Kabanata 30

157 4 0
                                    

Confession

*Shey's P. O. V*

"Sandali lang suotin mo to", tumaas ang kilay ko ng binigay niya saakin ang isang panyo

"At bakit naman? Ha? ", tanong ko sakanya

"Basta may ipapakita lang ako sayo, surprise yun", sabi niya, inikot ko na lang ang mata ko, kinuha ko yung panyo at tinulongan naman ako ni Clyde na itakip yun sa mga mata ko

Nalaman kong nasa rooftop na kami ng maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin saaking balat at naamoy ko rin ang maalat na simoy ng hangin dahil sa dagat sa ibaba namin

"Wait lang ha? Dito ka lang, huwag kang gumalaw", sabi niya, sinunod ko naman ang utos niya at hindi gumalaw

Now playing: ambon

Tumitigil ang pagikot ng aking
Munting mundo
Kapag nakikita ang iyong ngiting
Kasing liwanag ng
Araw araw ninanais marinig ang
Siyang tumunaw sa pusong giniginaw
Sa lamig ng lumapis

Nakarinig ako ng tugtog at yabag ng mga paa na papunta saakin, inalis ni Clyde ang panyo na nakatakip sa mata ko at nakita ko naman ang isang banig na may mga pagkain sa ibabaw habang napapalibutan ito ng malaking puso na gawa sa mga petals ng rosas at maliliit na pulang kandila

"Ano to?", tanong ko sakanya, imbes na sumagot ngumiti lang siya saakin at hinigit ako sa gitna ng napakalaking puso

"Happy 3rd monthsary my one and only unanong gem freak"


Ngunit kahit magkaharap
Dito ay bumabagyo
Ngunit diyan umaambon lamang


"3rd monthsary natin ngayon? ", di ko makapaniwalang tanong, tumango naman siya at hinawakan ang dalawa kong kamay

"Yup, nakalimutan mo no? "

"He-he-he hindi ah", pagsisinungaling ko, ngumiti naman siya at umuling-iling ng bahagya

Pinaupo niya ako at umupo na rin siya, para kaming nagpipicnic sa ilalim ng malamig na gabi at sa taas naman ay ang napakarami at magagandang bituin

"Oh, kumain ka na", sabi niya at binigay saakin ang isang sandwich, kukunin ko na sana yun pero bigla niyang iniwas saakin

"Akala ko ba gusto mo na akong kumain? ", nakataas-kilay kong tanong sakanya

"Say ahh"

Ako'y nakatayo, sa lilim ng iyong
Yakap at halik, ngunit nalulunod parin
At nangangarap na
Maanggihan man lang ng
Pagibig mong binihag ng mga ulap

"Really Clyde? Really? ", tanong ko sakanya at lalo pang tinaas ang kilay ko, nagpout naman siya, tss... Para siyang bata

"Kakainin mo to o itatapon ko lahat ng to para wala man lang tayong makain miski ni isa? "

"Blackmailer", sabi ko sakanya sabay kain sa pagkain na sinusubo niya

"Ang cute! Hahahahaha", langya, sinubsob ba naman ang buong sandwich sa loob ng bunganga ko, bwisit lang

"Hahahaha, ang! Ang! Pft... Lobong-lobo ang pisngi mo hahahaha", namilog ang mata ko hindi dahil bilog na rin ang pisngi ko kundi ngayon ko lang nakitang tumawa ng ganito si Clyde ng wagas

Meeting You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon