Kabanata 43

130 3 0
                                    

Where are you?

Clyde's P.O.V

"Hindi ko naramdaman na tinuring mo kong kapatid, kahit ni katiting man lang", narinig kong sabi ni Jean at nagsimula ng lumakad papalayo saamin. Sinubukan nina Icia na tawagin si Shey pero hindi na siya lumingon at nagpatuloy na lang sa paglakad at binilisan pa ito

I sighed. Sana pala sinabi na namin sakaniya dati pa, sana hindi na lang namin itinago. Nasira lang ang lahat ng plano namin. The eff

"Clyde, anong gagawin natin?", mahinahon pero may bahid na pag aalala na tanong ni Nian, napatingin ako sakaniya. I sighed for the second time. I dont know what to do.

Napatingin ako kay Lemuel na ngayon ay nakatayo lang habang nakatingin sa papalayong Jean. Agad naman akong lumapit sakaniya at hinawakan ang kaniyang nagkabilang kuwelyo

"Bakit sa harap pa ng maraming tao?! Bakit sa harap mo pa nila sinabi?!", sigaw ko. Ang usapan namin ay sasabihin niya pakatapos ng program o kaya sa pag uwi na lang nila sa bahay nila. The eff. Kumunot ang noo ko nang bigla siyang ngumisi

"Bakit di mo ko pinigilan? Alam kong alam mo na kung ano ang gagawin ko sa oras pa lang na umakyat ako sa stage kanina. Pero bakit di mo ko pinigilan?", sabi niya habang nakangisi, sinuntok ko siya sa mukha, natumba naman siya dahil dun

"Gago!", sigaw ko. Hinawakan naman ako nina Andrew at Johann. Pinunasan naman ni Lemuel ang dumudugo niyang labi. He hissed

"Kung gago ako, mas gago ka. Tandaan mo yan Clyde. Isa kang duwag", matigas niyang sabi at tsaka tumayo at nagsimula ng lumakad papalayo, sumunod naman sakaniya si Shaun. Narinig ko ang mga buntong hininga nila, lumapit naman sina Azu, Jas at Icia saamin at bahagyang tumungo

"Anong gagawin natin? Alam niya na", sabi ni Icia. Umiling naman sina Nian

"Hindi niya pa alam ang lahat, kakaunti pa lang ang alam niya", sabi nito. Bumuntong hininga nanaman ako kaya napatingin sila saakin

"Wala ng kwenta kung itago pa natin sakaniya yung iba, malalaman at malalaman niya rin naman ito, mas mabuti pa kung malaman niya na lang ang lahat. Kahit paunti-unti lang", sabi ko. Tumango naman sila

Bumalik na kami sa loob ng mga kuwarto namin at tsaka kinuha ang aming mga gamit para makauwi na. Nabigla naman kami nang biglang lumapit saamin si Icia at Azu na may pag aalala sa kanilang mga mata

"Anong nangyari sainyo?", tanong ni Fifth. Hingal na hingal rin sila at makikita mo rin ang mga namumuong mga pawis sakanilang mga noo

"Di namin mahanap si Shey. Nilibot na namin ang buong hotel pero di parin namin siya makita", Icia explained. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, napatigil naman kami nang biglang tumakbo papalapit saamin si Jas na galing pa lang sa elevator

"Umalis na raw si Shey", namilog ang mga mata nila dahil sa sinabi ni Jas, tumungo naman ako, medyo inaasahan ko na na mangyayari to. Sa mga nangyari ngayong araw, sa tingin ko ay ayaw niya na muna kaming makausap o kaya makita man lang

"Paano nangyari yun?", tanong ni Azu. Nagkibit-balikat na lang si Jas

"Basta sabi raw nung Hotel staff nauna na raw si Shey na magcheck out", sabi nj Jas. Shit. Sabi nang huwag na munang magpapalabas ng mga participants kapag wala pang permission ko o kaya kapag di pa sila kompleto

Tumungo ako at tumakbo papunta sa loob ng elevator at tsaka pinindot ang ground floor. Pumunta ako sa counter at hinanap yung hotel staff na sinasabi ni Jas

Meeting You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon