MTBB - 27

1.5K 44 4
                                    

Chapter 27

Narrators pov 

Nakabalik na ng manila si Amalia at si Leo nakauwi na sa malaking bahay na may malaking ngiti. Ngiti ng isang tagumpay na akala mo nanalo sa lotto ng milyon milyon. Sa isip niya kasi yun ang dapat ginagawa kay Amalia parang nakipaglaro lang siya at si Amalia ang ginawang pet niya. Walang nakakaalam sa mga plano ni Leo na ganun ang gawin niya kay Amalia. Para sa kanya wala naman pinag aralan si Amalia at hamak isang high school graduate lang.

Gustong gusto niya makikita si Amalia na masasaktan ng husto at kung kailangan niya gamitin ang alas niya kay Amalia gagawin niya. Para magmakaawa si Amalia sa kanya na bumalik ito sa kanya. At nung nalaman niya na nawala ang anak nila dahil kapabayaan ni Amalia mas maganda na yun dahil walang maiibigay na magandang buhay si Amalia sa mga bata.

Pero ang totoo naguguluhan siya sa nangyayari sa sarili niya. Kaya mas minabuti niyang hindi pakinggan ang sarili.

"Hi hon" 

Bati ng asawa niya pagkarating niya. Agad ito pumulupot sa leeg niya ang kamay niya hinalikan siya nito na parang walang bukas. Agad naman niya tinugunan ang halik niya ngunit sa pagpikit ng mata niya at niraramdam ang labi ng asawa niya ang mukha ni Amalia ang nakikita niya. Kung tutuusin kung makipaghalikan siya kay Amalia ibang iba sa asawa niya na si Hilary. Dahil sa tuwing hahalikan niya ang labi ni Amalia bigla bumilis ang tibok ng puso niya kahit sapilitan niya itong hinalikan.

Pareho na silang walang damit ni Hilarry ngayun dahil sa subra nilang pagkakamiss sa isa't isa. Hindi niya kasi makuntak si Leo nakaoff ang phone nito. Napatigil si Leo sa ibabaw ni Hilarry ng bigla niya nakikita ang pagmumukha ng babae na si Amalia. Napapailing nalang siya at pinagpatuloy nila ang paggawa ng makamundong pagnanasa. 

Pagkatapos sa nangyayari sa kanila ni Hilarry dali dali siya pumasok sa banyo para makapagligo ng malamig na tubig at para makapag isip isip. Habang ninanamnam ni Leo ang tubig sa katawan niya na dumadaloy. At nakapikit ang mata si Amalia ang nakikita niya. Aaminin man niya o hindi pag ang katawan ni Amalia lumalapit sa kanya hindi niya maiwasan na halikan ito.

At ang dahilan kung bakit pinaalis niya si Amalia doon sa lugar na pinuntahan nila. Hindi din niya alam basta ang pakiramdam niya dapat umalis na si Amalia sa kanyang buhay.

Lumilipas ang araw, linggo, buwan at taon. Nagiging busy na si Amalia sa trabaho niya. Ginawa niya lahat ng makakaya niya. May panahon mapatigil siya dahil minsan sumasagi sa isip niya kung bakit ganun ang nangyayari sa kanya? Gusto gusto niyang malaman ang dahilan ni Leo kung bakit ginawa niya yun sa kanya. Hinihintay niya ang tawag at text nito ngunit bigo siya.

Kaya nagpalit narin ng number at ngayun iba na ang number niya. Sinusupportahan naman siya ni Ivan. Sa katunayan gusto na siya pakasalan ni Ivan pero siya ang may ayaw dahil madami pa daw siyang bagay dapat gawin. Malapit na rin mag twenty four. Kung sa iba bata pa ang ganyang edad sa kanya hindi na niya iniisip pati nga birthday niya kinalimutan niya. Lahat ng dapat kalimutan niya ginawa niya. At ngayun kinakabahan siya dahil ngayun niya makilala ang pinsan nito na lalaki ni Ivan. Iwan ba niya pero ang bigat ng pakiramdam niya at subra siyang kinabahan. Sa bar lang din sila magkikita kung saan siya nagtatrabaho.

"Amalia okay ka lang? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?"

Umiling siya sa kasamahan niiyang si Troy.

"Ikaw bahala"  sabi ng kaibigan niya. Lumipas ang ilang minuto lumapit sa kanila ang manager ng club.

"Amalia. Pwede mo na yan itigil nandito na si Ivan hinintay ka nila sa vip room"  mas lalong lumakas ang kaba ni Amalia.

"Okay madam"  nakangiti niyang sagut. Inayus niya ang sarili niya at bumuntung hininga. Siguro kinabahan lang siya dahil first time niya ipakilala sa membro ng pamilya sa lalaki kaya ganun nalang. Tinungo niya ang vip room kung saan doon ang boyfriend niya nakatambay. Huminga siya ng malalim at pinikit ang mata niya pagkatapos ng ilang sigundo binukas niya ang mata niya at binuksan ang pinto. Pagkabukas niya may nakikita siyang dalawang lalaki nakaupo sa magkaharap ng sofa habang isang nakadikwatro. Nilapitan niya ito.

