MTBB - 8

1.7K 56 5
                                    

Chapter 8

Amalia pov

Maaga akong nagising kinabukasan para sa paglipat ko sa kwarto ko sa baba. Medyo mabigat pa ang pakiramdam ko.

Pagkababa ko agad akong dumiretso sa kwarto ko. Oo nga pala kailangan ko pumunta sa hospital para dalawin si Lucile. Paano ba ito wala na akong pera?.. saan ako nito manghiram?. Malayo pa yung sahod ko tsaka hindi ako pwede mag cash advance dahil bago lang ako nag advance. Napapikit ako ng mata at napahilamos sa mukha ko.

"Amalia ang aga mo nagising?" Si Manang gising na pala siya.

"Kamusta ka na?"  Dinampi niya sa noo ko ang likod sa kamay niya.

"Nako hindi ka pa okay tsaka yung lagnat mo hindi pa bumaba"  ngumiti lang ako.

Nilagay ko sa tuhod ko ang ulo ko.  "Okay lang ho ako makakaya ko rin ito." Umupo siya sa gilid ko.

"Alam mo Amalia kung may pera lang ako tutulungan kita kaya lang, yung pera ko binigay ko sa anak ko para sa gastusin niya sa pag aaral "  sabi ni manang.

"Okay lang ho Manang malaking tulong na yung ginawa mo sakin ang pag alaga mo na may sakit ako" sagut ko sa kanya.

"Pero hija ang bata mo pa para pasanin ang ganitong sitwasyon mo?"  Hinagud niya ang likod ko.

"Hindi ko maisip na makakaya mo ang ganitong sitwasyon mo kahit kapalit nito ang  kasiyahan mo"   dagdag niya.

"Anung magagawa ko Manang, kung hindi ako gagawa ng paraan mamatay kami sa gutum. Di bale na ang sarili ko ang importante yung mga kapatid ko na may makakain. Masaya na ako doon kung masaya sila"    bumuga ako ng hangin.

"Sana naman hija. Wag mong pababayaan ang sarili mo. Tara na pasok na tayo malamig dito sa labas at bawal yan sayo" tumayo na rin ako para pumasok sa loob.

Pagkapasok narin namin dumiretso kami sa kusina para magtimpla ng kape.

"Nako wag yang kape hindi yan pwede sayo" pigil sakin ni manang na pinagtaka ko.

"Ito yung dapat inumin mo Amalia para sa sarili mo. Para magiging malakas ka lalo na ngayun na may sakit ka. Bakit hindi ka muna papasok para makapagpahinga ka" sabay bigay ng isang tasang gatas.

"Hindi ho pwede, gustuhin ko man manang hindi pwede eh. Maghahanap pa ako ng pera para sa kapatid ko nasa hospital"  sagut ko.

"Bakit binigyan niyo ko nito? Baka magagalit si Mr. Hidalgo nito."  Ngumiti lang si manang.

"Ako na ang bahala Amalia. Sige na magpahinga ka na"  dagdag ni manang. Inangat ko ang tingin ko sa nasa pader. Umaga na pala.

"Wag na ho manang, aalis na rin" sabay tayo ko.

"Pero hindi ka pa magaling hija?" Ngumiti ako.

"Okay lang manang ang importante yung kapatid ko" sagut ko.

"Bakit hindi ka kukuha ng pera kay Leo asawa mo naman siya?" Umiling ako.

"Nako wag na ho. Madagdagan pa yung utang namin sa kanya" saka umalis na ako. Pumasok ako ng diretso sa kwarto ko at nagbihis pagkatapos lumabas na ako. Sakto paglabas ko sa kwarto ko hindi na madilim sa labas.

Pumunta ako sa kusina para magpaalam kay manang. Nakita ko siya nagluluto. "Manang alis na ho ako" lumingun si manang sakin.

"Sige mag ingat ka Amalia basta yung gamot mo" tumango ako saka umalis na.

Naglakad lang ako palabas sa subdivision. Hindi pa masyado okay ang pakiramdam ko dahil nararamdaman ko nanginginig ang katawan ko.

Pagkarating ko sa hospital dumiretso ako sa kwarto ng kapatid ko. Nakita ko mula dito sa kinatatayuan ko sa pinto si Inay natutulog pa at yung kapatid ko.

MEET THE BAD BOY✔✔ ( Amalia's LIFE )Where stories live. Discover now