Kabanata 22

162 4 0
                                    

Clyde's POV

F*ck! Bakit ko ba ginawa 'yon?! Why did I kiss her soft cheeks?!

"Yow, Boss Clyde, ano ang nangyari sa 'yo? Bakit hindi ka mapakali riyan?"  tanong sa akin ni Andrew. Nandito kami ngayong pito sa loob ng bar, 'di ko alam kung nasaan ang ugok na Nian na 'yon, siguro may bago na naman siyang chix kaya hindi siya nakapunta rito.

Umupo na ako sa tapat nila at tiningnan sila nang seryoso.

"Hoy, Clyde! Anong tingin 'yan?" tanong sa akin ni Frank, kumunot naman ang mga noo nina Alex at Andrew tsaka nakipagtitigan sa akin. Mukhang binabasa na naman ng mga mokong na 'to kung ano ang iniisip ko.

"Yow, may problema ka ba? Alam mo naman na pwede mong sabihin 'yan sa amin e, tutulungan ka naman naming masolusyonan 'yang problema mo," sabi sa akin ni Fifth tsaka uminom ng alak. Tumungo naman ako. Okay lang ba talaga na sabihin ko sa mga lalaking 'to ang ginawa ko kanina?

"Tungkol ba 'yan sa gang natin, Clyde?" diretsong tanong naman sa akin ni Alex, umiling naman ako at sumandal sa upuan ko.

"Tungkol ba cyan sa Black Satans? Clyde, don't worry, ginagawa ko na ang lahat para mahanap sila," ani Aaron, umiling na naman ako bilang tugon.

"E, tungkol saan?" sabay-sabay na tanong nila, napahilamos na lang ako sa aking mukha.

D*mn it, should I tell them?

"I f*cking kissed her," pag-aamin ko habang nakatakip pa rin ang magkabila kong kamay sa aking mukha.

"Ha?! Sino?!" sabay-sabay din nilang sigaw.

F*ck this! Kailangan ba talaga nilang sumigaw?! Bugbugin ko ang mga pagmumukha ng mga ito e.

Inalis ko na ang kamay ko sa mukha ko at tiningnan sila nang seryoso.

"Clyde, sino 'yung babae!?" tanong ni Andrew.

"Sabihin mo na sa amin, Clyde!" sabat pa ni Johann.

"Oo nga, pabitin ka naman e!" sigaw ni Frank.

Huminga ako nang malalim at sinikmurahan sila kaya tumahimik ang mga mokong.

"Oh ano? Magsasalita na ba ako?" tanong ko sa kanila na may pagbabanta sa aking tono, sabay-sabay namang tumango tumango ang mga ugok.

Natakot.

"I kissed Jeanano on her cheeks," I confessed shyly, tumingin ako sa mga mukha nila at nakita ko ang pagbilog ng kanilang mga mata, nakanganga pa ang mga bunganga nila.

The eff? Ang weird ng mukha ngayon ni Alex, 'di ako sanay na hindi siya nakapokerface ngayon.

"Why are you looking at me like that?" I asked again, their eyes widened even more.

"Sa tingin mo ba, dude, ano ang magiging reaksyon namin kapag nalaman naming hinalikan mo ang Baby Shey shey namin?!" pasigaw na tanong sa akin ni Johann, napatingin naman ako sa kisame na tila ba nag-iisip tsaka tumingin uli sa kanila.

"You'll scream, I guess?" sabi ko at diretsong uminom sa bote ng beer na hawak ko ngayon.

Muntik na akong mabilaukan nang marinig ko ang mga sigawan nila, may iilan din akong narinig na mga mura.

The f*ck with these guys, they're already overacting!

"Tumigil nga kayo riyan! Akala ko ba tutulungan niyo kong masolusyunan ang problema ko?!" pasigaw kong tanong, kumalma naman silang anim at umupo nang maayos.

"Ano ba ang problema r'on?" tanong sa akin ni Fifth, bumuntong-hininga muna ako bago tuluyang sinagot ang tanong niya.

