Kabanata 14

192 8 0
                                    

Shey's P. O. V

Nandito na kami ngayon sa loob ng kotse at nagmamaneho na nga si Christianak papunta sa 'di ko alam kung saan.

"Hoy, saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya, tumingin naman siya sa akin saglit at ibinalik na ang kaniyang atensyon sa dinadaanan namin. Bastos.

"Hindi naman ito yung daan papunta sa bahay namin eh, saan mo ba ako dadalhin?! Teka, alam mo ba kung nasaan ang bahay namin?" tanong ko sa kaniya no'ng napantanto kong hindi niya talaga ako idadala sa bahay namin.

"Hindi, may date nga tayo." Letse naman 'tong lalaki na'to eh. Bahala na nga siya, pero sabagay, gutom na rin naman kasi ako. Siguradong sa mamahaling restaurant ang pupuntahan namin ngayon, gusto kong matikman ang iba't- ibang masasarap na pagkain doon!

"Saan tayo kakain? Sa japanese restaurant ba? Italian restaurant? Chinese restaurant?" pasunod-sunod kong tanong. Excited na ako!

"No, sa amusement park."

Nevermind na lang.

"Uuwi na ako," sabi ko sa kaniya. Mayaman na mayaman kaya ang isang 'to. Kaya niyang bumili ng limang kotse gamit ang allowance niya tapos sa amusement park lang naman pala ang takbo naming dalawa? Kuripot to the max.

"Ayoko nga, may gusto kasi akong subukan doon." Napahinga na lang ako nang malalim dahil sa sinabi niya. May choice pa ba ako?

"Sige na nga," sagot ko sa kaniya, gutom na gutom na kasi talaga ako eh. Parang nag-aaway na ang mga intestines sa loob ng tiyan ko. Mabuti nga at hindi pa tumutunong.

Jas' P. O. V

Nandito na kami ngayon sa quadrangle, sina Clyde at Shey ay umalis na. Bahala na rin yung dalawang 'yon, okay rin kami kung magkatuluyan ang dalawang 'yon. Huwag lang saktan ni Clyde si Shey dahil patay talaga siya sa amin.

"My labs, tara, uwi na tayo," sabi ni Nian, Ngumiti na lang si Icia sa kaniya bilang tugon. Sa totoo lang? 'Di niya ba nahahalata na ayaw ni Icia sa kaniya?

"Teka lang," wika ni Icia, ngumuso naman si Nian at tumingin sa akin habang ako naman ay naka-pokerface lang.

"Nakita niyo ba si Clyde?", pinagpapawisan na tanong ni Johann. Ano ang nangyari sa kaniya? 'Di naman dito mainit ah.

"Umalis na," sagot ni Azu.

"Si Shey?" sunod naman na tanong ni Andrew.

"Kasama niya," sagot ko naman. Tumango na lang sila at umalis na. Kami na lang nina Nian, Azu, at Icia ang natitira rito.

"Pupunta na ako doon sa waiting shed sa may parking lot, doon daw kasi ako susunduin," paalam ni Azu at umalis na, nagpaalam na rin kaming lahat sa kaniya.

"Tara, uwi na tayo," nakabusangot na sabi ni Nian, 'di parin pala nagbago ang lalaki na'to. Siya pa rin pala ang Nian na mainipin at babaero.

"Ah sige wait. Jas, magje-jeep ka lang ba?" tanong sa akin ni Icia, tumango naman ako. 'Di na kasi ako nagpapasundo sa parents ko para 'di ko na sila maabala. Nakaka-guilty naman kasi, pagod na sila sa trabaho tapos magpapasundo pa ako? Naks, wala eh, ang bait ko kasi talagang anak.

"Sama ka na sa amin ni Nian," sabi niya at tumingin kay Nian habang nakangiti nang napakalawak, namilog naman ang mata namin ni Nian dahil sa biglang pagdesisyon ni Icia.

"No! Hindi ako papayag! Never!" OA na sagot ni Nian.

"Mas gusto ko pang sumakay sa jeep at gumastos ng pamasahe keysa sa makasama ang pangit na manyak na 'yan."

