Chapter 58: Where?

60.4K 519 36
                                    

 

“ITIGIL ANG KASAL!!!!!!!!”

Napatalikod nalang ako bigla dahil sa sobrang lakas ng sigaw ng isang babae.

“ITIGIL ANG KASAL!!!!!!!!”

Sobrang nagulat ako ng makita ko si Megan na nakasuot ng black gown. Hindi to pwedeng mangyari. Nananaginip lang ako o kaya namamalikmata lang ako.

Nagkaroon ng nakakabinging katahimikan sa loob ng simbahan. Nangyari nadin to noon. Parang umulit lang ang mga pangyayari. Pero sa halip na ako ang nasa harap ng altar noon, ako ang nasa kinatatayuan ni Megan ngayon.

“Tsskk Tssk!!”

Nagsimulang maglakad si Megan papunta sa harap ng altar. Papalapit samin.

“This is just like dejavu all over again right Louise?”

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para akong binuhusan ng isang batyang malamig na tubig.

“Megan what are you doing here?”

Saka lang ako bumalik sa ulirat ko ng magsalita si Xander.

“Tinatanong pa ba iyan? I’m here for my revenge....”

Huminto si Megan sa harap mismo ni Xander.

“...and to take what’s mine..”

Pagpapatuloy ni Megan habang hinihimas niya ang kanang pisngi ni Xander.

“Everyone!!!!!”

Sigaw ni  Megan.

“Sinasayang niyo lang ang oras niyo dito kaya kung ako sa inyo.. Magsi-alisan na kayo at umuwi na kayo sa mga bahay niyo. Walang matutuloy na kasal ngayon. Xander is mine!!! mine!!”

“Inagaw lang siya ng babaeng ito!!”

“Narinig niyo? Xander is mine!! MINE!! HAHAHAHA”

Hindi..Hindi to pwedeng mangyari. Alam ko ginawa ko nadin to dati. Pinigilan ko ang kasal ni Xander at ni Megan pero ginawa ko lang iyon dahil hindi siya mahal ni Xander.

Nagsitayuan na ang mga tao at nakatingin lang silang lahat sa’kin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

“Megan umalis ka na dito..” sabi ni Xander

Lumapit sa amin si Tito Alexander at hinawakan si Megan sa braso niya.

“Huwag kang mag iskandalo dito Megan!”

Galit na sigaw ni  Tito Alexander kay Megan.

“Can you please let go of me? Nasasaktan ako!! At isa pa hindi ako nag iiskandalo dito. Andito lang ako para kunin ang mahal kong si Xander.”

“Let’s go out Megan!”

“Bakit ba kayo nagbubulag bulagan? Bakit ba puro nalang kayo Louise Louise? Bakit lahat kayo si Louise lang ang gusto? Hindi niyo ba talaga nakikita na ako ang mahal ni Xander at hindi si Louise?”

Oh my God!

Sinasabi ko na nga ba si Megan talaga iyong nakita natin.

Oo nga akala ko kasi kamukha lang niya.

Sana kanina pa natin siya sinumbong. Hindi na sana ‘to nangyari kay Louise.

Nababaliw na ba iyang si Megan?

Nagbubulungan na ang mga tao sa loob ng simbahan. Huwag lang sana silang lumabas ng simbahan. Kahit nagkagulo na at nasira na ang kasal namin ni Xander hindi pa naman huli ang lahat. Pwede pa namang ipagpatuloy.

“HAHAHHA!!! XANDER IS MINE!! XANDER IS MINE!! HAHAHAHA”

Tuluyan ng napalabas ni Tito Alexander si Megan sa simbahan.

Si Kaylee naman at si Mommy Yumi inasikaso nila nag mga bisita para kumalma sila. Nang makita kong nakabalik na sa mga upuan ang mga bisita saka lang ako nakahinga ng maluwag.

“Are you okay Mushroom?”

Tanong sa’kin ni Xander.

