Kabanata 21

156 5 0
                                    

Shey's POV

P*nyeta talaga ang lalaki na 'yon! Ano ba ang pinaggagawa no'n?! Naka-drugs ba 'yon?! Gusto niya bang mabugbog?

Swear, bubugbugin ko talaga ang tyanak na mukha niya kapag nakita ko siya. Ipapagahasa ko 'yon sa sampung baklang kapre kahit alam kong walang papatol sa tyanak nuyang mukha.

"Welcome home, baby!" bungad sa 'kin ni Mommy pagpasok ko ng bahay, kasama niya si Manang Tess na kasambahay namin, inuturing na rin namin siyang pamilya dahil kapag wala si Mommy, siya ang nag-aalaga sa 'min ni Kuya.

"Salamat po, Mommy. Salamat din po, Manang Tess," sabi ko at nagbeso sa kanilang dalawa, ngumiti naman sa 'kin si Manang Tess.

"Gusto mo bang ipagtimpla kita ng gatas?" tanong niya sa 'kin

"Opo, Manang, pakidala na lang po sa kwarto ko, d'on ko na po iinumin. Medyo pagod na rin po kasi ako at marami pa po akong gagawin na assignments," saad ko, tumango naman si Manang bilang tugon at pumunta na sa kusina.

Aakyat na sana ako papunta sa kwarto ko pero bigla akong natigilan.

Sh*t, 'di ko inaasahan 'to. Bakit nasa harapan ko ngayon ang taong kinasusuklaman ko nang sobra?

"Ano ba naman 'yan, hon! Bakit ka lumabas kaagad? Dapat mamaya ka pa lumabas para masurprise si baby sa pag-uwi mo!" sabi ni Mommy tsaka lumapit kay Papa, umakbay naman ito sa kaniya.

"Oh, Baby Rylle? 'Di mo ba ako yayakapin?" tanong niya sa akin, I hate this thing. I hate him. I hate the way he looks at me. I hate the times that he calls me Rylle, but I have no choice.

Ngumiti na lang ako at niyakap siya, ayokong mahalata ni Mommy na ayoko sa taong 'to.

"Welcome home, Pa, aakyat na po ako sa room ko, pagod na pagod na kasi ako at marami pa akong gagawin para sa school," paalam ko sa kan'ya, 'di ko na hinintay na sumagot siya at kumalas na sa yakap tsaka nagsimula nang umakyat papunta sa kwarto ko.

"Hindi ka ba kakain, anak?" tanong sa 'kin ni Mommy, umiling naman ako.

"Busog pa po ako, Mommy," sabi ko kahit ang totoo naman ay gutom na gutom na talaga ako.

Hindi ko na kasi kaya makipagplastikan sa taong 'yon.

Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa sila at pumasok na sa kwarto ko. Nilapag ko na sa kama ang bag ko, hihiga na rin sana ko pero biglang bumukas ang pintuan kaya napalingon ako rito para malaman kung sino 'yung pumasok.

"Oh, Kuya? Ano ang kailangan mo?" tanong ko sa kaniya, umupo naman siya sa kama habang ako naman ay tuluyan nang nakahiga.

"Wala naman, kumusta ang pakikitungo mo sa lalaki na 'yon?" tanong niya sa akin, umupo ako tsaka huminga nang malalim.

"Ayon, nakikipagplastikan pa rin. Ang hirap nga e, dapat kasi 'di mahalata ni Mommy na ayaw ko sa kaniya," sagot ko, nakita kong napangiti na lang siya tsaka mahinang tinapik ang ulo ko.

"Pasensya na, little sis, nadamay pa kita rito. Dapat pala 'di ko na hinayaang malaman mo 'to noon," saad niya, kitang-kita ko ang pagsisisi sa kaniyang mga mata.

Binigyan ko siya ng isang napakatamis na ngiti, 'yung ngiting malalaman niya na okay lang ako sa mga nalaman ko noon para malaman niyang hindi ko pinagsisisihan ang lahat.

"Ano ba naman 'yan, Kuya! Ikaw talaga, tapos ano? Ikaw lang ang makakaalam? Ang daya mo naman 'ata niyan, tayo na nga lang ang magkapatid tapos tatago pa tayo ng mga sikreto sa isa't-isa", sabi ko, nakita ko naman na parang nabigla si Kuya dahil sa sinabi ko, pero ngumiti naman siya pagkatapos.

Meeting You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon