Kabanata 49

135 5 0
                                    

Cyrille Cally Jancaster

Shey's P.O.V

"Alex?", tawag ko sakaniya pero nakatungo lang siya. Kumunot ang noo ko dahil dito. Nilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon

"Follow me", malamig niyang sabi, sinunod ko naman ang sinabi niya. Nagpatuloy lang kami sa paglakad kahit na takot na takot na ako, madilim na rin kasi ang paligid at nasa sementeryo pa kami. Sino ba naman ang hindi matatakot sa ganitong sitwasyon?

Napatigil na rin ako sa paglakad nang tumigil na si Alex sa isang puntod, napatigil ako nang nabasa ko ang pangalan na nakasulat sa puntod

"Cyrille Cally Jancaster, yan ang pangalan ng kaisa isang kapatid ni Clyde. Mahal na mahal niya tong bata nato eh", sabi ni Alex, napatingin ako sakaniya. Nag karoon ng pag alala sakaniyang mga mata nang nakita kong may lumabas na luha galing sakaniyang mga mata. Napatungo ako, kinuha niya naman ang isang kandila at lighter sa bulsa ng kaniyang blazzer. Sinindihan niya ito at inilagay sa isang bato na malapit lamang sa puntod ni Cyrille

"Anim na taon pa lamang siya noon eh. Marami pa siyang mga pangarap sa buhay", nakangiting sabi ni Alex habang umiiyak. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak, usually kasi walang emosyon ang mga mata niya palagi

"Anong nangyari?", tanong ko. Ang bata niya pa kasi para mamatay eh

"Dahil sa isang aksidente. Nagmamaneho noon ang Papa ni Clyde habang ang totoong mama niya naman ay nasa passenger seat tapos nasa backseat naman sina Clyde at Cyrille. Nag aaway yung mga magulang nila, nagpapalitan ng masasama at masasakit na salita. Di man lang nila inisip na maaaring marinig yun nina Clyde at maaari rin nilang gayahin, bata pa sila nun eh. Hanggat sa di na nga nakita ng papa nila na may truck na pala na walang preno sa likod nila. Pinili na lang ng truck driver na ibangga ito sa likod ng kotse nina Clyde para mahinto ito", Alex explained. Naramdaman ko ang aking mga luha na unti unti ng dumadaloy galing sa aking pisngi

"Namatay yung truck driver at kasama niyang mamatay si Cyrille", naiiyak na sabi ni Alex. Di ko naman napigilan na yakapin siya, mahal na mahal niya talaga si Clyde bilang kaibigan. Wala akong alam na ganito na pala ang buhay ni Clyde, di ko alam na ganito kalala at kalungkot ang pinagdaaanan niya noong bata pa lamang siya

Ilang minuto kaming nanatili sa puntod ni Cyrille hanggat sa napagdesisyunan nga namin na umuwi na dahil medyo malalim na rin ang gabi at nasa sementeryo pa kami. Baka maistorbo pa namin yung mga patay

Binuksan naman ni Alex ang passenger seat kaya pumasok na rin naman ako dun, nagsimula na rin siyang lumakad papunta sa driver seat. Pakatapos ay pumasok na siya ng tuluyan at nagsimula ng magmaneho

Napatingin uli ako kay Alex, namumugto parin ang mga mata niya hanggang ngayon. Napabuntong hininga uli ako

"Huminto muna tayo sa isang restaurant para kumain", sabi ko. Tumango naman siya, di rin kami natagalan sa pagbiyahe papunta sa isang restaurant. Bumaba na kami sa kotse at pumasok na sa loob, agad naman kaming umupo sa dalawahan na upuan na malapit sa may bintana

Nag order na rin kaming dalawa

"Libe ko na to, pagpapasalamat ko sa pagdala mo saakin sa kapatid ni Clyde", nakangiti kong sabi, napatingin naman siya saakin at sinuklian ang aking mga ngiti tsaka umiling ng bahagya

"Huwag na. Ako yung lalake kaya dapat ako ang manglibre", kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya

"No. Ako ang nag aya kaya ako na ang magbabayad. Subukan mo pang kumontra, pipingutin ko yang taenga mo", sabi ko, natawa na lang siya ng kaunti at bahagyang umiling

"Iba ka talaga Shey", sabi niya. Ngumiti na lang ako bilang sagot, dumating na rin naman ang pagkain namin kaya nagsimula na kaming kumain

