MTBB - 15

1.8K 56 5
                                    

Chapter 15

Amalia pov

Nagising ako dahil sa subrang sakit ng katawan ko ng nararamdaman ko ang higaan ko. Malambot ito. Ng minulat ko ang mata ko nasa isang loob ako ng isang kwarto. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Andito ako sa kwarto ni Mr. Hidalgo? Pero bakit niya ako dinala dito?.

Napalingun ako sa pinto ng banyo bumukas ito at lumabas doon si Mr. Hidalgo na nakatopless lang. At halatang katatapos lang ng pagliligo niya. Pumapatak pa sa katawan niya ang mga tubig galing sa shower.

"Gising ka na pala" busy siya sa pagpupunas ng buhok niya. At lumapit sakin.

"Magbihis ka aalis tayo. And take your medicine" kumunot yung noo ko sa sinabi niya.

"Kumain ka and pagkatapos mong kumain, nakita mo ang box nasa ibabaw ng lamesita? Vitamins mo yan. Inumin mo yan. Tingnan mo ang sarili mo subrang payat mo na. Nahuhulog na wala kang kinakain. Malnourished" napatingin ako sa katawan ko at sa mga braso ko ganun nalang ba ako kapayat?

"Kumakain naman ako"

Bumaba na ako at naglakad para lumabas sa kwarto niya.

"Where you going?" Tinungo niya ang built in sa mga nilalagyan ng damit niya. At kumuha ng isang maong na pantalon at sinuot niya ito kaagad pagkatapos kumuha siya ng isang sweetshirt na kulay itim at diretsahang sinuot niya. Kumuha rin siya ng sinturun at nilagay niya sa pantalon.

"A-anu ho lalabas na ho ako. Magbibihis lang ako " kinakabahan kung sagut sa kanya. Tinungo niya ang malaking salamin at inayus ang buhok niya.

"Wag na dito ka na maliligo sa kwarto ko at dito ka na rin magbibihis. Nakikita mo yang dalawang paper bag diyan nakapatong sa sofa yan ang suotin mo"

Tinungo niya ang pinaglagyan niya ng sapatos at kumuha ito ng kulay puti. At sinuot na niya.

Nakapagtaka lang bakit mabait siya sakin ngayun.?

"Bilisan mo na hintayin kita sa baba"

Agad siyang lumabas at iniwan akong nakatayo dito sa kwarto niya. Kinuha ko ang dalawang paper bag nasa ibabaw ng sofa at tiningnan ko kung anung laman nito. Isang damit na kalahati sa braso ko na kulay puti. At ang laman ng isang paper bag din ay isang pantalon. Tiningnan ko din ang dalawang naiwan na paper bag pagkatingin ko isang sapatos na kulay puti din at ang nilalamn ng isang paper bag bra at panty. Nakapagtaka lang kung bakit bigla siyang nagiging mabait sakin. May kapalit naman ba ang binigay niya sakin ngayun? At anu katawan ko?.

Iniwan ko sa ibabaw ng kama ang binili niya sakin at pumasok na ako sa banyo. Para maligo pagkatapos lumabas na ako para magbihis. Pagkatapos ko nagbihis bumaba na ako sa kwarto niya at dumiretso sa veranda kung saan siya naghihintay.

"Let's go"  agad siyang tumayo at sumakay sa kotse niya. Napatigil ako kung sasabay ba ako sa kanya o hindi.

"Sakay na!"  Sigaw niya kaya agad akong sumakay sa likod ngunit kumunot ang noo niya ng nakita niya ako sa salamin sa harapan niya.

"Dito ka sa harapan"  malamig niyang sabi kaya agad akong kumaripas para lumipat sa harapan at maupo. Binuksan ko ang pinto at sinara ko na. Pagkatapos pinaandar na niya ang kotse at pinaharorot na niya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil ito yung unang beses niya na pinasama ako sa lakad niya. At isa pa natatakot ako sa kanya baka anu naman ang gagawin niya sakin.

"Tigilan mo ang pag iisip na tumakas ka, dahil kung gawin mo yan pamilya mo ang mawawala sayo" mariin niyang sabi na kinatatakot ko kahit alam ko hindi ito unang beses na pinagbantaan niya ako.

