagdag ni Delia.

"At bakit ka kinilig diyan Delia? Natural na bibigyan siya ni sir Leo ng prutas dahil andito sa puder niya si Amalia"  - manang

"Kahit pala ganun si sir Leo may puso parin siya manang no -" - Delia.

"Kumain ka na Am"  kinuha ni Delia ang lugaw nasa lamesa.

Tumango lang ako. "Maraming salamat sa inyo" pasalamat ko sa kanila.

"Bakit? Ka nagpasalamat?"

"Hindi ko kasi inasahan ganito ang pakiramdam na may nag alaga kung may sakit ka" 

Ngumiti si manang sakin.

"Bakit Amalia hindi ka ba inalagaan ng mga magulang mo?" 

Ngumiti lang ako sa tanung nila.




Leo pov

"Manang kamusta si Amalia?"

Simula kanina hinatid ko siya sa isang kwarto hindi ko na siya nakikita.

"Mainit parin siya Leo pero hindi na gaano. Kumalma na kaunti."

"Dalhin nalang kaya natin siya sa hospital Leo?"

Kumunot yung noo ko sa huling sinabi ni Manang.

"Hindi! Tsaka dagdag gastos lang siya. May ginawa ako busy ako"

"Sapat na yun sa kanya"

Umalis na si Manang ng huminto ito.

"Hindi ka ba naawa sa bata Leo? Bata pa siya pero ito siya ngayun pinapasan ang problema sa pamilya niya" 

Saka umalis na si manang.

Wala akong pakialam sa buhay niya at hindi ko siya kamag anak o kahit sino.

MEET THE BAD BOY✔✔ ( Amalia's LIFE )Where stories live. Discover now