Nang matapos na kaming kumain ay nanatili naman muna kaming nakaupo

"Anong plano mo Shey?", napatingin ako sakaniya nang tinanong niya ito. Tumungo uli ako at ngumiti

"Kakausapin ko siya soon", sabi ko, nakita ko naman na kumunot ang kaniyang noo. Makikita mo rin ang pag aalala sa kaniyang mga mata. I sighed and smiled

"Its okey Alex. Huwag kang mag alala, kaya ko to. At matagal ko na rin siyang gustong kausapin",dagdag ko naman. Napabuntong hininga na lang siya at tsaka tumungo. Pinitik ko naman ang kaniyang noo ay tumayo na

"Tara, umuwi na tayo", sabi ko. Tumayo naman siya at sumunod saakin palabas sa restaurant. Binuksan niya uli ang passenger seat. Papasok na sana ako pero natigilan ako nang may humawak sa may pulso ko, nilingon ko naman kung sino ito at agad namang kumunot ang aking noo nang makita ko kung sino ito

"Anak", my mom called. Inalis ko naman ang pagkahawak niya saaikin

"Anong ginagawa mo rito?", tanong ko. Nabigo naman siya dahil sa ginawa ko. Ayokong makita ang parenrts ko ngayon. Galit ako sakanila. Kasalanan nila ang lahat kung bakit nangyari to

"Anak. Patawarin mo si Mama, alam kong nagkamali ako. Di ko sinabi sayo ang lahat. Ayokong masaktan ka Nak. Shey, umuwi ka na. Miss na miss ko na kayong dalawa", naiiyak niyang sabi. Napatungo naman ako. Hindi ko pwedeng lumambot ngayon, kailangan kong tatagan ang sarili ko. Kailangan kong maging bato

"Sana inisip mo muna ang lahat bago mo ginawa yan. Alam mo ma? Dati, iniidolo talaga kita eh pero pagkatapos kong malaman ang lahat ng to, nawala ang lahat ng respeto ko sayo. Tinatak ko na sa isip ko na wala akong ina na kabit lang. Kaya kalimutan mo na rin na anak mo ako", malamig kong sabi at pumasok na sa loob ng kotse at tsaka pininto yung pintuan.

Nakita ko naman na sunod sunod ng tumulo ang mga luha ni Mama. Kinausap at pinatahan naman siya ni Alex. Napatungo ako at umiyak. Wala akong kwenta.

Napaayos ako ng upo nang pumasok na si Alex sa loob at nagsimula ng magmaneho papunta sa condo ni Lemuel

"Mali ang ginawa mo Shey. Alam mo ba na hindi tumitigil sa pag iyak ang mama mo hanggang sa pagpasok niya sa taxi?!",pasigaw na sabi ni Alex, umiwas ako ng tingin. Itinuon ko na lang ang aking pansin sa labas ng bintana. Oo, alam kong mali ako

"Mama mo parin siya Shey. Iniisip niya lang ang nararamdaman mo. Alam mo ba kung gaano kasakit itaboy ng sarili niyang anak? She's been with you for almost 18 years Shey", dagdag niya pa. Hindi ako kumikibo, i hate the way im acting right now. Im acting like a spoiled brat

"Ill talk to her soon. I just need to calm myself down first. Kailangan ko na munang ipahupa tong galit ko", sabi ko ng hindi nakatingin sakaniya. Ayokong makita niya akong umiiyak. Narinig ko naman ang kaniyang buntong hininga

"You better do it Shey. You should talk to her, she's still your mother", sabi niya. Napabuntong hininga na lang ako at bumuntong hininga bilang sagot

Bumaba na ako sa kotse nang huminto na ang sasakyan ni Alex sa tapat ng building kung nasaan ang condo ni Lemuel

"Salamat", nakangiti kong sabi. Ngumiti siya at tsaka tumango. Pumasok na rin naman ako sa loob ng condo, nakita ko naman na nakaupo sina Lemuel at Kuya Shaun sa sofa habang kumakain ng potato chips at nanonood

Tumingin ako sa tv para malaman kung ano ang pinapanood nila. Laban pala ito ng Cavs at Boston. Napangiti na lang ako, alam ko kasi na kampi si Kuya Shaun sa Cavs habang si Lemuel naman ay sa Boston

"Mananalo ang Cavs ngayon, tingnan mo oh, lamang na ng 10 points", sabi ni kuya

"Hindi. Hahabol ang Boston. Tsk", Lemuel replied, i smiled

Im glad that i have them

End of Chapter 49

Meeting You (COMPLETED)Where stories live. Discover now