Chapter 35: Monthsary

67.6K 563 24
                                    

Ginising ako ng tunog ng alarm clock na nakapatong sa beside table ko. Kinuha ko iyong digital alarm clock at pinindot ang off button kahit nakapikit parin ang mga mata ko. Kahit na sobrang inaantok parin ako pinilit ko paring bumangon dahil ayokong malate sa klase ko. Minulat ko iyong mga mata ko at tinignan ang oras gamit ang digital clock na hawak hawak ko. 6:45 AM.

Kinuha ko iyong cellphone ko para tignan kung may messages bang dumating pero kahit isa wala.

Hindi niya siguro naalala ang araw na’to.

 

Wala naman kasi sa personality ni Xander ang mga ganung bagay kaya siguro hindi niya naalala. Dumeretso nalang ako ng banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo, tinignan ko ulit iyong cellphone ko pero wala parin talagang dumarating na message. Nagbihis nalang ako at nag-ayos saka ako bumaba para kumain.

“Goodmorning Princess.”

Bati sa’kin ni Mama pagbaba ko ng hagdan.

“Goodmorning Ma.”

“Kumain kana para makapasok ka na ng school.”

“Sina Daddy po at Kuya?” tanong ko kay Mommy

“Maaga silang umalis anak, may aasikasuhin daw kasi.”

Tumango lang ako at tinungo na ang dining table namin. Maiintindihan ko naman si Xander kung talagang hindi siya makakabati sa’kin pero hindi ko talaga maiwasan ang malungkot.

“Okay ka lang Princess?”

Tanong ni Mommy sa’kin habang kumakain kami.

“Opo Mom. Okay lang ako.”

Tinapos ko na iyong pagkain ko at nagpaalam na kay Mommy.

“Siyanga pala Ma, hindi ka ba papasok ng office?”

Tanong ko sa kanya. Napansin ko kasing hindi pa nakabihis si Mommy.

“Hindi na anak, dito nalang muna ako sa bahay at magpapahinga.”

“Cge Ma, mag-ingat ka diyan.”

Hinalikan ko ang pisngi ni Mommy Yumi saka ko tinungo ang kotse ko.

..TPH..

“Good morning Louise.” Bati agad sa’kin ni Kaylee pagdating ko ng classroom namin.

“Good morning din Kaylee.” Bati ko sa kanya pabalik. Ngumiti naman ako kaso lang hindi talaga iyong ‘genuine smile’.

“Okay ka lang?” tanong niya sa’kin.

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon