Kabanata 8

229 9 1
                                    

Shey's P. O. V

Nandito na kami ngayon sa room dahil hinihintay pa namin si Ma'am Kath, english kasi ang subject namin ngayon.

"Ang tagal naman ni Ma'am Kath," reklamo ni Icia, napatingin naman kaming tatlo sa kaniya.

"Siguro nakipaglandian na naman 'yon kay Mr. Agravante," ani Azu at sumandal sa upuan niya. Si Mr. Agravante ay ang trigonometry teacher namin, binata pa 'yon at ubod ng gwapo. Pareho sila ni Ma'am Kath kaya bagay na bagay sila, pero minsan nasosobrahan na eh! Minsan kasi, PDA na sila.

Pakalipas ng ilang minuto, pumasok na rin si Ma'am Kath habang may kinakalikot sa cellphone niya. Siguro ka-text niya si Sir Agravante, may malandi rin palang teacher 'no?

Tumikhim nang napakalakas si Azu kaya nabalik sa wisyo si Ma'am.

"I-I'm sorry, good morning class," panimula ni Ma'am. Ganiyan talaga si Azu, ayaw sa malalanding tao, parehas lang naman kami.

"Good morning, Ma'am," bati rin namin sa kaniya with matching bow ng head, nire-respeto pa rin namin si Ma'am Kath dahil teacher pa rin namin siya kaya sa isip na lang namin siya sinasapak at binubogbog.

"So class, meron tayong bagong estudyante ngayong araw na'to, some of them transferred yesterday at yung iba naman ay yung nagtransfer na last week kaya 'di na sila kasali sa program kahapon," sabi ni Maam. Pumasok naman ang limang lalaki na sina Nian, Fifth at Christianak at yung dalawa naman ay 'di ko pa kilala. Pero yung isa kilala ko ang mukha, 'yan yung mokong na nagpahiya sa akin kahapon!

Magagantihan ko rin ang isang 'to, pero hindi pa ngayon. Kailangan ko munang gumawa ng plano para ready ako makipagbabakan sa kaniya.

Habang nakatayo yung limang lalaki sa unahan ay naririnig ko naman ang mahihinang tilian ng mga babae kong classmate.

"O. M. G. Ang gwapo talaga ni Clyde!"

"Sana mapansin niya ako, 'no? Okay ba yung make-up ko?"

"Okay na okay! Pwede ka nang mapansin ni Fafa Nian."

Pag-untugin ko kaya ang dalawang 'to. Ang sarap nilang umpugin sa pader, ano naman kasi ang nagustuhan nila sa Christianak na 'yan? Marami namang mas gwapo sa kaniya eh. At isa na doon si Lee Min Ho. Pano kaya kung magkagusto na lang sila sa mga artista sa mga K-Drama, o member ng isang k-pop group o isang fictional character? At least 'di sila masasaktan nang sobra, diba?

Pwede mo namang i-imagine kung ano ang gusto mo na gawin niyo. Atleast do'n, 'di ka na iiyak. 'Di ba sila napapagod masaktan? 'Di ba sila namamanhid sa mga pinaggagawa nila? 'Di ba nila nare-realize na nagmumukha na silang tanga?

Pag-ibig nga naman. Pwedeng pwede niyang paikutin ang isip at puso ng isang tao. Mabuti na lang hindi ako isa ro'n. Malabong magpakatanga ako para sa isang lalak, mamamatay muna ako bago mangyari 'yan.

"Okay, class. Pease be quiet, magpapakilala ang mga transferees sa unahan kaya please listen," wika ni Ma'am Kath. Wala naman kaming pake sa lima na 'yan, problema lang sila sa buhay ko. Po-problemahin ko pa nga kung paano ko matatalo ang Christianak na 'yan eh. Hinding hindi ako magpapatalo sa kaniya.

"Good morning, ako nga pala si Fifth Noble. 18 years old, single, my parents are Antonio Noble and Andrea noble. They are one of the investors of this university. Thank you," pagpapakilala ni Fifth sa kaniyang sarili at pumunta na muna sa gilid. Hindi pa naman kasi sinabi ni Ma'am Kath kung saan sila uupo, busy kasi siya sa pagkalikot ng cellphone niya. Ibang klase talaga.

"Hi, classmates, especially ladies. I'm Nian Salonga, 18 years old and single ready to mingle. My parents are Nazzer and Nickiya Salonga, my cellphone number is 09386155642, you can call me anytime, anywhere... just call me, and I'll be there. My email is @SexyhotNian," sabi niya, kailan kaya mauubos ang mga playboys sa mundo? Panira lang sa buhay.

"Okay, ang susunod ay si Mr. Montreal," sabi naman ni Maam. Habang nagpapakilala sila ay ito naman ang pinag-uusapan naming apat.

"May napapansin kayo?" tanong sa amin ni Azu na ikinakunot ng noo namin. Sa aming apat, siya talaga ang pinakaobservent although observant naman kaming apat, sadyang mas malala lang talaga ang isang 'to. Minsan nga ay hindi ko na alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya eh.

"Ano 'yon?" tanong ni Icia kay Azu, umirap na lang muna si Azu bago magsalita.

"Ano'ng subject natin ngayon?" tanong ni Azu. Wait, don't tell me nakalimutan niya ang schedule namin? Ibang klase talaga.

"Tanga. Edi syempre English. Ano ba namang klaseng tanong 'yan, Azu? Ilang weeks na simula nang magsimula ang klase pero 'di mo pa rin alam ang schedule natin?" 'di makapaniwalang sabi ni Azu. Sinamaan naman siya ng tingin ni Azu.

"Call me stupid one more time... I swear, I'll fucking kill you," pagbabanta niya na parang nag-aapoy na ang mga mata. Shet, scary.

"Sabi ko nga, tatahimik na lang ako," sabi ni Jas sabay upo nang maayos. Sino ba naman ang hindi matatakot kay Azu, nakakatakot kaya siyang kausap.

"Kung English ang subject natin ngayon bakit nagtatagalog si Ma'am Kath? Is she stupid?" nakakunot-noong tanong ni Azu. Oo nga 'no.

"Oo nga pala prohibited 'yon eh," sabi ni Azu. Ganyan kawalang kwenta ang pinag-uusapan namin dahil mas wala namang kwenta ngayon ang nagsasalita sa unahan keysa sa issue namin kay Ma'am Kath.

"Hi guys. I'm Andrew Arcello, 18 years old, single, my parents are Andrei and Aizelle Arcello, investors din sila sa school na'to," sabi naman ni Andrew at tumabi na rin, sumunod na yung walang modong pinahiya ako kahapon.

"Magandang-." Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil bigla akong nagsalita at tumayo pa.

"I don't want to offend you but this school is really language-conscious, so kindly speak English especially when our subject is English. Right, Ms. Kath?" tanong ko sa kaniya. Napatingin naman sa akin si Ma'am Kath sabay tago ng cellphone niya at tumango. Nakita ko namang ngumiti yung mokong.

"Okay, Ms. Gajardo, as you wish. A pleasant morning, ladies and gentlemen. I'm Johann Windson, 18 years old and my parents are one of the investors in this school. Thank you," sabi niya, pumunta naman sa unahan yung tyanak at nagtilian na nga yung walangyang classmates ko.

"I'm Christian Clyde Jancaster, 18 years old and my parents are the owner of this school. Hindi na ako single, I'm in a relationship with Sheyrylle Jean Gajardo."

Meeting You (COMPLETED)Where stories live. Discover now