Kabanata 16

166 8 0
                                    

Jas's P. O. V

Nandito na kami ngayon sa labas ng gate, si Nian naman ay kinuha muna 'yung koyse niya sa parking lot. Ayoko na sanang sumabay kaso syempre lunukin ko na rin naman dapat ang pride ko para makalibre ako ng pamasahe, diba?

Maya-maya, narinig kong may bumusina na kaya napatingin ako sa tapat ko. Tumigil sa tapat namin ang isang napakagandang kotse, bumaba ang bintana nito at tumambad nga sa amin ang mukha ni Nian na nakangisi.

Maganda na sana 'yung kotse kaso hindi bagay sa may ari. Kawawa naman ang kotse na'to, siguro marami nang nakachurbahan si Nian sa loob ng kotse na 'yan. Ang saklap naman ng pinagdaanan ng kotse.

"Pasok na sa loob, Icia my labs at ang taong di ko kilala na kinaiinisan ko habang buhay na nangagalang Jasmine." Ano raw? Hindi niya raw ako kilala pero alam niya ang pangalan ko? Ang labo! Shut up na lang ako, wala akong mapapala sa pakikipag-away sa unggoy na baklang manyak na'to.

Papasok na sana ako sa backseat kaso biglang binuksan ni Nian ang passenger seat. Tiningnan ko lang 'yon at wala sanang planong pumasok pero tinulak naman ako ni Icia sa loob sabay sara ng pinto at siya naman ang pumasok sa backseat. Pesteng buhay naman 'to oh.

"Icia my labs saan ba-- anong ginagawa mo diyan?!" sigaw ni Nian nang matanto niyang hindi si Icia his labs niya kuno ang nakaupo sa passenger seat. Don't worry, 'di ko nga rin alam kung bakit ako nandito.

"Tanungin mo 'yang lalabs mo," sabi ko at tinuro si Icia na nasa backseat ng kotse, tumingin naman doon si Nian na parang naghihintay ng sagot sa mga katanungan niyang nakaka-bwisit lang sa buhay.

"Ahm, ayoko kasing ma-expose masyado ang skin ko sa aircon at tsaka nilalamig kasi ako he he he." Di talaga marunong magsinungaling si Icia, iisip na nga lang ng palusot, di pa marunong, sino naman ang bobong tao na maniniwala sa kaniya? Obvious na obvious naman.

"Ah gano'n ba, Icia my labs? Sige hihinaan ko ang aircon ah, para di ka masyadong ginawin, saan nga pala ang address mo?" Ang bobo talaga ng isang 'to, nagtataka ngA ako kung bakit nagkagusto ako sa isang tulad niya noon eh.

Ngumiti na lang si Icia at sinabi na rin ang address niya. Malapit na sana kami sa bahay nina Icia pero bigla na lang sumigaw si Icia na para bang may palaka sa harapan niya.

"Icia my labs, ano'ng problema?" nag-aalalang tanong ni Nian, binuksan naman ni Icia ang pinto ng backseat at lumabas na lang bigla. Ano na naman bang kalokohan 'to?

"May emergency kasi eh, kailangan kong p-pumunta sa ahm... sa... sa... isang lugar! Oo, tama! Sa isang lugar na di ko alam kung ano ang pangalan!" Really, Icia? Di naman ata matindi ang kabobohan ng kasama kong unggoy, dahil kung maniniwala pa talaga siya ngayon, paano na lang siya nakapasok sa Jancaster University?

"Ah gano'n ba? Gusto mo bang ihatid na lang kita sa lugar na 'yon?" tanong ni Nian kay Icia, mabilis namang umiling ang bruha. Kung hindi ko lang kaibigan ang isang 'to, matagal ko na siyang sinabunutan.

"Huwag na, baka mainip si Jas, may alam akong shortcut papunta sa bahay nina Jas, ito yung mapa oh," sabi niya sabay abot ng mapa sa amin na sigurado akong ginuhit niya lang naman.

"Sige! Ingat ka sa pagunta sa lugar na di mo alam ang pangalan! Bye, Icia my Labs!" sigaw ni Nian, sinarado niya na 'yung pintuan ng backseat tsaks kumaway habang nakangiti nang napakalawak.

"Okay! Pupunta na ako sa lugar na sinabi ko kanina na di ko alam ang pangalan at di ko alam kung saan!" sigaw ni Icia with matching talon-talon pa tsaka nag-skip na nga siya papunta sa kabobohan na lugar na 'yon.

