MTBB - 22

1.7K 66 10
                                    

Chapter 22

Amalia pov

Ilang buwan na ba lumipas simula ng umalis ako sa lugar ko? Tatlong buwan o apat na buwan? Pero hindi pa sapat yung kita ko para umuwi samun? Napabuntung hininga nalang ako. Subra ko ng namimiss sila inay at yung mga kapatid ko. Kamusta na kaya sila.?

Nagiging maayus naman ang pagpunta ko dito sa manila at nakahanap na din ako ng trabaho. Yun nga lang dalawa. At sa gabi isang waitress ako sa bar club. Yung kapitbahay na inupahan kung bahay siya nagpapasok sakin dito. Hindi nadin ako nahihirapan dahil nakapagtrabaho naman ako ng ganito sa lugar namin yun nga lang hindi yun kasing laki nito.  Napahinto ako sa counter at inikot ko ang ulo ko. Medyo masakit na talaga ang katawan ko dahil sa buong araw at gabi na trabaho. Mabuti pagkatapos sa shift ko umuwi na ako ng diretso.

"Hatid na kita"

Napaigtad ako at napatingin sa nagsalita si Ivan pala nakangiti.

"Hmmn mamaya na tapusin ko lang ang oras ko sayang naman"

"Amalia doon sa table number four"  tawag sakin ng isang kasahan ko. Tiningnan ko si Ivan at binigyan ng ngiti. "Go ahead. Hintayin kita dito"   pagkatapos sa paglagay ng mga alak sa tray na gagamitin ko. Hinatid ko na ang mga alak sa nasabi ng kasamahan ko. Pagkalagay ko ng matapos umalis na ako ng hinawakan ng isang custumer ang kamay ko.

"Miss dito ka muna, samahan mo kami. Total maganda ka naman"    napaatras ako ng hinawakan sana ng lalaki ang pwet ko.
"Back off"   tinanggal ng lalaki ang kamay niya sa pagkahawak sa pulso ko ng lumapit si Ivan samin.

"Okay lang ako Iv"  para kumalma siya. Ng makarating kami sa counter. "Are you okay? May masakit ba sayo?"  Napangiti ako sa tanung niya sakin.

"Okay lang ako. Hindi ako nasaktan okay, masyado kang oa"  sabay ngiti ko sa kanya. Ngumiti naman siya.

"Ayaw ko kasi mabastos ka Am kaya hangga't dito ka nagtatrabaho babantayan kita pero hindi sa lahat ng oras alam mo naman"  tumango ako at ngumiti para mapanatag yung loob niya. Lumabas na din kami sa bar. Pagkalabas namin tinungo namin ang kotse niya nakapark sa labas at pinagbuksan ako ng pinto.

"Hindi mo naman ito kailangan gawin Ivan"  pumasok narin ako ng masara niya umikot siya sa harapan at pumasok narin sa driver seat.

"Psst, here we go again Amalia. Sinabi ko naman sayo di ba?"  Pinaandar na niya ang makina sa kotse. "Alam ko naman yun Iv pero syempre galing ka sa trabaho mo"  ayoko na makadisturbo sa kanya. Pero sa lahat ng lalaki si Ivan ang pinagkaiba. Hindi siya ganung tao kagaya sa iba na hilig humawak. Siya hindi eh. Dahil nirerespeto daw niya ako.

Bago ko lang siya sinagut. Ang kulit kasi e. "Gusto mo kumain? Nagrereklamo na kasi ang alaga mo sa tiyan?"  Napangiti ako.

"Sige. Ikaw saan ang gusto mo?" Tanung ko sa kanya. "Kahit saan"  sagut niya. Hininto niya ang kotse sa tabi ng daan. Ng may nakita ako.

"Seryoso ka dito ka gusto kumain?"  Baka kasi hindi siya sanay.

"Oo naman. Minsan kumakain kami ng barkada ko dito. Masarap kaya ang pagkain nila dito." Binuksan niya ang pinto. Sumunod narin ako. Pagkalabas ko sa kotse naaamoy ko na ang usok sa mga barbeque, isaw, yung paa ng manok. Parang mas lalo tuloy akong nagugutum.

Lumapit siya sa may mga nakalagay na tusok na hilaw na manok. "Pili ka anung gusto mo?"  Tiningnan ko siya. Bahala na minsan lang ito kaya sulitin ko na. "Hmmn, isang paa lang ng manok at lima na isaw yun lang"  tumango naman siya at binigay sa tagLuto ang order namin. Naghanap kami ng lamesa na bakante. "Hmmn, Iv magpapaalam lang sana ako sayo"  kumunot yung noo niya at sinandal ang likod sa upuan na plastic.

MEET THE BAD BOY✔✔ ( Amalia's LIFE )Where stories live. Discover now