Kabanata 44

128 3 0
                                    

Found

Clyde's P.O.V

Napahilamos ako sa aking mukha, nandito kami ngayon sa loob ng bar. Hindi parin namin nahahanap si Shey, halos isang linggo na siyang nawawala. The eff, di ko na alam kung ano ang gagawin ko

"Clyde, mahahanap rin natin siya. Hinahanap na siya ng mga pulis, huwag kang mag alala",sabi saakin ni Fifth. I sighed. Ginagawa ko na ang lahat para mahanap siya pero bakit ganun? Hanggat ngayon ay hindi ko parin siya nakikita? Saan ba siya pumunta? Okey lang kaya siya?

"Clyde. Dont worry too much", sabi ni Alex at tinapik tapik ang balikat ko. I looked at him. Alam kong nag aalala na rin siya sakaniya pero hindi niya lang pinapakita. Fuck. Saan ba pumunta ang babae na yun?

Hindi nagtagal ay napagdesisyunan ko ng lumabas sa bar at umuwi. Pagkapasok ko sa loob ay napasandal ako sa steering wheel ng kotse

This is all my fault. My fucking fault. Kung padahan dahan ko na lang na sinabi sakaniya at ipaalam ang lahat ng to ay hindi na sana nangyari to. Kung hindi ko na sana ginawa ang lahat ng yun edi sana hindi siya nawawala ngayon. The eff. Napatingin ako sa bintana nang may kumatok dito, binuksan ko naman yun at nakita ko si Shaun

Pinapasok ko siya sa loob, umupo naman siya sa passenger seat. Narinig ko ang mga buntong hininga niya, hindi ko naman siya masisisi. Kapatid niya ang nawawala dito

"Kumusta ka na?", tanong niya saakin, napailing na lang ako at napahilamos uli sa aking mukha.

"This is all my fault Shaun. Kung hindi ko na sana itinago sakaniya ang lahat. Kung sinabi ko na sakaniya noon pa. Kung hindi ko tinago ang lahat ng to ay hindi sana to mangyayari ngayon. Hindi sana siya nawawala", diretso kong sabi. Naramdaman ko naman ang mga kamay niya sa aking balikat.

"Huwag mong saluhin ang lahat Clyde. Lahat tayo dito ay may kasalanan kaya kailangan natin itong itama", sagot niya. Napatango na lang ako ng kaunti

"Bakit ka nga pala nandito?", tanong ko sakaniya. Narinig ko naman ang kaniyang buntong hininga. Alam kong malungkot siya ngayon. Kilala ko na ang lalakeng to kasi naging kalaro ko siya noong bata pa ako dahil schoolmate ko siya noong highschool pati ngayong college.

"Inaalala ko si Lemuel. Baka di niya mapigilan ang sarili niya", kumunot ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi. Hindi pwede

"Delikado. Baka lalo lang mabigla si Shey kapag sinabi niya na ang lahat sakaniya", paliwanag ko. Narinig ko nanaman ang kaniyang buntong hininga. Napailing-iling na lang ako

"Hindi si Shey ang inaalala ko lalo Clyde. Kundi ikaw. Marami siyang alam. Maraming alam si Lemuel tungkol saatin. Lalo na sayo Clyde at sa pamilya mo. Delikado siyang tao, kailangan mo siyang iwasan at iba pang black satans. Alam kong wala akong karapatan na sabihin to sayo ngayon pero sana pag isipan mo tong lahat Clyde. Mag ingat ka", narinig kong sabi niya. Napabuntong hininga na lang ako

"Salamat Shaun. Huwag kang mag alala, gagawin ko ang lahat para lang mahanap si Shey", paninigurado ko sakaniya. Ngumiti naman siya at tumango at tsaka tinapik ulit ang balikat ko

"Aalis na ako. May kailangan pa akong ayusin. Huwag kang mag alala, tutulungan kitang hanapin si Shey, kapatid ko yun eh", napangiti na lang ako. Tumango na lang siya at tsaka lumabas sa kotse

Pinaandar ko na rin yung kotse ko at tsaka nagsimula ng magmaneho papunta sa bahay

Nang makarating ako sa bahay ay sumalubong naman kaagad saakin ang kapatid kong si Cyrille

"Kuya! San ka galing?", tanong niya habang binubuhat ko siya. Hinalikan ko naman siya sa kaniyang pisngi

"May pinuntahan lang si kuya, okey? Pumasok ka na sa kuwarto mo at magpapahinga na si Kuya, masyado kasi akong pagod. Pasensya na ha?", sabi ko, ngumuso nama siya bigla. Hinalikan ko ulit siya sa pisngi at tsaka ibinaba siya. Tumango naman si Cyrille habang may nga ngiti sakaniyang maliliit na labi

"Matulog ka na kuya ha? Alam kong pagod ka na kakahanap sa girlfriend mo kaya ka uminom sa bar kasama sina kuya Nian diba?", sabi niya habang nakataas ang kaniyang isang kilay. Lumapit ako sakaniya at ginulo ang kaniyang buhok

"Ikaw talagang bata ka. Hindi ko pa girlfriend si Shey okey? Tumutulong lang ako sa paghanap sakaniya kasi kaibigan ko siya. Tsaka kaunti lang naman ang ininom ko", sabi ko. Umiling iling na lang siya

"Basta magpahinga ka na kuya. Bye bye. Pupunta na ako sa kuwarto ko", nakangiting sabi ni Cyrille at nagsimula ng tumakbo papunta sa kuwarto niya

Pumunta na rin ako sa aking kuwarto, kumunot naman ang noo ko nang nakita ko ang mga nagkalat na bote sa sahig. Pinulot ko naman iyon at tsaka inilagay sa basurahan. Hindi ko kailangan ang mga yun. Sagabal lang yun sa buhay ko

Frank's P.O.V

Napailing-iling na lang ako nang unalis na si Clyde sa loob ng bar. Ano nanaman ba ang pinag iisip ng lalakeng to?

"Nakita mo ba kung paano nanaman kumilos si Clyde?", tanong saakin ni Fifth. Tumango na lang ako. Iba nanaman kasi ang mga kilos ni Clyde. Akala ko nakalimutan niya na ang nangyari noon pero hindi pa pala

Sabagay, sino ba naman ang makakalimot ng ganung pangyayari? Isang madugong pangyayari ang nangyari noon. Imposibleng makakalimutan niya kaagad yun.

"Gusto mo bang dalawin at daanan natin siya mamaya?", tanong naman ni Andrew. Napatingin naman kaming lahat kay Alex nang bigla itong umiling

"Hayaan mong siya ang gumawa ng paraan", seryosong sabi ni Alex. Napabuntong hininga naman kaming lahat ,tama si Alex. Dapat pabayaan muna natin siya. Siya lang naman ang tuluyang makakahanap ng paraan sa mga nangyayari sakaniya

"Pero dapat natin siyang tulungan", sabi ni Nian. Narinig ko naman ang buntong hininga ng katabi ko na si Aaron. Nakatingin nanaman siya sa dala niyang laptop habang umiinom parin ng inorder niyang beer

"Masama to. Paano pag nalaman ng ibang tao ang kondisyon ni Clyde? Anong gagawin natin?", tanong niya. Napatungo kami. Di namin alam kung ano ang gagawin sa totoo lang. Palala ng palala ang sitwasyon at alam namin na sa madaling panahon ay malalaman na rin ito ng ibang tao

"Sa tingin niyo anong mangyayari kapag nalaman ni Shey ang lahat? Ang lahat-lahat ? Alam natin na malapit na malapit na si Shey sa katotohanan", dagdag pang tanong ni Johann

"Sa tingin mo ba patuloy parin na mamahalin ni Shey si Clyde? I mean, magugustuhan parin ba ni Shey si Clyde pakatapos niyang malaman ang totoong mga nangyari?", tanong ko. Baka kasi umiba na ang tingin ni Shey kay Clyde kapag nalaman niya ang lahat.

"Di naman ata iiwasan ni Shey si Clyde. Oo, mabibigla siya pero iba siya eh. Alam nating iba siya sa mga babaeng nakilala natin noon, knowing her... I think she'll continue loving Clyde whatever it takes. At malay ba natin, si Shey na pala ang babaeng makakatulong kay Clyde", depensa naman ni Alex. I smiled. Tama siya. Iba naman talaga si Shey sa mga babaeng nakilala namin

Napatingin kami kay Aaron nang bigla niyang nabuga ang kaniyang iniinom na beer habang nakakunot ang kaniyang noo at tutok na tutok na nakatingin sakaniyang laptop. Kumunot naman ang noo ko at tinapik siya sa kaniyang balikat kaya napatingin siya saakin. Namilog ang kaniyang mapupungay na mga mata, anong nangyari dito? Ngayon ko lang nakita ang ganitong ekspresyon niya eh

"Anong nangyari sayo? Ba't ka nagkaganiyan bigla bigla? May problema ba?",tanong ko sakaniya

"I found her. I finally found Shey"

End of Chapter 44

Author's Note:.
Hi readears. Medyo bibilis-bilisan ko na yung story nato. Masakit man sabihin dahil one year ko na rin tong ginagawa. But, masasabi ko naman na magiging worth it ang ending. Thank you sa pananatili sa tabi ko hanggang ngayon, di ko pa naman tatapusin kaagad to. Thank you talaga. Godbless♥♥

Meeting You (COMPLETED)Where stories live. Discover now