Kabanata 34

152 3 0
                                    

Announcement

*Shey's P. O. V*

Minulat ko ang mga mata ko, ang bigat sa pakiramdam nito,paniguradong magmumukha akong panda nito, haist. Bumangon ako at tumingin sa salamin at hindi nga ako nagkamali. Sobrang mugto ng mata ko, tinapik-tapik ko ang dalawa kong pisngi at tiningnan ng diretso ang aking mga mata sa salamin

"Kaya mo to. Diba sabi mo magiging okey ka na?",sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin, aaminin ko...mukha akong tang dahil sa mga pinag gagawa ko, naligo ko at linagyan ng kaunting foundation ang aking namumugtong ng mata para hindi masyadong mahalata na umiyak ako

Lumabas ako sa kuwarto at nakita ko sina Jas sa tapat ng pintuan ko, namilog naman ang mga mata nila, habang ako naman ay pilit na ngumiti

"Magandang umaga",bati ko sakanila, namilog naman ang mga mata nila dahil sa ginawa ko, napatawa na lang ako ng kaunti dahil dun, sa totoo lang naninibago ako sa mga pinagkililos nila ngayon

"Oh? Anong nangyari sainyo? Para kayong nakakita ng multo eh",sabi ko sakanila, nagkatinginan naman silang tatlo at ngumiti

"Tara, punta na tayo sa baba para mag breakfast,lalo ka na Shey, vocalist ka pa naman at di ka pa kumain kagabi,baka maapektuhan ang boses mo",pagsesermon saakin ni Azu

"Oo na po, tara na sa baba't magalmusal",sabi ko, lalabas na sana kami ng marinig kong magsalita si Jas

"Shey, okey ka la-"

"Ano ba naman yan Jas, i told you im okey, you don't have to worry about me, you'll just waste your time",i cutted her off, kailangan ko ng maging malakas para saakin at para na rin sa mga tao na nasa paligid ko

"Oh siya... Tara na",sabi ni Azu at lumabas na, sumunod na rin kami sakaniya,napadaan kami sa kuwarto nina Clyde, alam kong sabi kong ayoko ng masaktan pero kusa na lang na huminto ang mga paa ko sa tapat ng pintuan nila

"Shey, let's go"

"I-Icia?",nabigla ako ng marinig ko ang boses ni Icia sa tabi ko, ngumiti naman siya saakin at hinigit ako

"Tara na, sabay na tayong bumaba",sabi niya habang higit-higit ako, tumango na lang ako kahit alam kong di niya naman ako makikita dahil nakatalikod na siya saakin, pumasok na kami sa elevator at pinindot ang ground floor dahil dun lahat kakain ang mga participants

"Shey... Hindi mo na dapat gawin yun. Mas masasaktan ka lang",napatingin ako kay Icia at nakita ko naman siyang nakatingin saakin ng seryoso, sa totoo lang di ko na kilala ang taong katabi ko ngayon, parang hindi na siya yung Icia na kilala ko

"Alam ko, kaya nga di ko na tinuloy",sabi ko, nakita ko naman na nag smirk siya, a stranger is infront of me now... Di ko na nakikita ang dating Icia sakaniya

Lumapit siya sa may taenga ko, mga hininga lang namin ang maririnig mo sa loob ng elevator

"Sigurado ka bang di mo planong tuluyin ang gagawin mo?",bulong niya, tumindig ang mga balahibo ko dahil sa mga sinsasabi ko sakaniya, nabalot kami ng katahimikan hangga't narinig na namin ang tunog ng elevator

"Basta tandaan mo Shey ah, kahit anong mangyari... Alam kong babalik tayong lahat sa dwati", sabi niya at lumabas na sa elevator, naiwan akong nakatulala, di ko alam kung ano ang gagawin ko at di ko na rin alam kung ano ang dapat na maramdaman ko

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na kinakaladkad ni Fifth papunta sa kinakainan namin

"Fifth?",tawag ko sakaniya, liningon niya naman ako at nginitian

"Kanina ka ta tulala, mabuti nga private elevator yang nasakyan niyo, nakita lang kita sa loob niyan at hindi gumagalaw, kanina pa kita tinatawag pero parang di mo naman ako naririnig",panimula niya at hininto ang pagkakaladkad saakin at hinawakan ang dalawa kong balikat at tsaka tiningnan ako diretso sa aking mga mata