"Hi hon"  bati niya sa lalaki ngumiti ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Umupo ka dito sa tabi ko. By the way may pakilala ako sayo. Pinsan ko si Leo. Leo si Amalia girlfriend ko soon to be my wife. Pinsan siya ang sinasabi ko sayo" 

Dahan dahan ko nilingun ang sinabi ni Ivan. Laking gulat ko ng makita kung sino siya? Si-sir Leo? Si Ivan at sir Leo magpinsan?

Seryoso lang akong tiningnan ni sir Leo sa mata pero yung tingin niya sakin parang nag aapoy sa galit?.

"Anu sa tingin mo pinsan? Di ba sayo ko sayo maganda siyA. Pati ikaw nga yata nastartruck kay Amalia"  nakangiting sabi ni Ivan sa pinsan niya.

"No. She's not pretty"  rinig ni Amalia ang sinasabi ni Leo. Halos nanginginig na siya sa takot.

"Well pinsan hindi mo siguro alam.?"

Palihim nagkatitigan ang dalawa at umangat bahayga ang isang labi Leo.

"Anung hindi alam pinsan?" 

"Na may anak siya at pinalaglag niya. Kung hindi ako nagkamali nagsayaw ka rin sa club dati?"

Nanlaki ang mata ni Amalia sa sinabi ni Leo sa pinsan niya. Napatingin siya rito at nakita niyang nakangisi ito.

"Akala ko ba magkakilala kayo?" Seryosong tanung ni Ivan kay Leo.

"Hindi ko siya kilala, pero namukhaan ko lang siya nung pumunta ako sa club"  nakangising sagut ni Leo.

Gusto ng umiyak ni Amalia sa nalalaman niya and worst pa gumagawa ng kwento si Leo na hindi totoo.

"Hindi naman siguro yun totoo pinsan siguro nagtrabaho siya sa club hindi bilang isang dancer"  pagtatanggol sa kanya ni Ivan.

"Hon hindi naman totoo yun di ba? Di ba wala kang tinatago sakin?" 

Pilit nilalabanan ni Amalia ang mga luha niya na kanina pa gusto kumawala sa kanyang mga mata. Nasasaktan siya ng husto sa ginawa ni Leo at ngayun sinabi nitong hindi sila magkakilala?.

Nilungun ni Amalia si Ivan. "Oo naman honey. Wala akong tinatago sayo" pagkatapos hinila ni Amalia ang ulo ni Ivan at hinalikan niya ito sa labi ngunit ang mata nasa kay Leo. Kung pinaramdam ni Leo sa kanya na hindi siya importante na tao. Kaya pinakita niya dito na hindi siya nasasaktan.

Pagkatapos nag excuse siya at lumabas sa room. Gusto niya makahanap ng hangin dahil pakiramdam niya sasabug na ang  puso niya sa sakit.


Ng makahinga na siya ng maayus bumalik na si Amalia sa vip room.

Habang si Leo busy sa pagtetext kay Amalia ngunit ni isa walang reply dito. Ng bumalik si Amalia sa vip room nila at nakikita niyang may hawak ito na cellphone. Tinawagan niya ito ngunit out of coverage area ang number nito. Kung tutuusin nagpop up sana sa screen ng cellphone nito ang pagtawag niya pero wala eh. Kaya ng lumabas ulit si Amalia sinundan ito ni Leo at hinabol. Ng naabutan niya ito niya agad siya napahawak sa braso nito ng kinagulat ni Amalia. Lumusub sa dibdib niya ang sakit ang sinabi ni Leo kanina tungkol sa kanya at ngayun ito naghabol sa kanya.

Kinaladkad niya si Amalia papunta sa madilim na lugar sa sulok ng isang club. Pagkarating nila agad niya binitiwan ang braso ni Amalia.

"Saan ka pupunta?" Hinaklit niya ulit ang braso nito at sinandal niya sa pader si Amalia hinarangan sa magkabilang kamay niya nakatukod sa pader.

"Bakit?"

"Bakit hindi na kita makontak?"

"Bakit moko kailangan kuntakin. Wala naman tayo di ba at hindi naging tayo"  umiwas ng tingin si Amalia kay Leo. Kahit nasa isang sulok sila ng madilim hindi mo makikita kung anung hitsura ng dalawa.

Tinanggal ni Leo ang pagkaharang sa kamay niya sa pader kaya umalis si Amalia ng hinaklit ulit siya ni Leo sa pagkakataong ito siniil na niya ng halik si Amalia. Isang halik na subrang namimiss ni Leo ngunit bigo siya ng hindi niya nararamdaman ang pagresponse ni Amalia sa kanya.

Pak*

Bigla nalang siya sinampal ni Amalia. "Tigilan mo na ako masaya na ako sa buhay ko. Sa ayaw at sa gusto mo pakakasalan ko ang pinsan mo"  marrin biglaan ang pagkasabi ni Amalia pagkatapos niya sinampal si Leo.

"Marunong ka na lumaban ngayun? Sige tingnan natin kung sino magmakaawa na babalik sakin"  nakangising sabi ni Leo kay Amalia.

Tinitigan siya ni Amalia. "At bakit naman ako babalik sayo? Para anu? Para baboyin mo ang katawan ko? Hindi Mr. Hidalgo. Nagkakamali ka. Isa pa may asawa ka na"  saka iniwan siya ni Amalia nakatayo doon.


MEET THE BAD BOY✔✔ ( Amalia's LIFE )Where stories live. Discover now