Chapter 18: Bet

79.5K 789 34
                                    

Tumungo na kami ni Xander sa kusina.

Si Kuya naman tinggal na niya iyong apron na suot niya.

“Maupo na kayo. Sorry eto lang iyong nakayanan ko. Muntikan pang masunod iyong bacon.”

Parehos kaming nanigas ni Xander dahil sa sinabi ni Kuya. BACON. Hindi ko naman kasi alam na iyon pala iyong nakuha ko kanina sa ref.

“Ayaw niyo kumain? Kung ayaw niyo eh di ako nalang uubos nito.’

Umupo na si Kuya at naglagay ng pagkain sa pinggan niya.

“Ayaw niyo talaga?” tanong ulit ni Kuya

“Kain na tayo. Upo ka muna.” Sabi ko kay Xander

Napapagitnaan ako ni Kuya at ni Xander.

Nailang tuloy ako dahil sa ulam namin ngayon.

“Bacon pala ha.” Bulong ni Xander sa’kin. Tinignan ko siya at nagsmirk naman siya.

Feeling ko tuloy namumula iyong pisngi ko dahil sa sobrang kahihiyan.

“So Pare, ano palang pangalan mo?” tanong ni kuya kay Xander

“Alexander. Xander nalang.”

“Ikaw pala yung sinasabi ni Princess. Andrey pala. Kuya ni Princess.” Nakipagkamay pa talaga si Kuya kahit nasa gitna ako.

“Nanliligaw ka pala sa pinsan ko?” biglang tanong ni Kuya

Siniko ko si Kuya para ipaalam sa kanya na masyado ng personal iyong tanong niya.

“Parang ganun na nga.”

Akala ko talaga hindi sasagot si Xander pero sumagot siya.

Hindi talaga niya dineny iyong panliligaw niya kay Kaylee.

Speaking of Kaylee. Ngayon ko lang siya naalala, baka sobrang nag-aalala na iyon kay Xander.

“Onga pala Xander, alam ba ni Kaylee na andito ka sa’min?”

“Hindi. Hindi pa kami nagkita simula nong umalis ako sa amusement park kanina.”

“Hindi pa? Sinundan ka ni Kaylee kanina sa amusement park nong umalis ka. Hindi ba kayo nagkita?”

Umiling lang siya at nagconcentrate sa pagkain niya.

“Alam mo ba Xander pare. Etong si Princess sobrang talino. Kahit anong itanong mo sa kanya alam niya iyong sagot. Diba Princess?” Siniko ako ni Kuya

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon