Kabanata 24

156 7 0
                                    

Shey's POV

Sasagutin ko pa sana sila at babatukan pero dumating na si Ma'am Kath, himala nga e, wala na siyang hawak-hawak na cellphone ngayon.

"Class, please listen, malapit na ang Battle of the Bands, isa ang school natin sa mga contestants na magpa-participate sa contest na gaganapin sa Boracay. Tatlong araw sila r'on. If you want to know further informations about the contest please proceed to the Dean's office." Itinawag ni Ma'am ang mga pangalan namin, masaya na sana ako kaso lang agad na kumunot ang noo ko nang narinig ko ang mga pangalan nina Christianak.

Sasama sila sa amin?

"Pumunta na kayo sa Dean's office, ngayon na. May sasabihin daw siya sa inyo," sabi ni Ma'am Kath na mukhang inuutusan na kami.

Nagkibit-balikat na lang ako at tumayo na para pumunta sa office ni Dean, sumunod naman sa amin 'yung lima.

"Bakit kasama kayo? 'Di naman kayo band members e," reklamo ko.  tumingin naman sa akin 'yung apat tsaka nagkibit-balikat na lang.

Hay nako, kailan ko ba 'to makakausap nang matino? Aalisin ko na sana ang tingin ko sa kanila pero napansin kong nakatingin pa rin sa akin si Tyanak.

"Oh? Ano ang tinitingin-tingin mo riyan?" mataray kong tanong sa kaniya.

"Magpe-perform kami r'on ng sayaw, baka kung ano ang isipin mo e, baka isipin mo pang inii-stalk ka namin, feeler ka pa naman," pang aasar niya sabay iwas ng tingin.

Aba! Ako pa talaga ang feeler sa amin ngayon, mas feeler kaya siya.

"Heh. Hindi naman kayo magaling sumayaw e. Mas astig pa rin ang BTS at EXO sumayaw! Duh... wala kayo sa kalingkingan nila," proud na proud kong sabi. Confident ako na mas magaling talaga ang dalawa kong paboritong boy groups.

Tiningnan naman ako ni Tyanak habang nakataas ang isa niyang kilay.

"Oh really? Let's see."

"Talaga! At mas gwapo pa sila keysa sa inyo, paa lang kayo ni Jungkook at Lay e," pang aasar ko sa kaniya. Potek, nagmukukha akong immature na fan dito pero worth it naman dahil naaasar ko sina Christianak!

Kumunot ang noo niya tsaka ngimisi.

"Yeah, right," maikli niyang tugon, inikutan ko na lang siya ng mata at hindi na siya pinansin. Magsasayang lang ako ng boses at oras sa kaniya.

Masyadong malayo ang Dean's office sa building namin, mga tatlo pa 'atang building ang dadaanan namin bago kami makarating sa Dean's Office kaya naman masyadong natagalan kami.

No'ng nasa pangatlo na kaming building, 'di ko alam kung ano ang nangyari pero napatingin ako kay Tyanak na ngayon ay palingon-lingon sa paligid. Linapitan ko siya tsaka kinalabit, nagmumukha na kasi siyang tanga.

"Hoy, ano ang ginagawa mo? Ba't ka palingon-lingon sa paligid?" tanong ko sa kaniya habang sumasabay sa kaniya sa paglakad, tumigil naman siya sa pagsulyap do'n sa pangatlong building tsaka ibinaling na ang tingin sa akin.

"It's none of your business," malamig niyang sabi tsaka binilisan na ang lakad niya kaya nalagpasan na niya ako.

Aba, siya pa talaga ang may ganang magalit. Nagtatanong lang naman ako e, wala naman akong ginawang masama. Nalakasuplado niya talaga. 

"Tinatanong kita nang maayos kaya sumagot ka nang maayos na tyanak ka!" sigaw ko at tumakbo papunta sa kaniya.

Bakit ba naman kasi ang bilis lumakad ng isang 'to?

"Bakit nga?" tanong ko uli sa kaniya, hinawakan niya naman ako sa magkabilang balikat at hinarap sa kaniya. Tiningnan niya ako nang diretso sa aking mga mata.

Meeting You (COMPLETED)Where stories live. Discover now