"Hi-hindi naman ho ako nag iisip na tatakas Mr. Hidalgo si-sir. Nagtataka lang ako kung bakit pinasama niyo ko sa lakad mo"   sagut ko sa kanya habang sa labas ng bintana nakatingin.

"Baka kung ikaw lang mag isa sa bahay baka pagdating ko wala ka na. Hindi mo lubus nabayaran ang utang ng ama mo sakin lalo na ngayun nadagdagan naman ang utang niya sakin"     sagut niya. Kaya napalingun ako sa kanya ng dahan dahan.

Napangiti ako sa lihim na hindi mo maipagkaila na walang babae hindi nagkagusto sa kanya. Dahil sa hitsura pa lang niya subrang gwapo na niya. Kahit nakakatakot siya. Napatingin ako sa labas bigla ng tumingin siya sakin at binalik din niya sa daan ang panungin niya.

Dumating kami sa isang pier ng dagat isang pantalan kung saan madaming nakaparking na barko na malaki at maliit. Tiningnan ko si Mr. Hidalgo kung anung sasabihin niya. Siguro hindi nalang ako sasama sa kanya ng may mga tauhan lumapit sa amin at may mga dalang armas ang iba sa kanila.

Lumabas si Sir Leo sa kotse at yumuko sila pagkalabas ni sir. Paalis na sana sila ng tumingin ulit sakin si mr. Hidalgo at lumapit dito sa kotse niya na nagagalit ang hitsura niya. Binuksan niya ang pinto sa kotse na nakapark dito sa gilid. "Labas!"  Mariin niyang sabi na pasigaw kahit hindi kataasan ang boses niya.

"Saan ho ta-tayo pupunta? Bakit"? Hindi ko natatapos ang sasabihin ko sa kanya ng hinila niya akong palabas mula sa kotse at padabog sinara ang pinto. "Pagsabihin ko sumama ka. Sumama ka"   saka hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit sabay hila sakin para makasama ako sa kanila. Tahimik lang ang mga lalaki nakasunod samin.

Halos maiiyak na ako sa pagkawak niya sa braso ko pero pinilit ko hindi ipakita sa kanya dahil alam kung magagalit siya. Pumasok kami sa isang yatte at kasabay nun ang pag andar sa yatte. Hila hila niya parin ako papasok sa loob. Bumaba kami at pumasok sa isang kwarto. "Dito ka lang"  pagkatapos sinara niya ang pinto.

Napabuntung hininga ako at napatingin sa braso ko. Medyo masakit dahil sa pagkahawak niya nito. Bakit ganun siya? Kanina mabait siya sakin pagkatapos ngayun kulang nalang patayin niya ako.

Lumabas ako sa kwarto para makita ko ang magandang tanawin ang dagat habang binabaybay namin. Umakyat ako sa taas para makita ko ang buong karagatan ngunit napatigil ako sa pag akyat ng makita ko sir Leo may kasamang babae, sexy, hindi lang gaano katangkaran pero maganda. Girlfriend niya suguro. Umiwas ako ng tingin at bumalik sa kwarto nalang. May nakita akong magandang tanawin mula dito sa kinaruruonan ko sa baba kaya doon nalang ako umupo at nanunuod sa magagandang kulay asul ng dagat.

Kaya niya siguro pinasama niya ang babae niya. Sana hindi niya lang ako pinasama dito. Nilagay ko sa ibabaw ng kamay ko ang ulo ko habang nakahawak ako sa bakal.

Ng maalala ko ang tahi ko kaya tiningnan ko ito medyo humilom narin ang sugat ko. Binalik ko sa dagat ang tingin ko. May nakita akong mga isda nagsipag unahan sila ng karera sa paglangoy. Ang ganda lang nila tingnan.

"Miss pagkain niyo pinahatid ni boss"

Saka umalis na yung naghatid ng pagkain anung oras na ba? Wala naman akong gana kumain kaya pinabayaan ko lang ang pagkain nasa ibabaw ng lamesita. Pagkatapos binalik ko ulit ang tingin ko sa mga isda nag karera kanina. Kaya lang nawala na sila.


MEET THE BAD BOY✔✔ ( Amalia's LIFE )Where stories live. Discover now