MTBB - 30

1.5K 84 5
                                    

Amalia pov 

Napatingin ako sa cellphone ko ng panay ang tawag. Kinuha ko at sinagut.

"Hello" 

Sagut ko sa kabilang linya. Napatingin ako sa screen ng cellphone ko kung sino ang tumawag. Pangalan ni sir Leo ang nakalagay sa screen. Kaya binalik ko ulit sa tenga ko.

"Hello- ito ba si Amalia?"

"Opo ako nga- bakit?" Ibang boses ang nasa kabilang linya e.

"Ah ma'am magsasara na kasi kami. Lasing kasi yung asawa niyo dito. Ikaw kasi ang nasa list niya." 

Napabangun ako. "Okay sige saan ba yan?" Agad akong bumangun at kumuha ng jacket. At pera.

"Amalia aalis ka?"

Si Sasha nagising ko ata. "Ah oo Sash may susunduin lang ako" paalam ko sa kanya. Sinuot ko na ang sapatos ko.

"Ha? Sino? Madaling araw na?" 

"Matulog ka na babalik lang ako mamaya"  sagut ko saka lumabas na.

"Okay mag iingat ka"  sabi niya sabay sara ko sa pinto at lumabas sa gate. Sinara ko ang gate at nilock pagkatapos naglakad ako sa unahan at nag abang ng taxi. Pagkarating ko sa bar. Agad akong pumasok at hinanap si sir Leo.

Agad ko siya nakita sa counter nakapikit ang mata niya. Agad ko siya nilapitan.

"Excuse me ma'am ikaw ba si Ma'am Amalia?"  Tumango ako at ngumiti sa isang lalaki nakatayo sa loob ng counter.

"Anung oras siya nakatulog dito?"  Tanung ko sa lalaki.

Kinuha ko na ang gamit ni sir Leo. "Kanina pa ma'am" 

Kinapa ko ang wallet ni sir at tiningnan kung may pera siya. Meron akong nakita kaya binayaran ko na nagastos ni sir.

"Ah ma'am tulungan na namin kayo" 

Umiling ako sa isang lalaki. "Kaya ko na ito salamat". Ginising ko si sir Leo.

"Si-sir uwi na ho tayo"   ngumiti siya at minulat ang mata niya. Halatang lasing pa siya dahil sa mga kinikilos niya at ang mata niya. Binalingan niya ako ng tingin.

"Babe du*ma*ting ka" 

"Sir uwi na tayo"  tumayo naman siya at umakbay sakin. Naglakad na kami palabas sa bar. 

Huminto siya at pinaharap ako sa kanya at niyakap bigla. "M-mr. Hidalgo a-anung ginawa mo?" 

Bigla nalang siya bumigat sa balikat ko. "Si-sir Leo gising! Hindi tayo pwede dito sa daan matulog"   tinalik tapik ko ang likod niya pero hindi talaga eh. 

Napadako ang tingin ko sa limang lalaki palapit samin. Kinabahan ako bigla. "Si-sir Leo gising.. a-anu natatakot ako may mga lalaki palapit satin"   

Inangat niya ang ulo niya at nilingun ang mga grupo ng lalaki.

"Leo"

Nakangising sabi ng isang lalaki siguro siya ang leader ng group nila. Pero kilala nila si sir Leo?.

Hinarap sila ni Leo. "Kayo naman?" 

Napalingun si Leo sa kabila at binalingan niya ulit ang mga lalaki ng seryosong tingin. Parang nawawala yung pagkalasing niya.

Parang nakita ko na ang mga ito hindi ko alam kung saan.

"Bakit Mr. Hidalgo nasurprise ba kita?" 

Saka nagtawanan ang mga lalaki. Napatingin sila sakin kaya nagtago ako sa likod ni Leo at mahigpit hinawakan ang damit niya sa likod ko.

Hindi ko rin kasi alam kung bakit sa tuwing kasama ko siya. Kahit sinasaktan niya ako dati pakiramdam ko kung kasama ko siya ligtas ako. Iwan ko ba kung bakit.

MEET THE BAD BOY✔✔ ( Amalia's LIFE )Where stories live. Discover now