Kabanata 19

152 4 0
                                    

Shey's P. O. V.

Hindi... hindi pwede. Hindi ako pwedeng matalo. 

Bumaba na ako sa mini stage habang ang mga tao naman ay patuloy pa rin sa pagpalakpak, babalik na sana ako sa table namin pero nakita kong umalis na papunta sa labas ang walong Alas.

Ano na naman kaya ang gagawin ng mga 'yon?

"Saan pupunta 'yung boys?" narinig kong tanong ni Icia.

"Ewan ko rin," walang pakialam na sabi ni Azu. Hindi na ako nagtanong pa at umupo na tsaka uminom na lang ng juice.

Hindi naman kami umiinom ng mga alcoholic drinks pero sobrang dami ng bote ng beer dito, siguradong ang mga lalaking 'yon ang nag-order nito.

"Bakit parang ang dami ng ininom ng Aces? Diba magda-drive pa sila pauwi?" tanong ko sa kanila.

"You mean the Aces with Jas" sabi ni Azu sabay turo kay Jas na nakasalampak na sa table.

"Anong nangyari? Hindi naman umiinom si Jas ah," tanong ko sa kanilang dalawa ni Icia, nagkibit-balikat na lang din sila bilang tugon.

Hindi ko mapigilan na mapabuntong-hininga habang tinitingnan si Jas.

Patagal nang patagal maraming sikretong hindi sinasabi ang kaibigan kong 'to... mga sikretong dapat kong malaman.

Clyde's P. O. V.

Pumunta kami sa parking lot para bugbugin 'yung mga lalaking

Pagdating namin sa parking lot, nakasandal pa ang mga loko sa mga lokal nilang mga kotse, nagpapaastig pa ang mga mokong.

"Tamang-tama nangangati pa na—loko 'to ah!"

Magsalita na sana 'yung isa sa kanila pero sinuntok ko na siya.

"Stop this f*cking chit chat, let's get this over with, I got a lot of things to do," I said and punched these ugly goons.

Sumunod na rin naman ang mga Aces at mabilis pa sa alas kwatro, napatumba na kaagad namin ang unggoy.

"Anong gang kayo?" tanong ni Andrew habang hinuhunat ang mga kamay niya,  hindi naman sila sumagot.

Bugbog na bugbog na ang mga mukha nila, dumudugo na at puno na ng mga pasa. Malakas pa naman kami ngayon dahil nakatikim ng alak kaya kawawa talaga sila.

"Gusto niyo bang matuluyan?!" Frank shouted. Nakita kong nasindak sila sa biglang pagtaas ng boses ng katabi ko, marunong din naman palang matakot ang mga pangit na 'to.

"H-Hindi namin alam."

"Myembro kayo ng gang na sinalihan ninyo pero 'di niyo alam ang pangalan?! Ano 'to, lokohan?!" sigaw ni Johann, nakita ko naman na parang nagpipigil na ng tawa sina Nian at Fifth.

"Hoy! Ano ang tinatawanan niyong dalawa?" tanong naman nina Andrew, Johann at Frank doon sa dalawa.

"D*mn! Bro, tama na! Hindi kayo bagay maging Clyde!" sigaw ni Nian na naging dahilan kung bakit kumunot ang noo ko.

Ano na naman ang mga kalokohan na inaatupag ng mga mokong na 'to?

"Hindi kayo bagay maging next leader ng Aces!" dagdag pa ni Fifth, sumimangot naman ang mga mokong.

"Magaling kaya kaming mag acting," sabi ni Andrew tsaka tumungo.

"Oo nga! Feeling ko nga pwede na kaming maging artista sa MMK eh!" dagdag pa ni Frank.

F*ck. What the hell are they talking about?

"I agree! Ang galing kaya namin. Diba, Aaron? Alex?" tanong ni Johann at sinabayan pa ng tang*nang puppy eyes niya.

Meeting You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon