Kabanata 45

137 7 0
                                    

Wake up

Frank's P.O.V

"I finally found Shey", namilog ang mata ko dahil sa sinabi niya. Shit. I cant believe it

"What the fuck. Asan siya?", tanong naman ni Andrew. Di naman sumagot si Aaron at nagpatuloy na lang sa pagpindot sa keyboard ng laptop niya

"Hoy Gago to. Tinatanong eh", dagdag ni Andrew nang hindi siya sinagot ni Aaron. Napakunot na lang ang noo ni Aaron at tsaka tumingin saaming lahat

"Na detect ko na kung nasaan si Shey. I tracked her phone", seryosong sabi niya. Pinakita niya naman saamin ang kaptop niya, kumunot ang noo namin nang napantanto namin kung saan ang lugar na yun

"The fuck?!"

Shaun's P.O.V

Pumunta na ako sa condo ni Lemuel para kamustahin siya. Alam kong may mga mali rin akong ginawa pero hindi ko na lang pwedeng pabayaan ang kapatid ko. Halos magkasing edad lang sila ni Shey kaya ako parin ang mas matanda sakaniya.

"Lemuel?", tawag ko nang makapasok ako sa kuwarto niya. Nakita ko naman na lumabas siya galing sa kaniyang walk in closet na bihis na bihis

"Oh kuya? Bakit ka nandito?", tanong niya habang may mga ngisi sakaniyang mga labi. I glared at him

"Stop calling me kuya", i demanded. Umiling na lang siya at nagsimula ng ayusin ang kaniyang itim na buhok

"Nga pala Shaun. Binuwag ko na yung gang", kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Umupo ako sa kaniyang kama at pinagmasdan ang kaniyang maayos at malinis na mga gamit

"Bakit mo yun ginawa? Alam mo na ang alam ni Clyde na pumatay sa Mama niya ay ang gang. Paano na lang kung nalaman niyang buwag na ito?", tanong ko sakaniya na may pag aalala saaking mga mata. Bumuntong hininga naman siya at tsaka sumandal sa pader

"Hayaan na nating malaman niya ang lahat. Hindi naman talaga ang gang natin yung pumatay sa mama niya eh, sadyang nadamay lang tayo", matigas na sabi niya, napatungo na lang ako. Di ko na siya kokontrahin, alam ko na rin naman kasi na iyon ang tama. Na iyon ang dapay na gawin. Na iyon ang dapat na mangyari. Sana lang matapos na tong lahat at maibalik na ang dati, yung walang gulo

Pero kahit anong gawin ko ay alam kong hindi na maibabalik ang dati. Hinding hindi na

"Saan nga pala ang punta mo? Bat parang bihis na bihis ka?", i asked, trying to change the topic. Umiling na lang siya at tsaka inayos ang kaniyang buhok at damit

"May date ka no?", i asked with a grin written on my handsome face. Napakunot naman ang noo niya at tsaka tumingin saakin habang bahagyang natatawa

"Ano ba kuya. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala sa vocabulary ko ang pakikipagdate na yan?", pagdedepensa niya naman. Umiling na lang ako habang natatawa at humiga sakaniyang kama

"Bakla ka siguro"

"Gago", sabi niya sabay sipa saakin kaya nahulog ako sa ibabaw ng kaniyang kama. Tinawanan niya naman ako habang ako naman ay sumandal na lang sa kaniyang kama

"Wala kang modo ah. Kuya mo kaya ako", sabi ko, natawa na lang siya ng bahagya, natawa na rin ako. I cant believe that i said that. I looked down, i wish Shey was here

"Asan na kaya si Shey no?", tanong ko, naramdaman ko naman na tiningnan ako ni Lemuel. He sighed

"Hahanapin ko siya. Pangako", matigas niyang sabi habang nakatungo at nakakuyom ang kaniyang kamao. I sighed and smiled. He's just a year older from Shey but he acts like he's already in my age

"Goodluck and aabangan ko yan ah? Syempre tutulong rin ako. Hindi pwedeng hindi",seryoso kong sabi at tsaka humiga uli sa ibabaw ng kaniyang kama

"Aalis na muna ako kuya, may kailangan talaga akong puntahan eh", sabi niya at tsaka kinuha ang susi ng kaniyang kotse sa ibabaw ng study table niya.

