Chapter 29: Roller Coaster Ride Feeling

82K 718 32
                                    

“Sigurado ka bang bukas na agad? Di ba pwedeng next week?”

Tanong ko kay Xander. Hindi ko kasi alam kung anong dapat kung gawin. Kung papayag ba ako o baka pwedeng sa susunod nalang para naman makapaghanda ako. Kinakabahan kasi ako ng bonggang bonnga. Parang sasabog na iyong puso ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito. Iyong tipong konting konti nalang talaga at lalabas na ang puso ko mula sa loob ng katawan ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito.

“Pumayag naman si Dad. Gusto ka din naman niyang makilala.”

Sabi ni Xander habang nakahawak siya sa manibela ng kotse.

“Pero kasi..Natatakot ako.. Paano pag hindi niya ako magustuhan at pag hiwalayin niya tayo?”

Diba naman kasi iyong sa mga napapanood nating telenovala, pag pinakilala ka sa parents ng lalaki minsan ayaw nila sa’yo tapos pinaghihiwalay kayo?

Katulad saMeteorGarden, pinakilala ni Dao ming Si si Sanchai tapos pinaghiwalay sila ng mama ni Dao ming si. Sa Boys over Flowers ganun din nangyari, ayaw din ng Mama ni Jun Pyo kay Jandi. Aissh! Sumasakit ulo ko. Hindi parin kasi mawala sa isipan ko iyong sinabi kanina ni Megan nong nagkita kami.

 

“Oh! Alright. Girlfriend mo siya hindi na ako kokontra don. Alam ko din namang sa’kin kadin mapupunta sa bandang huli! So bye for now and enjoy sa konting panahon na natitira sa inyo!”

Hindi ko maintindihan kung anong konting panahon ang ibig niyang sabihin. Hindi naman ako mamamatay dahil wala naman akong sakit. Baka si Xander? Pero hindi eh, ang lakas lakas nga niya. Tapos sabi pa niya mapapasakanya daw si Xander sa huli. Ehh? Hindi ko nalang sinabi kanina kay Xander na affected ako don sa sinabi ng Megan, ayoko kasing mag-alala pa siya.

“Bakit mo naman nasabing hindi ka magugustuhan ni Dad? Eh ang ganda mo, mabait pa. Nasa sa’yo na lahat. Wala kang dapat ipag-alala.”

Inihinto ni Xander ang kotse dahil sa red light. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon.

Feeling ko tuloy, parang nawala lahat ng agam agam ko. Hindi naman siguro mangyayari sa amin ni Xander iyong mga iniisip ko. Over lang siguro ako kung mag-isip. Kaya naman hindi nagustuhan ng Mama ni Dao Ming si at ni Jun Pyo ang babaeng gusto nila kasi wala silang pera. Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko pero wala kaming naging problema pagdating sa pinansyal. May magandang business naman si Daddy Kurt at si Mommy Yumi.

“Sige na nga..”

Pumayag nadin ako sa alok ni Xander.

“Pwedeng humingi ng isa pang favor?”

Tanong ni Xander sa’kin. Kumunot iyong noo ko dahil hihirit pa talaga siya ng isa pang favor, pero pinagbigyan ko parin.

“Buti nalang talaga at mahal kita..Anong favor naman iyon?”

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon