MTBB- 18

1.7K 55 11
                                    

Narrator's pov 

Ilang araw na simula ng umalis si Leo na walang paalam kay Amalia. Siguro mag dalawang linggo na. Sa dalawang linggo na yun walang pinagbago lingid sa kaalaman ng lahat hinihintay ni Amalia si Leo. Hindi din niya alam kung bakit nasasaktan siya sa pag alis nito. Kung tutuusin wala naman sila, walang relasyon kagaya sa iba nagmamahal, at wala siyang karapatan para magalit siya sa lalaki sa pag alis nito ng walang paalam.

Ang hindi niya inakala ang gabing iyon pag uwi nila sa malaking bahay at sa pagsama nila ng isang gabi yun na pala ang huli nilang pagsasama. Walang nakakaalam kung anung nararamdaman ni Amalia dahil ang babae mismo hindi nagsasalita. Kagaya ngayun hindi siya dinalaw ng buwan na pagdalaw.

Habang lumilipas ang panahon nagiging busy na si Amalia. Ginagawa niya lahat para hindi pumasok sa isipan niya. Kagaya ngayun ginawa niya lahat magiging busy sa lahat ng oras dahil kung may bakante siya na oras natatakot siyang dalawin sa isipan niya si Leo.

"Amalia anung nangyayari sayo?"

Napaangat ng tingin si Amalia sa nagsalita yung kasamahan niya.

"Ho? Bakit? Wala naman"  takang tanung niya. Napatingin siya sa paa niya may dugo lumalabas.

"Ma-marie hindi ko alam"  

Dahan dahan pinikit ni Amalia ang mata niya at bigla nalang siya natumba. Napasigaw yung kasamahan niya.

"Tulong! Tulungan niyo ko dalhin natin siya sa hospital"  

Natatarantang sabi ni Marie. Agad siya tinulungan ng dalawang custumer kararating lang sa coffee shop nila at sakto pagkahimatay ni Amalia andon sila. Sinugud nila agad sa hospital si Amalia. Pagkarating sa hospital diniretso si Amalia na walang malay sa emergency roomm.

Sa labas hindi mapakali si Marie. "Magiging okay din siya"  sabi ng kasamahan ng isang lalaki na tumulong kay Amalia nagdala sa hospital.

"Sana nga, maraming salamat sa inyo"  pasalamat ni Marie sa dalawang lalaki na tumulong sa kanya.

"Alam na ba ng magulang niya?"  Tanung ng isang lalaki kay Marie. Napatingin si Marie sa kanya. "Hi-hindi pa." Sagut niya. Sa totoo lang kinakabahan siya kung bakit dumudugo yung kaibigan niya. Wala naman itong sinabi sa kanya. Hinintay na din ng dalawang lalaki ang resulta.

"Wala ba siyang sinabi sayo?"

Umiling si Marie. "Wa-wala dahil hindi naman siya nagsasalita"  sagut ni Marie kaya napabuntung hininga siya na sana mali ang iniisip niya.

Maya maya lumabas na ang doctor nakaduty sa hospital. "Sinong kamag anak ng pasyente?"  Tanung ng doctor.

Tumingin ang doctor sa kanilang tatlo. "Kaibigan ho namin siya"  sagut ni Marie.

"Doc kamusta na yung kaibigan ko bakit may madaming dugo lumabas sa kanya?"  Kinakabahan na tanung ni Marie sa doctor. Bumuntung hininga muna ito saka tumingin sa kanilang tatlo.

"Sumama kayo sakin sa opisina"  sagut ng doctor na kinakunot nila Marie. Pagkarating nila sa opisina ng doctor pinaupo sila nito.

Umupo ang doctor sa upuan nito at nilagay sa ibabaw ng mesa ang kamay nito at tiningnan sila ng seryoso sa doctor. Bumuntung hininga muna ito.

"I'm sorry, ginawa namin ang lahat pero hindi talaga. Buntis ang kaibigan mo ng one month pregnant, sa kasamaang palad hindi kumapit ang bata sa matris niya dahil sa subrang pagud at bugbug ang katawan niya. Over fatigue ang kaibigan mo kaya nalaglag sa sinapupunan niya ang bata kaya dumudugo siya kanina"  

Nagkatinginan ang dalawang lalaki at napanganga si Marie sa nalaman niya. Hindi siya makapaniwala na buntis ito dahil wala naman siyang nakikita na may nobyo ito sumusundo sa trabaho dahil mag isa lang ito umuuwi.

MEET THE BAD BOY✔✔ ( Amalia's LIFE )Where stories live. Discover now