“Uhh yeah.”

Tipid kong sagot.

“I’m sorry. Kasalanan ko ‘to. Hindi ko kasi alam na manggugulo pala si Megan sa kasal natin. Kung napigilan ko lang sana...”

“Shhh!!!”

Tinakpan ko ang labi ni Xander gamit ang dalawang daliri ko.

“It’s not your fault. Walang may alam sa’tin na ganito pala ang mangyayari.”

“I want to give you a perfect wedding but...”

Pinutol ko ulit ang sasabihin sana ni Xander.

“Kung ikaw ang pakakasalan ko perfect na ang kasal para sa’kin. You don’t have to worry Bacon.”

Ngumiti naman si Xander dahil sa sinabi ko.

Pagkatapos ng ilang minuto nakabalik nadin si Tito Alexander sa loob ng simbahan.

“Everything’s fine now. Father, pwede niyo na pong ituloy ang kasal.”

Pakiusap ni Tito Alexander kay Father Danter.

I don’t know if it’s just me pero parang kinakabahan parin si Tito Alexander. Kahit kasi nakaupo na siya sa upuan niya, hindi parin siya mapakali. Palagi parin siyang tumitingin sa paligid na para bang may hinahanap o parang may binabantayan.

Gusto ko sana siyang tanungin pero baka guni guni ko lang ang lahat ng ‘to.

“I’m sorry for that. Minsan talaga hindi natin mapipigilan ang ganung pangyayari. Katulad nalang ng sitwasyon na tinatawag ka na ng kalikasan pero pagpunta mo ng banyo, may tao palang gumagamit kaya kailangan mo pang maghintay ng konti kahit gustong gusto mo ng ilabas iyon. hehehehe”

Sabi ni Father Dante. Lahat kami natawa sa sitwasyong ibinigay ni Father. Nabawasan tuloy ang pressure sa loob ng simbahan.

“Now let’s continue.”

"Do you Xander, take Louise to be your lawfully wedded wife, promising to love and cherish, through joy and sorrow, sickness and health, and whatever challenges you may face, for as long as you both shall li....”

“I do!”

hehehehe

hahahaha

hihihihihi

Nagtawanan na naman ang mga tao sa loob ng simbahan dahil hindi pa nga natatapos ni Father ang sasabihin niya pero sumagot na si Xander.

Natawa din ako dahil sa kanya. Natatakot na siguro siyang baka may umeksena na naman sa kasal namin.

“Why are you laughing?”

Bulong ni Xander sa’kin.

“Hindi pa nga tapos si Father Dante sumagot ka na agad. ehehe. Don’t worry wala ng eeksena sa kasal natin.”

"Do you Louise, take Xander to be your lawfully wedded husband, promising to love and cherish, through joy and sorrow, sickness and health, and whatever challenges you may face, for as long as you both shall live?"

Tumitig na muna ako kay Xander saka ako sumagot ng

“I do..”

….....

“Because this ring is perfectly symmetrical, it signifies the perfection of true love. As I place it on your finger, I give you all that I am and ever hope to be. .”

Sambit ni Xander habang sinusuot niya sa ring finger ko ang singsing.

Pagkatapos isuot ni Xander ang singsing sa daliri ko, kinuha ko din iyong isa pang singsing at isinuot ito sa ring finger ni Xander.

“Because this ring has no end or beginning, it signifies the continuation of true love. As I place it on your finger, I give you all that I am and ever hope to be.”

…...

"By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride.”

Nagpalakpakan naman ang mga tao sa loob ng simbahan.

Kahit na ginulo kami sa pagdating ni Megan. Masaya naman ako dahil kahit papano natuloy ang ksal namin ni Xander. Iyon naman kasi ang importante hindi ba? Ang magka-isa kami sa harap ng altar.

Hinawakan ni Xander ang mga kamay ko.

“You’re officially my wife now Mrs. Yap.”

