Kabanata 57

243 3 0
                                    

Last Chapter

Shey's P.O.V

"Umalis ka na rito. Di ka namin kailangan. Kailangang gumaling ni Clyde, marami pa siyang maaaring magawa sa mundong ito kaya hayaan mo na siya", sabi ko. Natawa naman siya dahil sa sinabi ko at kinuha niya rin ang isang patalim mula sa bag niya

"Sa tingin mo hahayaan ko na lang na mangyari yun? Pinabagsak niya ang kompanya namin. Pinabagsak ng pamilya niya ang pamilya namin, sila ang dahilan kung bakit ako naghihirap ngayon, kung bakit naghihirap ang pamilya ko at sila rin ang dahilan kung bakit wala na akong kapatid ngayon. Kasalanan nila ang lahat, kaya karapat rapat lang na mamatay si Clyde", sabi niya habang may mga luhang tumutulo sakaniyang mga mata, napatigil naman ako dahil dito

"Pwede naman natin tong pagusapan diba? Hindi natin kailangan magmadali kaya ibaba mo na yang dala dala mong patalim. Huminahon ka", pagpapakalma ko sakaniya. Paano siya nakapasok sa kuwarto ni Clyde? Paano siya nakapasok dito sa hospital kung may dala daka siyang patalim?

"Alam mo? Kawawang kawawa ka. Okey ka sana eh, pero bakit kasi minahal mo pa yang Jancaster na yan? Baka tuloy madamay ka pa sa gulo niya. Iwanan mo na yan, wala naman yang madudulot sayo na tama, pahirap lang yan sayo. Pabigat", napatungo ako dahil sa sinabi niya, tiningnan ko si Clyde na natutulog parin sa kama niya, mahimbing lang siyang natutulog diyan at nagpapahinga

"Wala kang karapatan pagsabihan siya ng ganiyan dahil wala kang alam sakaniya. Di mo siya kilala kaya huwag na huwag mo siyang husgahan", sabi ko at tiningnan siya ng masama. Natawa naman siya lalo

"Okey then, edi sabay kayong mamatay jan dalawa, mas masakit nga lang ang pagkamatay mo", sabi niya at sumugod na saakin, kinuha ko naman agad yung upuan na nasa gilid ng kama ni Clyde at tsaka itinapon sakaniya, natamaan naman ang ulo niya kaya nahimatay siya at napahiga sa sahig. Napahinga naman ako ng maluwag

Nagpapasalamat ako ng sobra sa upuan na nasa tabi ng kama ni Clyde, kung wala yun siguro patay na kaming dalawa ngayon ni Clyde

"Shey?", napatingin naman ako kaagad sa may pintuan nang narinig ko ang boses ni Tita Cerene. Napatingin naman siya saakin at kay Haley na ngayon ay nakahandusay parin sa sahig habang may upuan na nakadagan sakaniya

"Anong nangyari rito?! Guards!",sigaw ni Tita Cerene, napahinga naman ako ng maluwag at tsaka inayos ang buhok ni Clyde

"Youre safe now", nakangiti kong sabi habang pinagmamasdan ang kaniyang mukha na mahimbing na natutulog

"Shey, are you okey? Anong nangyari rito? Can you tell me?", tanong saakin ni Tita, tiningnan ko naman siya at tsaka ikinuwento ang lahat ng nangyari, napayakap naman siya saakin pakatapos habang naiiyak na

"Maraming salamat Shey, buti nga dumating ka kaagad at bumisita rito dahil kung hindi maaaring mawala uli saakin ang anak ko", sabi niya habang yinayakap parin ako. Napangiti naman ako dahil dito.

"Walang anuman po Tita. Gagawin ko po ang lahat para gumaling at mailigtas si Clyde. Kahit isakripisyo ko pa po ang sarili kong buhay",dagdag ko pa, kumalas naman siya sa yakap at tiningnan ako ng diretso sa aking mga mata

"Gagawin mo ang lahat dahil mahal mo ang anak ko diba?", tanong niya, naramdaman ko naman na uminit ang aking magkabilang pisngi dahil sa sinabi ni Tita. Napangiti na lang ako

"Ganun na nga po Tita", sagot ko sakaniya, ngumiti naman siya at tsaka hinawakan ang aking kanan na pisngi

"Bigyan niyo kami ng napakaraming magaganda't gwapong mga apo ha?", namilog naman ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Tita Cerene. Ganito ba talaga dapat ang pinaguusapan namin sa ganitong sitwasyon?

