AMTBB - 23

1.8K 66 13
                                    

Chapter 23

Leo pov 

Ito ang unang pagkakataon ko para titigan ko siya ng ganito katagal. Simula nung bumalik ako dito sa Pilipinas. Nalalaman ko nalang na naglayas pala siya dahil sa ginawa ko. At hindi ko rin alam na sa pag alis ko dinadala niya ang anak ko. Bumuntung hininga ako dahil sa kagagawan ko kaya nawala ang anak namin. Tinitigan ko siya habang tulog pa siya. Napangiti ako she look like a kid na subrang inosente sa buong mundo.

Napatingin ako sa kamay niya. Kinuha ko ito at tiningnan. Napaayus ako ng upo ng makita ko ang nasa daliri niya isang singsing na may maliit na blue diamond sa gitna. Gumalaw siya kaya napaayus ako sa pag upo sa gilid niya.









------

Amalia pov

Napamulat ako ng mata ng  nararamdaman kung parang may iba. Napatingin ako sa gilid ko. Isang kamay?. Tumingin ulit ako sa kabila. Laking gulat ko ng makita kanino yung braso ginawa kung unan. Nakatitig siya sakin.

"Morning"  bati niya sakin.

Bumalikwas ako ng bangun. Nakakahiya yung ginawa ko. Yumuko at kinuha ko  ang kumot para matakpan yung katawan ko. Pagtingin ko sa sarili ko may damit pala ako. Nakahinga ako ng maluwag.

"Ganyan ka ba matulog? Naghihilik at may kasamang laway pa?" Nakangisi niyang sabi. Anung nangyayari sa kanya? May nakain ba siya na nakapagpabago sa ugali niya? Biglang bumait at ngumiti ngiti pa.

"Si-sir Leo dapat hindi ka dito, dapat kanina ka pa umuwi nag alala na yung asawa mo sayo si- si ma'am Hillary"  dapat kasi hindi na siya pumayag sa gusto ni inay kagabi na dito siya matutulog. Baka mamaya susugurin ako nun dito. Seryosong tingin lang ang binigay niya sakin.

Narinig ko tumunog yung cellphone niya kaya kinuha niya. Baka yung asawa na niya nagtetext sa kanya ngayun. Nakita kung pinatay niya ang cellphone niya. "Tumayo ka na diyan"  sabay labas niya sa kulambo.

Napabuntung hininga nalang. Kani-kanina lang ang laki ng ngisi niya tapos bigla nalang bumalik sa dati niyang ugali. Di ba tama naman yung ginawa ko? Dapat umuwi na siya pero ito siya sa bahay namin nakatambay. Hindi ko rin alam kung bakit nandito siya? Sa bahay namin. Bumaba na ako sa higaan at tinungo ko ang kusina namin.

"Nak gising ka na pala"  si Inay may ginawa siya sa kusina ng naabutan ko.

"Magandang umaga Inay" bati ko kay Inay saka hinalikan ko siya.

"Kamusta na kayo dito? Yung mga kapatid ko?"

Nilingun niya ako at ngumiti sakin. "Okay lang kami dito nak."  Sagut niya.

"Ah Nak may pera ka hihingi sana ako pangbili ng kape natin. Nakakahiya kay sir Leo kung hindi natin siya painumin"   tumango lang ako.

"Ah Nay ako na ang bibili"  umalis na ako sa kusina para kumuha ng pera sa taas. Hindi ko nakita si sir Leo. Baka may nilakad lang. Naglakad ako papunta sa tindahan ng nakita ko si sir Leo sa may unahan may kausap sa cellphone baka asawa niya lang. Napahinto ako saglit ng narinig ko.

"Anu?"

Sinipa niya yung bato na nasa harapan niya.

"Okay sige sige. Ako na ang bahala" 

Sino kaya yung kausap niya?. Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko ng napaigtad ako sandali ng may nakita akong kamay nakaakbay sakin.

"Si-sir yung kamay mo pinagtinginan na tayo"  inis ko sa ginawa niya. Ng may nakasalubong ako.

"Di ba siya yung pinambayad ng tatay niya sa utang?"

"Oo siya yun. Kawawang bata" 

"Sabi daw nakakatakot yung lalaki na nautangan ng itay niya. Mabuti buhay pa siya" 

MEET THE BAD BOY✔✔ ( Amalia's LIFE )Where stories live. Discover now