"Paano ko siya haharapin kapag nagkita kami?" tanong ko sa kanila, tumingin naman nang seryoso sa akin si Alex.

"Just act like nothing happened," casual  niyang sabi at sinalpak uli ang earphones sa taenga niya.

Typical Alex.

"Paano ko naman gagawin 'yon?" tanong ko uli, nakita ko naman na parang nagpipigil na sila ng tawa.

Sabi na nga ba e, hindi ko makakausap nang matino ang mga 'to.

"Are you laughing at me, as*hole?!" Tumahimik sila nang marinig ang sigaw ko.

"Alam ko na, bossing, huwag mo na lang siyang pansinin!" suwestiyon naman ni Andrew, tiningnan ko naman siya habang nakakunot ang aking noo.

"Why?"

"Para 'di na kayo masyadong maging awkward, diba malapit na ring mag-three months 'yang deal ninyo?"

Oo nga pala, malapit nang matapos ang deal namin ng unano na 'yon.

Tumango na lang ako bilang sagot at bumukas uli ng isa pang bote ng beer tsaka nilagok iyon.

"Pagkatapos ng deal ninyo. Wala ng pakialaman. As in... poof! Wala na!" Andrew suggested.

Pwede rin, but f*ck! I don't know what to do!

"But why did I kiss her?" naguguluhan kong tanong sa kanila, tiningnan nila ako habang nakangisi habang ako naman ay tinaasan na lang sila ng kilay.

Mukhang may kakaiba na namang naisip ang mga lalaking 'to na sigurado akong hindi ko magugustuhan.

"Mahal mo siya!"

Nabuga ko ang iniinom kong beer sa lahat ng pagmumukha nila.

What the f*ck?!

"What the fuck are you talking about!? ", pasigaw kong tanong, napapokerface na lang sila habang pinupunasan ang kanilang mga mukha.

"Hindi ka naman magkakaganyan kung 'di mo siya gusto e," sabi naman ni Johann.

Napahilamos ako sa mukha ko. I'm f*cking frustrated right now!

"Bibihis muna kami," paalam ni Alex at lumabas na sa VIP room na nasa loob ng bar nina Frank, sumunod rin sa kanya ang ibang Aces.

Sh*t. 'Di ko na alam kung ano ang gagawin ko. Am I really in love with that dwarf?! Pero hindi pwede, hindi siya pwede madamay dito, hindi siya dapat maging sabagal sa mga plano ko.

Shey's POV

Nasa music room kami ngayon, 'di ko alam kung ano ang nangyari pero simula kanina, 'di na ako pinansin ng tyanak na 'yon.

Ano kaya ang nangyari sa lalaki na 'yon? Galit ba siya? At bakit naman siya magagalit?! Ako nga dapat ang may karapatan na magalit e!

Ikaw ba naman ang halikan sa pisngi ng isang tyanak! Tingnan natin kung sino ang 'di magagalit d'on.

Huminga ako nang malalim at umupo sa tabi niya tsaka tiningnan siya nang masama habang siya naman ay 'di man lang ako sinulyapan.

"Hoy Christianak!" tawag ko sa kaniya pero hindi pa rin niya ako nililingon.

"Hoy, ba't mo 'yon ginawa?" tanong ko uli sa kaniya, tiningnan niya ako saglit tsaka inirapan ko.

Napakag*go!

"Hoy! Magsalita ka nga, kapag 'di ka nagsalita papatayin ko ang mga ka-uri mong tyanak!" pagbabanta ko, akala ko magsasalita na siya pero simpleng tango na lang ang iginawad niya.

"Hoy!" sigaw ko pero wala pa rin, niyugyog ko ang balikat niya pero tila bang wala siyang naririnig at parang nasa isa akong dimensyon.

Dedma pa rin talaga ang lalaking 'to, tingnan natin kung kakayanin niya ang kakulitan ko.

Lumapit ako sa taenga niya tsaka sumigaw habang niyuyugyog pa rin ang mga balikat niya.

"F*ck! 'Di ko rin alam kung bakit kita hinalikan, okay?!"

Eh?! Bakit niya sinigaw?!


Meeting You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon