MTBB - 11

1.7K 55 5
                                    

Chapter 11

Amalia

"Amalia okay ka lang? May masakit ba sayo?" Umiling ako at binigyan ko ng ngiti si Sasha ang bestfriend ko. Ayoko sabihin sa kanya kung bakit namimilipit ako sa sakit sa tagiliran ko baka kasi mag alala pa siya at isumbong kay Inay  ayoko mag alala sila saki.

"Masakit lang ang tiyan ko dahil siguro sa kinain ko kagabi" sagut ko sa kanya. Tumango naman siya at ngumiti.

"Ganun ba. Gusto mo pumunta tayo sa school clinic para makahingi ng gamot sa tiyan mong masakit?" 

Agad akong umiling baka malaman niya pa.

"Wag na. Mawawala rin ito maya maya" sagut ko sa kanya.

Napaisip ako sa nangyayari kagabi sakin. Tumayo ako at pumunta sa banyo dito sa paaralan namin para matingnan yung sugat ko. Medyo masakit at mahapdi dahil sa gamot nilalagay ko. Pagkarating ko sa banyo pumasok ako sa isang cubicle at nilock ko ang pinto. Tiningnan ko saglit ang sugat ko. Kung hindi ko makakayanan uuwi nalang siguro ako pero hindi eh. Hindi pwede dahil madami na akong absent dahil sa nagkasakit ako.

Pagkatanggal ko sa blouse ng uniform sa gilid tinanggal ko sandali ang bendahe na nilalagay ko. May nakita akong dugo sa bendahe. Napapikit ako. Kaya ko to' para sa sarili ko. Pagkatapos binalik ko na ang bendahe sa sugat ko at lumabas na ako sa cubicle.

Naglakad ako sa hallway papuntang classroom namin. Ilang araw nalang magtatapos na ang klase namin.

Pagkarating ko sa classroom namin nakikita ko ang mga ibang classmate ko busy sa pakikipag usap sa mga seatmate's nila tungkol sa crush nila. Ang iba naman naglalaro sa labas at ang iba tahimik lang. Si Sasha hindi ko nakita kung saan siya dahil pagbalik ko wala siya dito.

"Uy, Amalia tawag ka ni Ma'am Varez"  sabi sakin ng isang classmate ko. Agad akong tumayo at pinuntahan si Ma'am Varez. Bakit kaya pinatawag niya ako? Tungkol ba ito sa pag aaral ko?. Dumiretso ako sa faculty at pumasok. Dumiretso ako sa lamesa ni Ma'am Varez.

"Ma'am"  inangat niya ang tingin niya sakin at ngumiti. Busy siya sa pagsusulat ng lesson plan niya. 

"Amalia maupo ka"  umupo ako sa bakanteng upuan nasa harapan ng lamesa niya.

Kinuha niya ang class record at tiningnan. Pagkatapos tumingin siya sakin. "Amalia, base sa class record mo madami kang absent, tsaka hindi ka pa nakapagtake ng exam sakin." Napailing si  Ma'am.

"Alam mo ba kailangan mo ito para makapasa ka. Nasasayang ang paggagastos ng mga magulang mo sayo" napayuko ako at pinaghigpit ko ang yakap ng dalawang kamay ko.

Inangat ko ang tingin ko. "Sorry ma'am. Pero paano ako makabawi lalo na sa exam at sa mga quizes ko?" Tanung ko sa kanya. Napatingin ulit siya sa class record.

"Gusto ko makausap ang mga magulang mo tungkol dito"  paano ko sasabihin sa kanya ang totoo.

"Busy po yung mga magulang ko ma'am" sagut ko sa kanya.

Bumuga siya ng hangin. "Total malapit na mag tapos ang klase. Ang gagawin mo. Gagawa ka lang ng project tungkol sa lesson natin. Yun lang, or kung may bulaklak ka sa bahay niyo pwede moko dadahan. Sayang ang mga grado mo"  napangiti ako at tumango sa suhestiyon ni ma'am.

"Pumili ka lang basta bago matapos ang klase dapat napasa mo sakin okay" tumango ako.

Pagkatapos sa pag uusap namin ni Ma'am bumalik na ako sa classroom namin. Pagkapasok ko yun parin wala parin kaming guro.

"Amalia saan ka galing?" Si Sasha galing siya sa labas.

"Galing ako sa faculty pinatawag kasi ako ni Ma'am Varez." Sagut ko sa kanya at umupo na ako.

Umupo na rin siya sa upuan niya. "Bakit daw? Tungkol ba sa pag aaral mo?" Tumango ako.

"Bakit kasi absent ka ng absent?"  Tanung niya habang ngumuya sa pagkain binili niya.

"Mahaba Sha e, isa pa nagkasakit ako ng matagal"  kumunot yung noo niya.