"T-tita naman eh", natawa na lamang siya dahil sa naging reaksyon ko

"Biro lang Shey, teka lang ha, aasikasuhin ko muna ang gulong to. Ipapakulong ko tong Stanford nato. Huwag ka ring mag alala dadagdagan ko ang mga guards na magbabantay kay Clyde para hindi na mangyari ulit to", sabi niya, napangiti na lang ako at tsaka tumango na lamang bilang sagot

Umalis na rin naman sila kasama si Haley Stanford, inayos na ng mga guards ang paligid, chineck din ng mga nurses si Clyde, mabuti na lang at mabuti naman daw ang kalagayan ni Clyde. Kaya pala nakapasok si Haley dito sa hospital dahil dati nilang pag aari ang building nato pero since na nabaon sila sa utang, kinailangan nila itong ipinabili at ang pamilyang Jancaster naman ang bumili nito

Napabuntong hininga na lang ako, akala ko tapos na ang gulo pero hindi parin pala. Sana naman magising na si Clyde, miss na miss ko na siyang kausapin. Gustong gusto ko ng makitang nakamulat ang kaniyang magagandang mga mata, mga matang gustong gusto kong titigan. Mga matang gusto kong tingnan para panghugutan ko ng lakas sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob. Miss ko na siya. Miss na miss na kita Christian Clyde Jancaster

Kinuha ko naman yung isa pang upuan na nasa loob ng kuwarto ni Clyde at tsaka inilagay ito sa tabi ng kama niya at umupo na, pinagmasdan ko nanaman ang kaniyang natutulog na mukha, napangiti naman uli ako. Ang gwapo talaga ng lalakeng ito.

"Alam mo Clyde, sabi ng Doctor, kailangan daw palaging may kumakausap sayo para mabilis kang magising. Para makasama ka namin", panimula ko, hinawakan ko naman ang kaniyang kamay ng napakahigpit

"Lumaban ka ha? Andito lang kami para suportahan ka. At andito lang ako para samhan kang lumaban, para protektahan ka. Hindi ko bibitawan ang kamay mo. Hindi kita bibitawan so please Clyde, dont let go", sabi ko habang may mga tumutulong luha galing sa aking mga mata

"Dont be a cry baby Shey. NapakaJeanano mo talaga"

Siguro yan ang sasabihin ni Clyde kung nakikita niya akong umiiyak ngayon, palagi na lang akong umiiyak eh. Nakakabwisit din tong mga luha nato. Kahit ano pang gawin ko, kahit ilang beses pa akong umiyak, hindi parin nauubos. Ang iyakin talaga

"Clyde, sana gumising ka na. Gustong gusto na naming makasama ka uli. Yung tipong sabay sabay tayong lahat magkuwentuhan sa Music Room. Tutugtog kami nina Icia,Jas at Azu tapos makikinig naman kayo ng Aces. Nakakamiss din kaya yun. Kaya gumising ka na diyan, palagi ka na lang tulog eh. Nagising na ko, gumising ako para sayo tapos ikaw naman tong natulog. Ang daya daya ng tadhana noh? Nakakainis. Ang bad niya saatin. Gumising ka na. Gumising ka na para saamin, para saakin. Mahal mo ko diba? Huwag mo na yun bawiin! Mahal mo ko. Sinabi mo na yun. Wala ng bawian!", naiiyak kong sabi habang natatawa, pinunasan ko naman ang aking mga luha at tiningnan uli siya

Para na akong ewan dito na iyak ng iyak lang. Salita lang ako ng salita, sana marinig ang lahat ng iyon ni Clyde dahil kung hindi? Sayang na sayang lang ang mga luha at laway ko. At kung nandito sina Lemuel, Kuya Shaun at Kuya Leion pati na rin ang Aces at sina Icia, pagtatawanan lang nila ako ng todo at babatukan ko naman silang lahat para masaya. Pero si Clyde... Tulog parin. Kahit na magtawanan kami sa mga oras na yun, tulog parin siya. Sana magbago yun. Sana magising na siya.

"Ay oo nga pala Clyde. Tingnan mo to", sabi ko na may napakalawak na ngiti sa aking mga labi. Ipinakita ko naman sakaniya ang isang poster na nagsasabing may nalalapit na na concert ang Campus Band ng Jancaster University

"Next week nato. Sayang, gusto ko sanang manood ka pero kailangan mo kasing magpagaling eh, pero huwag kang mag alala. Pakatapos na pakatapos ng concert namin didiretso kaagad dito para marinig mo naman ang tutugtugin namin at marinig mo ang napakaganda kong boses. Oh diba",natatawa kong sabi at inilagay na ang poster sa ibabaw ng lamesa na nasa tabi ng kama ni Clyde

Napangiti naman uli ako at isinandal ang aking ulo sa kaniyang dibdib. Rinig na rinig ko ang tibok niya.

"Please...wake up"

End of Chapter 57

Meeting You (COMPLETED)Where stories live. Discover now