MTBB - 33

1.3K 43 1
                                    

Amalia

Umuwi muna ako samin ng hindi ko na matawagan ang number ni Victoria nag alala na ako masyado pati kay Joseph hindi ko rin matawagan. Nag alala ako kung anung nangyayari na sa kanila. Kaya pagkarating ko sa terminal agad ako sumakay ng tricycle mabuti pumayag si Tyler na uuwi muna ako dito samin.

Hindi ko pinahinto sa tapat ng bahay namin ang tricycle naglalakad lang ako para masurprise sila pero nakapatagtaka sirado ang bahay namin.

"Nay si Amalia ito! Joseph? Victoria?!"  Tawag ko sa kanila pero wala parin sumasagut kahit isa sa kanila. Umikot ako papunta sa likod sarado din ang mga bintana sa kwarto nila. Pati dito sa kusina wala.

Kinabahan ako pero hindi naman siguro totohanin niya ang sinabi.

"Amalia nakauwi ka na pala. Kanina ka pa diyan?"

Nalingun ako sa nagsalita si Aling Nasing.

"Ah hindi naman masyado. Teka nakita mo ba sila Nanay? Wala kasing sumasagut sa katok ko. Kanina pa"

"Nako Amalia may sumundo sa kanila nung isang araw. Puti na sasakyan na may pagkamataas teka anung tawag doon?" 

Kumunot yung noo ko sa sinabi niya. "Ah tama ang sabi nila Van daw yun. Kulay puti at hindi nakikita ang tao sa loob. Sabi ng Inay mo ipapasyal lang daw sila"   mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya.

Napabuntung hininga nalang at ngumiti kay Aling Nasing. "Maraming salamat. Sige ho aalis na ako"   alam ko kinuha niya sila Inay. Talaga bang totohanin niya yun?.

Natatakot ako para kina inay dahil hindi ko alam paano sila iligtas sa kamay ng taog yun. Ni hindi ko nga makuntak ang number niya. Paano ko sila hahanapin?.  Bumalik ulit ako sa manila at dumiretso sa pinagtrabahuan ko. Kaylangan ko magtrabaho para makakuha pa ako ng lakas.  Walang hiya niya. Para lang matupad niya ang gusto niya.

"Oh Amalia nakabalik ka na agad?"  Napalingun ako kay Tyler nasa likod ko nakatayo.

"Wala sila Inay at ang kapatid ko sa bahay"  inayus ko muna ang gamit ko sa locker.

"Ha? Baka may pinuntahan lang nagkasalisi kayo"  sagut ng kasama ko.

Umiling ako at hinarap sila. "Hindi eh may sumundo kina Inay sa bahay"   kung meron siyang binalak sa pamilya ko. Pagbabayaran niya lahat sakin.

"Sino naman Amalia? Nako baka kinidnap na sila?"  Napatakip ng bibig niya ang kasamahan ko.

"Paano kung ireport natin sila sa mga pulis Am?"  

"Hindi pwede. Mamatay lang sila paggawin natin yun. Hindi pwede malaman ng mga pulis ito." 

"Pero bakit Amalia? Baka mapano ang pamilya mo sa kamay ng mga kidnaper?"

"Kilala mo ba ang kumuha sa pamilya mo Amalia?"  Napatingin ako kay Tyler seryoso ang tanung niya. Bumuntung hininga muna ako.

"Salamat sa pag alala niyo sa pamilya ko. Pero wag kayo mag alala ako na bahala doon"   sabi ko sa kanila.

Umalis narin ang ibang kasamahan ko. "Kung kailangan mo ng tulong dito lang ako"  tumango lang ako at ngumiti. Masyado ng madaming naitulong sakin si Tyler kaya gagawin ko ito mag isa. Ako naman ang sadya niya.

Pagkatapos sa trabaho ko umuwi na ako sa boarding house medyo napapagod ako sa byahe. Medyo malalim narin ang gabi dahil nag over time ako.

"Oh Sasha hindi ka pa natutulog?" Naabutan ko kasi nanunuod sa cellphone niya.

"Mamaya na. Kamusta ang pag uwi mo? Akala ko bukas ka pa babalik?" 

Umupo ako sa tabi niya at tinanggal ko ang sapatos ko. Bumuga muna ako ng hangin. "Wala sila Inay sa bahay. Sabi ni Aling Nasing."  Nilagay ko na sa tabi ang sapatos ko at tumayo ako.

MEET THE BAD BOY✔✔ ( Amalia's LIFE )Where stories live. Discover now