MTBB- 19

1.5K 45 0
                                    

Narrator's pov 

"Tyler salamat sa paghatid"

Pasalamat niya sa kasamahan niya naghatid sa kanya. Nasa hating gabi na kasi kaya hinatid siya at hindi lang basta kaibigan niya si Tyler nagpaparamdam din ito kay Amalia.

"Sige na pumasok ka na, gabi na" 

"Sige. Ulit salamat sa paghatid Tyler" 

Saka pumasok narin si Amalia sa nirentahan niyang bahay. Siya lang mag isa dito nakatira. Swerte din siya dahil mura lang ang bahay na nagpaparenta, tinulungan din siya ng kaibigan niya na si Marie.

Pagkapasok niya sa loob agad niya sinara ang pinto at hinubad ang sapatos niya. Medyo napapagud siya sa buong araw dahil sa pagtrabaho niya. Dinagdagan niya pa sa gabi na trabaho kaya pagud na masyado ang katawan niya. Dumiretso siya sa kusina at kumuha ng baso para uminom ng tubig pagkatapos pumasok na siya sa kwarto niya. 

Pabagsak niya hiniga ang katawan niya sa higaan habang nakatitig siya sa kisame. Ito madalas gawin ni Amalia kung gusto niya magmuni muni. Sa pagdating niya sa ibang lugar kinalimutan niya ang nakaraan niya at nagsimula ng panibagong buhay. Naghanap agad siya ng trabaho at nakapasok bilang isang tindera sa palengke. Medyo malaki din ang sahod niya pero hindi sapat yun lalo na kung sa pamilya niya kaya naghahanap siya ng extra mapagkakitaan.pumasok siya bilang waitress sa isang bar. Una ayaw niya pero naisip niya malaki din ang sahud kaya pumayag narin siya. Ilang buwan na ba siya simula umalis siya sa bahay ni Leo tatlong buwan? Napangiti siya kay bilis ng panahon. Kailangan din niya kumita ng malaki dahil papasok siya sa sunod na pasukan. Hangga't kaya pa niya. Wala siyang oras sinasayang. Kailangan niya din may mapaglibangan para hindi pumasok sa isipan niya si Leo. Hangga't kaya niya iniiwasan ito isipin.

Pero ngayun ibang iba. Pinahid niya ang luha niya at ngumiti.

"Dapat mo na siyang kalimutan Amalia, may mahal na siyang iba"   sabi niya sarili niya. Hindi na niya dapat iniisip ang ganitong bagay dahil alam niya masasaktan lang siya. Pero anung magagawa niya kung ang puso at isip niya iniisip ang isang tao? Paano niya maiwasan.

Binuksan niya ang facebook niya ng may nag pop up sa messenger niya si Lilia. Alam niya nag alala ito sa kanya dahil wala siyang sinabi nito na aalis siya.

"Huy Amalia saan ka na ngayun? Bakit ka umalis ng walang paalam? Alam mo ba nag alala kami sayo lalo na si Manang sonya"   

Napangiti siya dahil ito talaga ang inasahan niya na sasabihin ni Lilia. May halo din dissapointed dahil wala sa sinabi ni Lilia na pati ang hinihintay niya nag alala din sa kanya. Napabuntung hininga siya at ngumiti.

"Okay lang ako. Pasensiya na kung hindi ako nakapag paalam sa inyo. Paki sabi kay Manang okay lang ako. Kayo kamusta na diyan?"

Replay niya kay Lilia. Bakit ba umaasa siya na magtatanung yun sa kanya. Alam naman niya hindi mangyayari yun.

Hindi nagreply si Lilia malaman tulog na yun.








-------

Sa bahay

"Luh"

Nanlaki ang mata ni Lilia sa nakita niya. Isang larawan ni Amalia may kasama itong lalaki.

Napahinto si Leo sa narinig niya kay Lilia. Nakatalikod ito habang nag tumitingin ng picture sa cellphone niya ng may nahagip ang mata niya. Pakiramdam niya uminit yung ulo niya sa nakita at gustong niyang sakalin, patayin ang lalaki na katabi ni Amalia.

"Who's that guy?"

Hindi niya napigilan ang sarili sa tanung. Nagulat si Lilia at Tina sa biglang pagsalita sa likod nila pagtingin nila salubung ang kilay nilang dalawang ni Tina.

MEET THE BAD BOY✔✔ ( Amalia's LIFE )Where stories live. Discover now