"Sinong pangit ang sinasabi mo?! Tanggap ko pa sana yung manyak pero hinding hindi ko matatanggap ang salitang pangit! Isulat mo pa yan sa bato!" sigaw niya. Parang ewan, siya lang naman ang nakakaalam na gwapo siya. Ang hangin talaga.

"Akala ko itatak mo pa sa bato 'yon?" inosenteng tanong ni Icia.

"Isulat na lang natin, kawawa naman yung bato kapag tinatak mo pa, masasaktan siya nang sobra." The h*ck? Humugot ba naman ang playboy na'to? 'Di bagay!

"Kung ayaw mong manakit edi sana mas naging maingat ka sa mga sinsabi mo, huwag kang magpadalos-dalos dahil baka makasakit ka ng ibang tao, isipin mo rin ang mararamdaman ng tao na 'yon, hindi yung sariling kasiyahan mo lang ang iniisip mo," sabi ko sa kaniya habang diretsong nakatingin sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung totoo o namamalik-mata lang ako, nakita ko kasi ang lungkot at sakit sa mga mata niya na para bang nagsisisi siya sa mga ginawa niya noon, pero sigurado akong namamalik-mata lang ako, inirapan niya ako pakatapos eh.

Baklang pangit na manyak talaga 'to.

"Jas, sama ka na sa amin," nagmamakaawang sabi ni Icia. Paano ba ako makakatanggi dito sa babaeng 'to?

"Fine," sabi ko. Namilog naman ang mga mata ni Nian na halatang gulat na gulat. Matanggal sana ang mga mata ng lalaking 'to.

"What the f*ck?" saad niya. Inirapan ko na lang siya

"Yes! Sasabay na sa atin si Jas! Tara na!" sigaw ni Icia tsaka tumalon-talon pa at hinila na nga kami ni Nian papunta sa parking lot. Fudge, lumabas na naman ang pagiging childish niya.

Ito ang gusto ko kay Icia, palagi lang siyang nakangiti. She's innocent and sweet, and I won't let Nian hurt her. Hindi deserve ni Icia na masaktan dahil lang sa isang lalaki na napakawalang kwenta pagdating sa mga babae.

Clyde 's P. O. V

Nakarating na rin kami sa park ng 5:00 pm. Eksakto. Makikita namin ang fireworks display mamayang 7: 00 pm.

"Tara, Clyde!" sigaw ni Jeanano sabay hatak sa akin, tumigil naman ako kaya napatigil din naman siya.

"Did you just call me Clyde?" tanong ko habang may ngisi sa aking mga labi. Namilog naman ang kaniyang mapupungay na mga mata at itinakip ang dalawa niyang kamay sa harap ng kaniyang mga labi. Ang cute niya talaga kahit sa anong anggulo.

"Hindi! Mali ka lang ng dinig! Tara na nga, gusto ko nang sumakay sa mga rides!" sigaw niya sabay hatak na naman sa akin.

What's with this girl? Kung ibang babae ang humahatak sa akin ngayon especially without my permission, susuntukin ko na 'yon, but why am I letting this dwarf drag me? F*ck, Clyde. You're overthinking again.

° ° °

"Pagod na pagod na ako!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Jeanano habang linalantakan ang tatlong large fries, dalawang burger, dalawang sandwich, at isang extra large na coke. Patay gutom na unano, bakit ba hindi lumalaki 'to?

"Dahan-dahan nga, 'di ka naman mauubusan ng pagkain. You look like a freaking piglet," sabi ko sa kaniya, binelatan niya na lang ako. What a childish way to respond.

"Mabulunan ka sana." Parehas lang sila ng kaibigan niyang si Azu. Parehong brutal.

Nandito kami ngayon sa isang bench sa medyo mataas na parte ng amusement park. Pakalipas ng ilang minuto, nagsimula na rin namang magsilabasan ang mga fireworks at kasabay nito ang napakagandang tugtog na galing sa nakapalibot na speakers sa amusement park. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng isip ko ngayon, but this is quite romantic.

What the f*ck am I thinking?!

Meeting You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon