MTBB - 32

1.4K 44 1
                                    

Amalia pov

Dalawang araw na hindi ko makuntak si Leo. Iwan ko ba pakiramdam ko gusto ko humingi ng tawad sa kanya dahil sa hindi ako pumayag sa gusto niya. Pagkatapos sa nangyayari doon sa malaking bahay na umalis si Leo. Sumunod na rin ako umalis at umuwi.. pero simula noon hindi ko na siya nakuntak.

"Love something wrong? Kanina ka pa wala sa sarili mo? Gusto mo ba umuwi nalang tayo?" 

Umiling ako sa tanung ni Ivan. Nakauwi na si Ivan at ngayun andito kami sa mall namimiss daw niya akong kasama.

"Wala naman. Kain na tayo gutum na ako"  nagsimula na akong sumubo.

Nilalagyan niya din ang pinggan ko ng pagkain. "Ah Love?"  Inangat ko ang tingin ko sa kanya.

Nakatingin siya sa mata ko ng deritso. "Total naman matagal na tayo. At naayus ko narin ang dapat kung ayusin"   hinawakan niya ang kamay ko sa gilid ng pinggan.

"Para hindi narin ikaw nahihirapan sa pamilya mo. At gusto ko rin makatulong sa pamilya mo."  - kinabahan ako sa posibleng sabihin niya.

"Magpakasal na tayo Amalia. Gusto ko ikaw ang makasama ko habang buhay"    bumilis ang tibok ng puso ko at binawi ko ang kamay ko sa kanya.

Nalilito ako kung papayag ako sa gusto niya. Hindi naman sa ayaw ko. Kaya lang pakiramdam ko hindi niya pwede akuin ang ginagawa ko sa pamilya ko ayoko magkaroon ng utang na loob sa kanya.

Ningitian ko siya. "Alam ko ang gusto mo Ivan at para din samin ng pamilya ko ang iniisip mo pero sa ngayun kasi hindi pa ako handa sa ganyan na bagay. Kung papasok man ako sa pag aasawa siguro hindi pa ngayun. Mas importante sakin ang pamilya ko"    -  binigyan ko siya ulit ng isang tipid na ngiti. Binaba niya ang kutsara niya sa plato. Narinig ko bumuga muna siya ng hangin.

Tiningnan niya ako. "I know Love at naiintindihan kita sa punto mo. Pero gusto ko rin naman makatulong sa pamilya mo para makapagpahinga ka narin. Alam ko pagud na ang katawan mo."  -  bumuga muna ako ng hangin.

Patawad Ivan, paano ko ba sasabihin sayo ang kalagayan ng buhay ko? Simula umpisa pa lamang?. Kahit ngayun hindi ko pa nasisiguro kung mahal nga talaga kita. Ayaw ko naman na masaktan ka kung sasabihin ko ang totoo sayo. Gusto ko rin ako mismo. Galing sa pinaghirapan ko ang makapagtapos ng pag aaral ng mga kapatid ko. Mahihirapan man  ako  pero kakayanin ko para sa mga kapatid ko.

"Maraming salamat Ivan sa pag alala sakin at sa pamilya ko. Hindi naman ako napapagud basta para sa kanila"  - sagut ko sa kanya. Alam ko nalulungkot siya sinabi ko.

"Kung ganun pwede tayo pumunta sa inyo para makilala ko ang pamilya mo?"   - gusto niya pumunta sa bahay? Hindi pa ako handa baka magagalit si Inay sakin isa pa hindi pa pwede dahil kay Mr. Hidalgo.

" paghindi ako busy subukan ko" tipid kung sagut sa kanya.

"Naiintindihan kita Love. Kain na ito pa o'"  nilagyan niya ng pagkain ang pinggan ko.

Pagkatapos namin sa umuwi narin kami at hinatid niya ako sa boarding house ko. "Salamat sa paghatid Ivan"  hinawakan niya ang kamay ko.

"Hihintayin kita Amalia"  saka ngumiti siya pagkatapos binuksan ko na ang pinto. "Sa-salamat"  yun lang ang sinabi ko.

"Wait"  tawag niya ulit ng makababa ako. "Mag ingat ka sa boarding house mo. Okay tsaka pagnatulog ka lock mo lahat ng dapat ilock okay?"  Ngumiti ako at tumango.

"Okay. I love you love bye"

"Love you din. Bye ingat sa pag uwi"   saka sinara ko ang pinto. Pagkaalis ni Ivan pumasok narin ako sa boarding house.

MEET THE BAD BOY✔✔ ( Amalia's LIFE )Where stories live. Discover now