Antagal na naming magkasama ni Xander pero hanggang ngayon kinikilig parin ako. Kinikilig parin ako sa mga sweet na linyang binibitawan niya.

Wala na akong ibang nasagot kaya ngumiti nalang ako.

Dahan dahang itinaas ni Xander ang veil ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko...









“XANDER!!!!!!!”

*BANG!!!!!!*

OH MY GOD!!!

OHH!!!

WAAHH!!!

TULONG!!!

Pakiramdam ko nabasag ang mga eardrums ko dahil sa sobrang lakas ng narinig ko. Kahit nakapikit ako hindi ako maaring magkamali sa narinig ko. Putok ng baril.

Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko. Bigla akong kinabahan ng husto.

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko dahil sa sobrang takot ko. Sobrang nanginginig ang mga tuhod ko.

Konting konti nalang at baka hindi na ako kayang suportahan ng mga tuhod ko at tuluyan na akong babagsak sa sahig.

Pagmulat ko sa mga mata ko. Nakita ko si Xander..duguan ang damit niya.

“Xander...”

Sobrang hina ng boses ng lumabas sa bibig ko.

Hawak hawak ni Xander si Tito Alexander.

Si Tito Alexander..

May tama siya..

Sinong gumawa nito sa kanya.

“DAD?? DAD hold on. Dadalhin ka namin sa ospital. Huwag kang bibitaw Dad..”

“Dad huwag kang bibi...”

Umiiyak si Xander habang nasa braso niya si Tito Alexander.
“I’m... o-kay son...”

“K--ku..kung hang...gang di...to na..lang... ang bu..bu..buhay ko... Ma....”

“Ma..masa..ya ako da...hil ka...hit.. sa hu...ling pag...ka..ka..ta..on, na..naligtas ko..”

“ang.. bu...hay mo... I..I...I lo..ve yo--u son..”

“DAD!! Huwag mo akong dad..Konting tiis lang dad parating nadin ang ambulansya..”

“Pare..Pare... Parating na ang ambulansya at ang mga pulis. Konting hintay lang huwag kang bibitaw..”

Lumapit si Daddy Kurt kay Tito Alexander at hinawakan ang kamay nito.

*BAANG!!!!*

Narinig ulit namin ang isa pang putok ng baril.


AHHHH!!!!


AHHHH!!!

AHHH!!!!

Ang mga tao sa loob ng simbahan hindi na mapakali at nagsilabasan na.

Akala ko may tao na namang tinamaan pero mabuti nalang at ang vase lang ang tinamaan ng bala ng baril.

“I---wan...n.yo...na..a..ko.. di..to..I..lig..tas..niyo..ang..sarili.. niyo...”

Kahit nahihirapan na si Tito Alexander, gusto parin niyang sabihin sa amin na unahin namin ang mga sarili namin.

Pero papano kami lalabas ng hindi siya kasama.

Hindi ko kayang iwan siya..

“Hindi pare,, huwag kang mag-alala maayos din ang lahat..”

“Tito Alexander..Kumapit lang po kayo..”

*BANG!!!!*

Pangatlong beses na naming narinig ang putok ng baril pero this time..

Tinamaan sa balikat si Xander..

“BACON!!!!!!”

Lima nalang kaming natitira sa loob ng simbahan..

Ako, si Daddy Kurt, Si Mommy Yumi, Si Tito Alexander na may tama at si Xander na may tama nadin ng baril.

Si Kuya Andrey naman nasa labas at hinihintay ang ambulansya at ang mga pulis.

Napahawak si Xander sa kanang balikat niya kung san siya tinamaan ng baril.

“XANDER!!”

Sabay na sigaw ni Daddy Kurt at ni Mommy Yumi.

Hanggang ngayon hindi ko alam kung sino ang gumagawa sa’min nito. Alam ko hindi si Megan dahil hindi niya kayang bumaril at pumatay ng tao.

Alam kong hindi rin si Raven dahil nakakulong siya ngayon.