"Pero wag mo ng sabihin kina Inay baka mag alala naman yun"  dagdag ko pa.

"Sige, pero Amalia wag mo naman pabayaan ang sarili mo. Tingnan mo nangangayat kana oh. Ang payat mo na. Kumakain ka pa ba? Baka sa subrang tipid mo hindi ka na kumakain?. Ito oh sinali kita binilhan". Binigay niya sakin ang isang tinapay.

"Wag kang mag alala kaya ko pa ang sarili ko. " sagut ko sa kanya. Ng nagbell na kinuha ko na ang bag ko.

"Sasha mauna na ako ha? Alam mo na bye". Tumango naman siya at kinuha narin ang bag niya.

Nauna akong lumabas sa gate para makapagpara ng jeep. Magtrabaho na ako. Kailangan ko ito pambili ng project. Di bali kung wala akong baon.

May huminto na tricycle at pinara ko dahil hindi gaano kalayo yung pinagtrabahuan ko nakarating kaagad ako. Dumiretso akong pumasok sa loob. Mabuti walang tao.

"Magandang hapun" bati ko sa kanilang lahat.

Agad akong dumiretso sa locker ko at kumuha ng damit at nagpalit ako pagkatapos lumabas na ako para magsimula sa trabaho ko.

"Kamusta ka na Amalia?" Napahinto ako at napapikit sa sakit sa sugat ko. Bumuga ako ng hangin para mabawasan ang sakit. Minulat ko ang mata ko ang manager ko nasa harapan ko na pala.

"Si-sir Ruffy magandang hapun" bati ko sa kanya.

"Kamusta ka na Amalia?" Tanung ulit ni sir.

"O-okay lang ho." Sagut ko sa kanya. Kinuha ko ang mga baso at tasa nasa lamesa at nilisan ko ang lamesa sa kalat ng mga custumer.

"Sigurado ka?" Tumango ako.

Maya maya bumukas ang glass door at may pumasok na custumer. Pumunta ako sa kusina para hugasan ang mga pinaggamitan ng custumer pagkatapos pinunasan ko pa.

Nakalipas ang tatlong oras umuwi na rin ako sa bahay. Naglakad lakad nalang rin naman ako para bumuti yung pakiramdam ko. Iwan ko ba kanina ko pa nararamdaman ang ganito yung subrang bigat sa pakiramdam. Ng nakaupo sa isang upuan dito sa park habang nakatingin ako sa malayo. Bigla nalang pumatak ang luha ko ng sunod sunod. Hindi ko alam kung bakit. Pinabayaan ko lang pumatak hanggang sa tumigil. Ng tumigil na tumayo ako naglakad ulit.

Pagkapasok ko sa bahay ang dilim na tulog na ata sila. Tahimik na rin kasi eh.

Sinara ko ang gate at nilock pagkatapos pumasok sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko at pumasok. Nilock ko muna ang pinto pagkatapos kumuha ako ng damit sa cabinet para magbihis pangbahay.

Pagkatapos ko sa uniform ko tinanggal ko ang bendahe pagkatapos tiningnan ko sa salamin ang sugat ko. "Nagdurugo siya"   kumuha ako ng cotton at pinahid ko sa sugat ko. Pagkatapos nagbihis na ako.

Kinabukasan maaga ako nagising dahil hindi rin ako makatulog. Nagising narin si Manang,.

"Amalia kanina ka pa gising?" Tanung niya sakin. Mukhang kagigising lang niya.  Ng marinig ko namin ang gate bumukas at pumaumasok na kotse. Malamang sivMr. Hidalgo yun.

"Si sir Leo kararating lang" biglang sabi ni Manang.

"Manang kape"  kapapasok lang niya sabay utos kay manang. Grabe makautos akala mo kung sino.

"Amalia, saan ka kahapun nagpunta? Bakit ka nawala? Hinanap kita sa buong mall pero wala ka?".

Imbis sagutin ko siya iniwan ko nalang siya nakatayo doon. Ng hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko, tiim bagang nakatingin siya sa sakin. Siya nga lang nang iwan sakin siya pa may ganang magagalit?.

Bumitaw din siya sa pagkahawak sa braso ko. "Wag kang mag alala hindi kita tatakasan sa utang ng Itay ko hanggang sa kamatayan ko magbabayad ako sayo"  saka iniwan ko siyang nakatayo doon.

Alam kung hindi maganda ang ginagawa ko pagtalikod sa kanya. Kaya lang nung nangyayari sakin natrauma ako. Natatatakot.

Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Kumuha ako ng baso sa nilalagyan at kumuha ng tubig sa reef at inibus ko yun ininom. Masyado niyang mahal ang pera niya.

MEET THE BAD BOY✔✔ ( Amalia's LIFE )Where stories live. Discover now