"Sama ako", i suggested. Umiling na lang siya at umalis na sa kaniyang kuwarto. Napailing iling na lang ako dahil sa kaniyang ginawa. Eto ang isa sa mga dahilan kung bakit di ko kayang iwanan ang isa kong kapatid. Minsan kasi mas mature siyang gumalaw at umisip keysa saakin

Tumayo naman ako at pumunta sa balcony. Napatingin ako sa mga bituin na nasa langit. Ang ganda ng mga ito. Huminga ako ng malalim

"Where are you Shey?"

Lemuel's P. O.V

Ni park ko ang aking kotse sa parking lot ng aming hospital. Pinatayo kasi ito nina Mommy pero ako na muna ang naghahandle nito habang nasa Japan siya

Pumasok na ako sa loob. Sinalubong naman ako ng isang nurse na ni assign ko na bumantay sakaniya

"Kamusta siya?",i asked.

"Okey na po siya Sir pero di parin po siya gumigising but stable na po ang kalagayan niya", she reported. I nodded. Pumasok naman ako sa loob ng elevator at pinindot ang third floor

Lumabas na ako rito nang narinig ko na ang tunog nung elevator. Tumapat ako sa VIP room#416. Merong nakabantay na dalawang guard sa labas ng pintuan, sa loob naman ay apat na guard, isang nurse at isa sa mga helper namin sa bahay. Mas gusto ko kasing sa condo na lang ako tumuloy para walang makaistorbo sa mga ginagawa ko at tsaka mas malapit ang condo ko sa school

"How is she?", tanong ko sa nurse habang tinuturukan niya ng antibiotics ang swero ni Shey

"Okey na po siya Sir Lemuel. Kailangan na lang pong ipatuloy ang pagbibigay ng gamot sakaniya", she explained. I nodded.

"Sir. Kape po", tawag saakin ni Manang, ngumiti na lang ako sakaniya at tsaka tumango

"Pakilagay na lang po jan Manang sa table", sabi ko. Tumango naman siya at inilagay ang kape sa ibabaw ng maliit na lamesa sa loob ng kuwarto

"Pwede muna po kayong lumabas? Gusto ko muna kasing mapag isa muna kami ng kapatid ko", sabi ko. Tumango naman ang nurse at si Manang at tsaka lumabas, habang ang apat na guards namab ay nanatili sa loob

"Guards its okey. Wala naman atang susugod dito at kung meron man, i can kill them",matigas kong sabi. Nagbow naman silang apat at lumabas na. Umupo ako sa kama, katabi ni Shey

"Kamusta ka na? Dont worry, okey na raw ang kalagayan mo",i said. Fuck. Aaminin ko. I look stupid because of this but ito raw ang best way para mas mabilis magising si Shey. Na palagi siyang kausapin ng mga taong mahal niya. But the shitty thing is this girl hates me. Napailing iling na lang ako habang nakangiti. This girl really is something

Mag iisang linggo na siyang nacomatose. Di ko alam kung ano talaga ang nangyari, bigla na lang na may nagreport saakin na nandito siya sa hospital. Naaksidente raw ang sinasakyan niyang taxi, natagpuan ito sa baba ng isang tulay. Nagalit ako ng todo nang malaman ko ito, tinanong ko kung nasaan ba ang driver ng taxi pero di raw nila nakita kaya ngayon ay pinapahanap ko pa. Ill kick his ass

Pinili ko namang huwag na munang sabihin sakanilam. Gusto ko muna kasing makapagpahinga si Shey at mailayo sa gulo

Inayos ko ang buhok niya. I smiled. So this is how it feels. Ganito pala ang pakiramdam na magkaroon ng kapatid na babae. May kuya naman ako pero kasama siya ni Mommy sa Japan. I smiled again and looked at her

"Please fight Shey. Please wake up"

End of Chapter 45

Author's note:

Mabilis lang to. Thank you Nao, a.k.a Chitozzzz sa pagsupport saakin♥ labyuu

Syempre thank you rin sa ibang readers ko rito, kung meron man. Labyuu rin♥♥ sana magsama tayo lahat ng matagal

Meeting You (COMPLETED)Where stories live. Discover now