"Magiging okey lang ang lahat...huwag kang mag alala, magtiwala ka lang saamin, alam kong mahirap ang sitwasyon mo ngayon but please understand",sabi niya, napangiti na lang ako at napaluha, nakakainis... Bakit nga ba ako nagkakaganito? Parang masyado naman akong mababaw, tatlong buwan ko pa lang naman siyang nakilala kaya dapat di ko siya iyakan ng ganito, i really am stupid

Naramdaman kong pinunasan niya ang mga luha ko, yinakap niya ako at hinagod- hagod ang aking likod

"Shh...you know we don't want to see our baby cry, so please cheer up",narinig kong bulong niya, ilang sigundo rin kaming ganun ang posisyon, pinunasan ko ang mga luha ko, nakakahiya, dito pa kami nagkaganito, ang raming tao, buti nga parang wala lang silang pakealam sa mga nangyayari saamin

Tiningnan ko si Fifth at nginitian siya, sinuklian ko naman yun

"Tara na, medyo nagugutom na rin ako",sabi ko sakaniya, nawala naman ang mga ngiti sa labi niya at napalitan ito ng pag aalala sa kaniyang mga mata


"Magiging okey ka lang ba? Nanduon siya alam mo yun",sabi niya at ngumiti na lang ako, natutuwa ako na may mga taong nag aalala saakin, pero hindi naman talaga dapat sila magalala saakin eh, hindi naman dapat



"Ikaw talaga Fifth! Bakit ang bait-bait mo?! Di man lang siya gumaya sayo na sobrang bait, siguro kung ang bait-bait niya ngayon edi sana hindi niya ako nasasaktan ng ganito"

"Hintayin mo lang Shey, di mo pa siya lubusan na kilala, marami ka pang malalaman tungkol sakaniya"

"Ano yun Fifth? Masyado kasing mahina ang pagkakasabi mo kaya di ko narinig. Pwede bang pakiulit?",tanong ko sakaniya, nagbuntong hininga naman siya at pumikit saka muling ngumiti at tsaka umiling-iling, iminulat niya ang mga mata niya at tsaka ako tiningnan ng diretso


"Wala, tara na",sabi niya at nagsimula ng lumakad papunta sa table namin, tanging kami na lang nina Fifth ang hinihintay, pumasok pa kami sa isang kuwarto dahil may sariling kainan ang mga estudyanteng nasa V.I.P slot, di ko alam pero sadya talagang mapaglaro ang tadhana dahil tanging ang bakanteng upuan na lang na natitira ay yung dalawang upuan sa tapat nina Clyde at Icia

"Oh? Bat kayo natagalan? Anong nangyari sainyo Shey?",narinig kong tanong saakin ni Azu, umupo kami ni Fifth sa dalawang nananataling bakanteng upuan


"Ah wala, may pinagusapan lang kami ni Fifth, nakakatawa nga eh, sobrang tawa ako dun. Parang naiiyak na ako sa sobrang tawa",sabi ko sakaniya, naramdaman ko naman na pinitik ni Fifth ang kamay ko sa ilalim kaya napatingin ako sakaniya at binigyan siya ng napakatamis na ngiti


"Diba?"

"Ahmm... Yeah",sagot niya na may medyo pagaalinlangan sa kaniyang mukha, naiintindihan ko siya, di niya naman kasi hobby ang pagsisinungaling kaya medyo naghihinayang pa siyang gawin ito


"Tss. Let's just freaking eat. Mamaya na ang awarding, Aces mag peperform pa tayo mamaya",sabi ni Clyde, oo nga pala, magpeperform sila, yan talaga ang dahilan kung bakit sila sumama dito, siguro kung hindi ako nagtapat sakaniya masaya pa ata kami ngayon. Siguro hindi sana ako umiyak ng todo, siguro wala sana akong mga bagay na pinagsisisihan ngayon, magkaibigan pa sana kami ngayon at sana hindi ako nasasaktan ng ganito

Pero kung akala ko na masakit na pala ang nararamdaman ko ngayon,yun pala mas masakit ang mangyayari ngayon, at dahil lang yun sa mga salitang binitawan ng lalakeng mahal ko, ng lalakeng mahal ko pero hindi ako kayang mahalin pabalik


"Oh. And i just want to tell all of you something very important, meet my Girlfriend... Icia, the woman i adore the most"

End of Chapter 34

Meeting You (COMPLETED)Where stories live. Discover now