"Huwag mong susundin ang mapa na 'yan, liligawin lang tayo ni Icia," sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa labas ng bintana.

"At bakit naman ako maniniwala sa'yo? Mas may tiwala ako sa my labs ko keysa sa'yo! If I know, ayaw mo lang sundin 'tong shortcut dahil gusto mo lang masilayan ang gwapo kong mukha! At baka i-rape mo pa ako, endangered ang katawan ko ngayon. Nyet*! Dapat pala di na lang kita sinama! Ayokong maging extinct ang kaguwapuhan na taglay ko!"

Nevemind. Ang hirap talagang kausap ang lalaking 'to

"Bahala ka nga sa buhay mo, basta kapag naligaw tayo, tandaan mong ikaw ang may kasalanan! Punyemas ka," paalala ko sa kaniya pero binalewala niya lang ako. Bwisit.

At ayon nga, nagmaneho na siya papunta doon sa shortcut kuno na tinuro sa amin ni Icia, diretso lang ang tingin ko sa dinadaanan namin pero napakunot na lang ang noo ko no'ng biglang gumewang 'yung kotse.

Lumabas kami ni Nian at nakita namin na flat ang tang*nang gulong ng kotse ng unggoy na'to.

"Sh*t! Ano'ng nangyari sa gulong na'to?!" sigaw niya with matching hawak pa sa ulo. OA maka-react ah.

"Obviously, flat," mataray kong sabi. Tiningnan niya naman ako habang nakataas ang isa niyang kilay.

"Flat? Tulad mo? Anyway, di mo na kailangang sabihin 'yan sa akin, alam ko naman," sagot niya sabay kalikot sa kaniyang cellphone.

"Eh ba't mo tinanong? Bobo ka rin 'no?" Di niya na lang ako pinansin, patuloy pa rin siya sa paggamit ng phone niya, mukhang may kausap siya.

Madilim na ang daan dahil palubog na rin ang araw. Paano na 'to?

Nian's P. O. V

Sh*t! Tumatawag si boss! Sigurado akong mahalaga 'to, minsan lang 'tong tumawag, himala na 'yan kapag tinawagan ka niya.

"Yow, boss Clyde!"

"Get here now! I already texted the address! Investigate this d*mn bodies and identify which gang they belong!"

"Pakeng shet, nasiraan ako boss e."

"100 curl ups ang gagawin mo kapag nakarating na tayo sa bar nina Frank.

"Pero-"

And hindi ko na nga natuloy ang sasabihin ko dahil itinigil niya na ang tawag. Ang galing.

Meron na nga akong napakasarap na abs pero bakit ginaganito pa ako ni Boss Clyde?

Tinawagan ko 'yung driver namin at sinabihan na padalahan niya ako rito ng kotse at itapon niya ang weak na kotse na kotse na'to.Mabuti pa 'yung kotse ni boss Clyde, kahit pukpukin mo ng martilyo 'di magagasgasan, sa kompanya nila kasi mismo 'yon binili. 'Di tulad ng weak na kotse na'to, dahil sa bagay na'to makakapagcurl up pa ako ng hindi sa oras. Pakshet lang.

Clyde's P. O. V

'Di ko alam kung bakit parang kampi sa akin ang tadhana ngayon dahil mukhang ang tagal-tagal ni Jeanano lumabas ng cr, mas okay na 'yon para 'di niya makita 'to.

"Yow, Clyde! Napatumba mo na kaagad? Hindi mo man lang ako tinirahan," reklamo ni Andrew.

"Oo nga, nangangati pa naman ngayon ang kamao ko, parang gustong manuntok," sabi naman ni Frank, I just rolled my eyes at them.

"Linisin niyo na 'yan bago lumabas sa cr Jeanano, you can do whatever you want with their d*mn useless gang." Tumango na lang sila bilang tugon, 'di nagtagal lumabas na rin naman si Jeanano.

"Let's go home, diba may performance pa kayo sa bar na prinepresentan niyo?" sabi ko. Ngumiti naman siya at tumango.

Her smile... I don't want to lose that smile. I want to protect it with all my life and soul. I don't know why. I just feel like it, I guess. Ang alam ko lang ay kailangan ko siyang maprotektahan mula sa lahat ng 'to.

Meeting You (COMPLETED)Where stories live. Discover now