Kung hindi sila sino? Sino ang may gawa nito?

Niyakap ko si Xander.

“Bacon are you okay?”

Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko at nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa sobrang kaba, sa sobrang pag-aalala at sa sobrang takot.

“I’m okay mushroom lumabas na muna kayo!!!”

Utos ni Xander sa’min pero hindi ko siya kayang iwan dito lalo na sa kalagayan niya ngayon.

“Hindi..Hindi ako papayag..”

“Kurt..si..Lo..Si Lo..Si Louise ila...ilabas mo...ilabas m..mo siya..si..siya na..ang.. su--su-..susunod..”

Mahinang sambit ni Tito Alexander kay Daddy Kurt.

Paano niya nasabing ako na ang susunod?

Alam ba ni Tito kung sino ang may pakana ang lahat ng ito?

“Princess let’s go...”

Hinawakan ako ni Mommy Yumi sa braso..

“No Mom I’m staying..”

“PRINCESS!!!”

Sigaw ni Daddy sa’kin. Ngayon lang ako nasigawan ni Daddy Kurt ng ganun.

“But Dad..”

“Princess, let’s go..”

Ulit ni Mommy.

“Hindi ako aalis ng hindi kayo sasama..”

*BAANG!!*

Pumutok ulit ang pang-apat na bala ng baril.

“Mushroom lumabas ka na..”

Pakiusap ni Xander sa’kin. Nakatitig lang siya sa mga mata ko. God knows how much  I wanted to stay pero siguro nga kailangan ko ng lumabas.

Sinamahan ako ni Mommy Yumi at ni Daddy Kurt palabas ng simbahan.

*BAANG!!*


Tama nga si Tito Alexander ako ang next target ng kung sino man ang gumagawa nito sa’min.

Tumakbo kami ng mabilis palabas ng simbahan.

Si Xander..

Si Tito Alexander..

Nasa loob pa sila at may tama sila..

Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko..

“Kuya Andrey ang mga pulis?”

Nanginginig na tanong ko kay Kuya.

“Parating na sila Princess huwag kang mag-alala.”

Gusto kong pumasok ulit sa loob ng simbahan.

Gusto kong balikan si Xander..

Nagsisisi ako ngayon kung bakit ko siya iniwan.

Baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

Pagkatapos ng ilang minuto dumating na ang ambulansya at ang mga pulis.

Sobrang gulo ng buong paligid. Wala na akong maintindihan sa mga nangyari. Wala na akong ibang inisip kundi si Xander at si Tito Alexander.

Pumasok na sa loob ang mga pulis na may dalang mga armas para hanapin ang salarin.

Habang hindi ko alam kung ano ang nangyari sa loob, nasa labas lang ako at nakaupo. Kinakabahan, nag-aalala, natatakot.

*BAAANG!!!*

*BAAANG!!!*

*BAAANG!!!*

*BAAANG!!!*

Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko. Hindi ko alam kung sino na ang mga tinamaan, kung ano na ang nangyari..



…...



Pagkatapos ng isang oras, nakalabas na ang mga pulis dala ang mga lalaking sobrang tangkad at sobrang laki. Halata sa mga itsura nila ang pagiging serial killer, isang mamamatay tao, isang masamang tao.

At ang pinakahuling lumabas ng simbahan, si Raven..

Akala ko nakakulong na siya. Akala ko..

Hindi ko alam kung pano siya nakalaya..

Pagkatapos lumabas ng mga pulis, tumakbo ako papasok sa simbahan. Kahit napaka hassle ng suot kong wedding gow, tumakbo parin ako na para bang hinahabol ako ng aso.

“BACON!!!!!!”

Pero pagdating ko sa altar..

Wala na si Xander..

Si Tito Alexander nalang ang natira..

at walang buhay..



AN: This will be the last chapter before the finale..ibig sabihin FINALE nalang ang natitira..I'll post it tomorrow..

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon