Chapter 48: Prisoner

54.8K 458 26
                                    

Xander’s POV

“Tama iyong ginawa mo anak. Huwag kang mag-alala, tutulungan kita. Huwag mo ng alalahanin si Raven. Ako na ang bahala sa kanya.”

Kababalik lang ni Dad at sinabi ko na sa kanya ang totoo.

“Pero papano ko sila matatakasan?”

Hindi ko alam kung bakit pa ako pinababantayan ni Raven sa mga bodyguards niya. Kahit san ako pumunta hindi ako tinatantanan ng mga tao ni Raven.

“Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa kanila. Don ka nalang sa banyo dumaan.”

Tumango lang ako kay Dad.

“Hintayin mo lang muna ang senyales ko bago ka lumabas. Pag narinig mo na ang pangalan mo, lumabas kana don sa bintana.”

“Thank you Dad.”

Pumunta na muna ako sa kwarto ko at kinuha ang susi ng kotse ko.

Pagbaba ko dumeretso na ako ng banyo at hinintay ang signal ni Dad.

“Pumasok na muna kayo at para naman makapag kape kayo.”

Narinig kong sabi ni Dad sa tatlong guards.

“Maraming salamat Sir. Kanina pa nga ako inaantok.”

Sabi nong isang guard.

“Si Sir Xander po?”

“May sadya ka ba sa kanya?”

Tanong ni Dad.

“Wala naman po, baka gusto niya po ng kape.Parasabay sabay na tayo.”

“Cge tawagin ko lang muna.”

“XANDER!!!!”

Iyon na ang hinihintay kong senyales mula kay Dad. Dahan dahan kong binuksan ang bintana ng banyo namin.

“Tulog na ata si Xander. Huwag nalang natin istorbohin.”

“Cge po Sir. Sir pwede po bang pagamit ng banyo noh?”

Bigla akong kinabahan. Baka kasi bigla nalang bubuksan ng bodyguard ang banyo at mahuhuli ako.

“Huwag mong buksan iyan!!”

Narinig kong sigaw ni Dad.

“Bakit po?”

“Hindi na namin ginagamit iyan dahil sira na. Don ka nalang sa taas gumamit.”

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon