MTBB - 13

1.7K 50 3
                                    

Chapter 13

Amalia    Pov

"Ate!" 

"Nay si Ate Amalia nandito!"

Sigaw ng kapatid ko ng matanaw niya ako papunta sa bahay namin. Agad siya tumakbo sakin at kinuha ang mga dala ko.

"Ate tulungan na kita"  sabi niyang nakangiti na agad naman kinuha ang ibang dala ko.

"Kamusta kayo? Si Inay saan?" Tanung ko sa kanya. Ng pagkarating namin sa bahay agad ko nilagay sa lamesa ang dala namin.

"Okay lang naman kami Ate. Ate may pera ka extra? Pangbili ko sana ng tsinelas ko."   Kumuha ako ng pera sa bulsa ko at binigay sa isang kapatid ko.

"Ito na oh, ikaw nalang bahala diyan ah" tumango naman siya.

"Ate Amalia anung dala mo? May pagkain ka ba?"  Tanung ng isang kapatid ko bigla nalang lumitaw, kung saan galing. 

  "Oo naman Clara andiyan sa plastic bag ang mga pagkain na binili ko"  agad naman nila hinalungkat ang dala ko.

"Wow Ate, ito yung binili mo? Pancit, may bihon at may Fried chicken? Ang sarap nito ate. Pwede po ba bamin itong kainin? Gutum na kasi kami kanina lang"  ngumiti ako at tumango sa kanyang sinabi.

"Sige kainin niyo yan, para yan sa inyo"  sagut ko saka nilingun ko si Victoria na kumakain din.

"Hindi ba kayo nagsaing?"  Tiningnan ko ang kaldero walang laman.

"Bakit hindi kayo nagsaing?"  Tanung ko sa kanila habang busy sa pagkain. Si Clara na annim na taong gulang. 

"Saging lang yung kinain namin kanina ate, nakita ko sa unahan kaya kinuha ko. Nag iyakan na kasi kanina ang tatlong kapatid natin" sagut ni Victoria. 

Natahimik ako sa sinabi ni Victoria. "Nay tingnan mo o' may binili si Ate na Pancit, bihon at Fried chicken ang sarap Nay!" 

Napatingin ako sa kararating lang. Galing sa likod si Inay naglalabada naman. Tumango lang siya sa sinabi ni Clara.

"Amalia Nak mabuti naman napadalaw ka dito satin" 

"Mano po inay"  kinuha ko ang kamay ni inay at nagmano.

"Oho inay nagpaalam naman ako sa boss ko at pinayagan ako" sagut ko sa kanya habang nakatingin kami sa mga kapatid ko kumakain pa.

"Mabuti naman. Kamusta ka doon kay Mr. Hidalgo hindi ka ba niya sinasaktan?"

Umiling ako. "Mabuti naman, ang pag aaral mo kamusta?"  Nilingun ko si inay.

"Wag kayong mag alala okay lang naman ho, ang pag aaral ko"

"Mabuti naman. Ikaw kamusta ka na? Parang namamayat ka na? Lumiit ka? Kumakain ka ba? Wag mong pabayaan ang sarili mo Amalia. Kahit gaano ka kabusy"  tumango lang ako sa sinabi ni Inay.

"Victoria bili ka muna doon ng bigas para dito sa bahay"  binigay ko sa kanya ang natirang pera ko.

"Sige ho ate" saka umalis na ang kapatid ko.

"Amalia baka wala ka ng pera diyan para sa sarili mo?"  Umiling ako at ngumiti.

"Wag kang-*"  hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng dumating si Itay.

"Mabuti Amalia andito ka, pahingi ng pera"  sabay lahad ng kamay niya sa harapan ko.

"Natalo ako ng manok ni Pareng Oscar kaya gusto ko makabawi. Kaunti lang hihingiin ko limang libo"    kumunot yung noo ko sa sinabi niya pero nabalik agad.

MEET THE BAD BOY✔✔ ( Amalia's LIFE )Where stories live. Discover now