Kabanata 23

160 4 0
                                    

Shey's POV

"F*ck! 'Di ko rin alam kung bakit kita hinalikan, okay?!"

Potek, ba't niya sinigaw?!

Tiningnan ko sina Azu pero naka-pokerface lang sila, anong nangyari sa mga taong 'to? Bakit ganiyan lang ang naging reaksyon nila?

"Hindi ba kayo sisigaw? O tatalon man lang? Or something like that?" tanong ko, tumango na lang sila at bumalik na sa mga ginagawa nila.

Titingnan ko na sana uli si Christianak nang mapansin kong namumula ang mga mata at ilong ni Jas. Ano ang nangyari sa kaniya?

Jas's POV

Hanggang ngayon 'di ko pa rin makalimutan ang nangyari kaninang umaga, sa sobrang labo ng nararamdaman ko ay 'di ko na lang napigilan na umiyak. Bwisit naman 'tong mga luha na 'to e, hindi man lang ako hinahayaang maging masaya.

Hindi ko mapigilan na amuyin ang hinihigaan ko, ang bango kasi ng unan ko. Ang sarap yakapin, ang sarap sarap amuyin e. Ang bango talaga ng fabric conditioner na ginagamit ni Yaya, pero bakit ang tigas naman 'ata ng unan ko?

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at sumigaw nang napakalakas, napabalikwas pa ako sa kama ng hindi ko kilalang tao.

Nandito pa naman ang mga damit ko, wala pa namang masakit sa akin. Hindi ko naisuko ang bataan!

"Ano ba naman 'yan! Hoy babae! Ba't ka ba sumisigaw!?"

Lalong namilog ang mga mata ko ng makita ang pagmumukha ni Nian. Napakakapal talaga ng mukha niya!

"Pakyu sagad, Nian! Ano ang ginawa mo sa akin? Ha?!" pasigaw kong tanong sa kaniya, kumunot naman ang noo niya at napahilamos na lang sa kaniyang mukha.

Aba, bakit mukhang mas frustrated pa ang lalaking 'to keysa sa akin? Ako kaya ang dehado rito!

"Wala akong ginawa sa 'yo. Wala ako sa mood gumawa ng milagro sa babaeng lasing," sabi niya tsaka humiga uli at tumaklob ng kumot. Napaupo na lang ako sa kama nang maramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko.

Potek naman oh, ito 'ata 'yung tinatawag nilang hangover.

"Bakit kita katabi kung wala kang ginawa sa akin? At saka sa pagkakaalam ko, tumatabi ka lang sa babae sa kama kapag may ginagawa kayong kababalaghan," saad ko habang nakahawak parin sa ulo ko. Nakita ko namang napatingin siya sa gawi ko.

"Wala ako sa mood makipag-ano at hindi kita type, and for your information, hindi ako ang tumabi sa 'yo nang kusa, ikaw ang nagpatabi sa akin. Hingit mo kaya ako."

Kinunotan ko siya ng noo, magsasalita pa sana ako pero bigla na lang siyang tumayo at lumabas ng kwarto.

Ano ang sinasabi ng lalake na 'yon? Ako? Hihigitin at yayakapin siya? At sasabihan siya na tabihan ako?! Pwede kong gawin 'yon, pero may hiya naman ako!

Huminga ako nang malalim tsaka inilibot ang aking paningin sa buong paligid. Potek, nasaan ba ako?

"Uminom ka muna ng gamot para mawala 'yang sakit ng ulo mo," sabi ni Nian sabay bigay sa akin ng gamot at tubig.

Nagdadalawang-isip pa nga ako kung tatanggapin ko ba ang mga 'yon dahil honestly, ayoko talagang magkaroon ng utang ng loob sa kaniya, kaso grabe na ang sakit ng ulo ko e. Hindi ko na kaya.

Meeting You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon